I'll Be Your Forever [One Shot]

17 0 0
                                    

James' POV

"Then maybe we wouldn't be two worlds apart
But right here in each other's arms
And we almost, we almost knew what love was
But almost is never enough..."

Lahat sila dito sa resto bar nag palakpakan habang ako tulala sa babaeng nasa stage.

Halatang broken hearted. Ang daming luhang pumapatak.

Hindi ko maintindihan sarili ko. Gustong gusto ko siyang lapitan at punasan ang mga luha niya at kung pwede lang, angkinin ko ang sakit na nararamdaman niya.

Hindi ko siya kilala pero ganito ang nararamdaman ko.

Maybe I just pity her.

Alam ko kase kung ano pakiramdam na maging broken hearted.

"Babe, alam mo bang nakakaawa siya?" Narinig ko yung babaeng nasa likod kong nagsalita. Hindi ko naman naiwasang makinig sa kanila.

"Bakit? Ano ba nangyari?" Sabi naman nung boyfriend niya ata.

"Ang alam ko kase nung araw mismo ng kasal nila ng ex fiancé niya ay hinayaan niyang iwan siya at pumunta dun sa ibang babae na yun talaga ang mahal nung guy. Nakakalungkot nga kase iniwan talaga siya at ayun nga hindi natuloy ang kasal. Reception agad. Pero walang groom. Sabi pa ng kaibigan kong umattend nakangiti pa daw siya nun habang kinakamusta ang mga bisita nila kahit obvious naman na sobrang nasaktan siya nun. Kaya ayun dito na lang niya binuhos ang mga hinanakit niya."

Grabe pala yung naranasan niya. Mas masaklap pa kesa yung sakin.

Nakipag break lang naman kase ang ex ko dahil hirap siya sa long distance. Nasa France kase siya nag aaral. Kaya ayun. Siguro nakahanap na rin ng bago.

Pero ito? Sa mismong kasal? Hindi ko ata kayang gawin yun.

Hindi ko namalayan na katabi ko na pala yung babaeng kumanta kanina. Ang dami na rin nainom.

"Miss, tama na yan. Baka hindi ka na makuwi." Saway ko sa kanya habang nilalayo ko ang baso sa kanya pero tinabog lang niya ito.

"W-wag ka nga makielam! *hik* It's none of your business kung hindi man ako makauwi."

"I didn't meant to hear what the girl said earlier pero kung maglalasing ka lang para makalimutan mo yung ex fiancé mo, hindi yan makakatulong. Oo sabihin natin makakatulong pero bukas andyan pa rin nyan at may kasama pang hangover dahil sa kakainom."

Halarang natigilan siya sa sinabi ko. Nagulat ata. Pero maya maya tumawa siye pero mapait.

"Syempre alam mo rin. Ang saya no? Akala mo may happy ending na kayo pero hindi pala happy ang ending." Lumagok ulit siya ng isang shot. "Hanggang ngayon siya parin. Syempre, ano ba laban ko sa kanya diba?"

At dahil dun, hindi niya na napigilan at humagulgol na siya sa iyak.

Niyakap ko siya ng mahigpit na para bang sa yakap na yun ay mabubuo ulit yung wasak na wasak niyang puso.

"Shh. Tahan na. Ako na lang ang babawi. Sisiguraduhin kong hindi mo na to mararamdaman ulit."

Nagulat ako nang yumakap rin siyang pabalik at sobrang higpit.

~~~~~~~

Margo's POV

Flashback

"Do you, Brandon Ros, take Margo Espinosa to be your wife? Do you promise to be true to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and honor her all the days of your life?"

"I-i...uhm...I-"

Tumingin ako sa kanyang mata. Halatang nag dadalawang isip. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili.

I'll Be Your Forever [One Shot]Where stories live. Discover now