39 - failed

47 2 0
                                    

Unang pagliitis.

Nasa kanan ang upuan ni Rusio, katabi niya si Suzana at Agripinana na kasama si Malcolm.

Nag aabang ang Mag anak na Salvacion sa pagpasok nila Maia

"Daddy I want to go to lola and lolo"

"No, Malcolm" ani Suzana

"Why not?" malungkot angbitshura nitong tumingin kay Rusio

"They are siding the kriminals" sambit ni Suzana

"Suzana!" saway ni Rusio

"what?"

"Stop it!"

"I am just telling the truth"

"You can go" ani Rusio

Napasinghap si Suzana sa pagpayag ni Rusio

Hindi na ito sumabat pa.

Masayang lumapit si Malcolm sa lolo at lola niya.

Nang lumingon siya ay nakita niya si Maia

"mommy!" sigaw niya

Agad siyang tumayo at sinalubong ito ng mahigpit na yakap

"I miss you, mommy" naluluha niyang sabi

Lumuhod si Maia para mayakap ito. Napakurapbito at kagat sa kanyang ibabang labi upang hindi tumulo ang luha.

"I miss you anak" tanging nasambit niya.

"Tumayo ka na diyan" sambit ng pulis.

Sinabayan siya ni Malcolm sa paglalakad.

Nang si Wyatt na ang pumasok biglang ikunuyom ni Rusio ang kamao.

Hindi niya ito tinignan hanggang makaupo ito sa tabi ni Maia.

Tumingin muna ito pero diresto sa harapan ang tingin ni Maia.

Tahimik na naupo na lang si Wyatt.

Binabasa ng hukom ang akusasyon laban sa kanila.

Naglabas ng mga dokumento ang abogado ni Rusio.

Ang mga papeles na transaction at kontrata ay naka pirma si Wyatt. Ang mga naturang transaction a hindi alam ng kompanya. Mahigit kumulang na
200 million ang nakulimbat na pera mula sa kompanya sa loob na dalawang taon.

Nag labas rin ng ebidensiya ang kampo ni Wyatt na nagpapatunay na ang mga petsang nakalagay sa mga papel ay nasa brazil ito. May mga kuha ng cctv ng mga pinuntahan niyang establishimento. 

May dumating na witness.

"Paano mo mapapatunayan na si Mr. Johnson ang pumirma ng kontrata na iyan."

"Naroon po kami dahil mga trabahador kami sa warehouse. Nakita ko na pumirma siya ng mga pepeles at nakipagkamay sa mga kausap niya at nasambit niya ang kontrata."

"Nabasa mo ba ang papel kung ano ang nakasaad sa kontrata?"

Hindi ito naka imik

"Hindi ko po sigurado, English po eh"

"Paano mo nabasa ito, lumapit ka ba sa kanila?"

"Hindi po, naglilinis po ako ng opisina ni sir at nakita ko yung papel sa lamisa niya."

"Paano mo masabi na tun nga ay kontrata kung hindi mo naiintindihan ang salitang english?"

Hindi na makapagalita ang witness.

Naka kunot ang noo ni Suzana habang nakatingin ito sa lalaki.

Napailing ang abogado nila Rusio

Sunod na witness, nagtitinda ng fishball

Stealing Wife[completed]Where stories live. Discover now