Chapter 1: Offer

82 6 6
                                    

Nadine's POV

"Kung gusto mo ako muna ang boyfriend mo!" Bigla akong napatigil sa layunin ko na gusto kong magpakamatay.

Para bang bigla nalang akong nagising sa isang panaginip

Boyfriend? Siya muna boyfriend ko? Mukha naman siyang mabait at matulungin. Gwapo naman siya at matangos ang ilong.

Nasa park na kami. "Bakit mo ako dinala dito?" Sabi ko sa kanya.

"Baka kasi bigla nalang sumagi sa isip mo ang magpakamatay ulit. Di ko mapapatawad sarili ko. Kapag may nakita akong mamatay sa harap ko at wala manlang akong nagawa. Di kakayanin ng konsensya ko nun." Nakangiti niyang sabi pero halatang sincere siya sa sinasabi niya.

"Maraming salamat nga pala sa pag gising mo sakin." Sabi ko. Di ko alam kung dapat ba akong matuwa o hindi. Kasi napigilan ang balak ko.

"Teka bakit mo nga pala naisipan gawin yun? Yung pagbibigti?" Tanong niya.

"Ang totoo niyan iniwan ako ng boyfriend ko. Since 4th year naging kami. Tapos isang araw di nalang siya nagparamdam at di na nagtext. Tapos kanina habang papunta ako sa kanila."

------------------FLASHBACK-------------------

Nadine's POV

Kakagising ko palang at nakatingin padin ako sa kisame namin. Hindi ko alam pag gising ko parang may sakit ako palaging nararamdaman. Di padin kasi nagpaparamdam yung boyfriend kong si Francis.

Bigla bigla nalang siyang di nagparamdam.

Nagulat akong may kumatok.

TOK! TOK! TOK!

"Anak kain na." Si mama lang pala.

"Sige po. Kakausapin ko lang si ate." Sabi ko

Binuksan ko kaagad yung laptop at tinawagan si ate sa skype.

"Ano kamusta? Nagparamdam na ba si Francis?" Sabi niya

Di ko alam sasabihin ko. Pero sa araw araw na usapan namin yan ang una niyang tanong. Siya nga pala yung kakambal ko si Claudine.

"Hindi pa nga eh." Malungkot kong sagot.

"Paano kaya kung puntahan mo na siya. Para malaman mo na." Sabi ni Claudine

"SIGE! BYE." Nagmadali kong pinatay yung laptop tsaka kumain tapos nag bihis ng maganda. Yung simple lang pero maganda.

Bago ako umalis nagpaalam ako kay Mama. Nagpaalam din siya sakin kasi aalis daw siya. Mga 12 ng madaling araw na daw siya makakadating.

Kaya ayun nagpunta na ako sa bahay nila Francis. Yung ex ko.

Malapit na ako sa bahay nila. Pero noong palapit ako ng palapit sa gate nila bigla akong kinabahan na hindi ko maintindihan. Kinakabahan talaga ako. Pakiramdam ko babagsak ako.

Dahan dahan akong tumungo sa gate nila pero nung saktong dodoorbell ako bigla nalang bumukas ang pinto nila at nakita ko na may kasama siyang ibang babae. Nag I Love You pa yung babae. Mukha naman siyang edukada.

"F-F-Francis." utal kong sabi.

Ngunit bigla nalang siyang lumapit. Pero hindi sakin kundi dun sa babae at hinalikan niya ito sa pisngi.

"Nadine Break na muna tayo." Sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Parang pakiramdam ko bitbit ko ang buong mundo sa bigat ng nararamdaman ko.

Twist in the TaleWhere stories live. Discover now