01

6 1 0
                                    

"Nikk, nasaan na daw si Asher?" Tanong ni nay Loury kay kuya Nikk habang minimake up-an ako.

"Malalate daw siya, nay." Said the man sitting next to me while holding a vape.

Alas-syete na ng gabi kaya apura na din ang lahat ng candidate at sari-sarili naming handler sa pag-aayos dahil alas-otso ay mag sisimula na ang event.

First time kong sasali sa ganitong event, mutya ng barangay, ang alam ko para lang sa magaganda ang ganitong patimpalak. Flawless, hindi tulad ko na madaming peklat dahil sa sensitive ang balat ko. Walang insecurities, hindi tulad ko na ang dami-dami.

"Kinakabahan ka?" Pagkausap sakin ni kuya Nikk.

I smiled sparingly before nodding. Who doesn't get nervous when you face so many people, hindi ako sanay sa ganito. Bahay, school lang ang routine ko palagi kapag may pasok, pero ngayong bakasyon na ay kadalasan nasa bahay lang ako. Bilang lang sa kamay kung umalis ako, minsan ay oras lang ang tagal ko sa labasan.

"It was really like that at first, but the next time you join, the nervousness will disappear. Wag mo din kalimutang mag inhale and exhale, makakatulong yun." Wala na po akong balak sumali pa sa pageant, una at huli na po ito. Gusto kong isatinig pero tumango nalang ako bago iclose-open ng patago ang kamay. Kinakabahan padin ako pero kahit papaano ay nabawasan dahil sa sinabi ni kuya Nikk.

"Makinig ka kay Nikk, mas malala pa ang kaba niyan noong first time din sa pageant. Naalala ko nun, habang inaayusan ko, yung mukha niya parang maiiyak na ewan, pabalik-balik din sa cr." Ngisi ni nay Loury kaya napatawa din kami ni kuya Nikk.

Habang inaayusan ako ng buhok ay pumikit ako para magdasal. "Lord, hindi ko po hihilingan na manalo ako, sapagka't hinihilingin ko pong gabayan niyo ako. Ikaw po ang lumakad sa itaas ng stage para sakin, ikaw po ang sumayaw para sakin, at ikaw po ang sumagot sa tanong na ibibigay sakin."

"Number six po?" Tanong ng coordinator sa harap namin. Tumango ako bago inabot ang contestant number pin na may naka print na number six sa gitna. Binigyan niya din ako ng bondpaper at ballpen para doon isulat ang pangalan, edad, purok, at motto.

"Nagsisimula na?" Habang nagsusulat ay napalingon ako saglit kay kuya Nikk na may kausap sa kaniyang cellphone.

"Hindi pa, pero malapit na. Ten minutes nalang," sagot niya sa kausap.

Nang matapos sa pagsusulat ay pinalabas na din ang mga lalaki sa loob ng backstage para makapag bihis na kaming mga candidate. Kinabahan ako lalo nang sumilip ako sa labas ng bintana at nakitang sobrang daming tao.

"Ready na po sa labas." Sigaw ng coodinator. Lahat kaming candidate ay naka-kulay white na top at naka-tattered jeans. Production muna ang uunahin, sasayaw kaming lahat sa ibabaw ng stage.

"Dahan-dahan," paalala ni nay Loury habang nakahawak sa kabila kong kamay paakyat ng stage.

"Sumali pa, hindi naman maganda." Lalo akong hindi naging komportable dahil sa narinig mula sa katabi.

Hindi ko din namang ginusto na sumali. Saad ko sa aking isipan. Totoo naman, sinali lang ako ng mama ko dahil gusto nilang maexperience ko ang pagsali sa ganito. Dati oo, gustong-gusto ko ang rumampa pero nang magdalaga ay nahihiya na ako dahil sa dami kong napapansin na hindi maganda sa pisikal na kaanyo-an ko.

Alam ko na hindi naman dapat kinakahiya ang mga insecurity na meron ang tao, pero dahil sa mapanghusgang mga mata ay nagtutulak iyon sa iba para bumaba ang self confidence nila.

I closed my eyes for a moment before taking a deep breath. Habang sumasayaw ay magana akong nakangiti, ang nasa aking isipan ay walang nanonood at isa ko lang na sumasayaw.

"Bella Mari Villacorta, representing purok 3!"

Matapos magpakilala ng nasa unahan ko ay sumunod ako, tulad kanina ay hindi nawala ang ngiti sa aking labi. Lakas loob akong rumampa paharap.

Hindi ko alam kung ano ang nangyare nang magtama ang mata namin ng isang lalaki, it was as if the surroundings stopped at the same time as it blurred. Saglit akong napalunok bago humawak sa mic, hindi padin naaalis ang tingin ko sa lalaki.

"My name is Cyrill Renee Alinea, 16 years of age, representing purok 4!" Huminto ako sa pagsasalita dahil sa malakas na hiyawan mula sa mga manonood. "And I believe in the saying that, crowns are not made of rhinestones. They are made of discipline, determination, consistency and a rare trait called courage. And I, thank you!" Saglit akong nag pose doon bago lumakad pababa ng stage.

Lutang akong humawak sa kami ni nay Loury habang patungo sa backstage. Hindi mawala sa isipan ko ang nangyare kanina.

Pagpasok sa backstage ay lalo akong napatanga dahil sa nakita kung sino ang dumagdag sa pwesto namin. "Patulong, tanggalin niyo na muna ang heels niya." Sabi ni nay Loury habang inaalis ang damit ko. May tube naman ako at doble ang cycling na suot kaya ayos lang.

Para akong hindi makagalaw nang tumama ang kamay nung lalaki sa paa ko habang inaalis ang heels.

Ano ba itong response ng katawan ko, bakit ganito? Iritableng tanong ko sa sarili.

"You surprised me earlier, Cyrill. Hindi kita tinuruan sa self intro pero ikaw ang naiiba sa mga sinabi ng iba pang candidates." Nakangiting sabi ni nay Loury habang nireretouch ang make up ko.

Tama siya dahil sa ibang candidate ay pangalan at purok lang ang sinabi habang ako ay kompleto, pangalan, edad, purok at may kasama pang I believe saying.

Pagtapos akong ayusan ng buhok at bihisan ng pang casual wear ay prente lang akong nakaupo habang nakatutok sakin ang electric fan. Tahimik lang akong nakatingin sa salamin na nasa aking harapan dahil sa ramdam kong nakatingin sakin ang lalaki.

"Kaya nga, nay. Ang galing niya." Segunda ng lalaki.

"First time niya pa ang sumali sa ganito."

"But when she walked and spoke earlier, it didn't seem like a first timer, nay." Patago kong kinurot ang sariling darili habang pinipigilan ang ngiti. Yung pananalita niya parang amaze na amaze sakin. "Nakaka star-struck siya."

Halos magwala na ang puso ko dahil sa sinabi niya. Shems, hindi ako sanay na cinocompliment pero bakit sobra ang ngayon?

"Oh 'di ba! Sabi na maiimpress ka sakaniya, eh." Ngisi ni nay Loury at kuya Nikk.

"Magaling po kasi talaga. Sali mo siya nay sa production model mo."

"Isasali yan ni nay Loury sa production model niya."

Bahagyang natawa ng malakas si nay Loury dahil sa sabay na sinabi ng dalawang lalaki. "Kahit hindi niyo sabihin, isasali ko talaga."

Long Walk with YouWhere stories live. Discover now