41

155 6 9
                                    

MESSENGER

Marisse Cereno
Saturday 10:49 AM

Risse
ateeee
dadaan kayong nbs?

Issa
bakit

Risse
may papabili sana ko 🥺

Issa
highlighters na naman
di ba andami mo pang ganon

Risse
paubos na kaya!! ☹️
tsaka pabili ako ng gel pen hehe
5 na gel pen

Issa
lagot ka kay mama
sige
wala ng iba?

Risse
pasalubong
dunkin donuts tsaka yung peach danish sa the french baker
dalawa nung peach danish

Issa
sana sumama ka na lang

Risse
ihhh kahiya hahahaha
ayos lang
tinatamad din naman ako 😣

Issa
hay nako
sige na
chat mo uli ako ng 3 pm para maalala ko

Risse
okaaaay
thanks ate 🥰

• ❤︎ •

owen @arenasowen
tangina... gala ba to o field trip? bat andaming pagkain sa van

anne @maztwintwo
si lay namilit magdala ng pagkain 😭😭

• ❤︎ •

MESSENGER

Owen Arenas
Saturday 10:58 AM

Owen
oy
mamaya ah

Issa
paulit-ulit ka
oo na nga

Owen
sinisigurado ko lang hahaha

Issa
pano mo ba nasabing pareho kami ng crush mo sa taste

Owen
madami kayong similarities
favorite niya rin potato corner
dunkin donuts
buttered seafood kahit nag-a-allergy siya minsan
di siya umiinom ng softdrinks, water lang daw siya
ano pa ba
hmmm

Issa
ah... okay

• ❤︎ •


not issa 🔒 @some0ne
gumawa pa ng priv para lang dito ??

not issa 🔒 @some0ne
anyways... feeling ko... si risse yung crush ni owen

not issa 🔒 @some0ne
gagi hahahaha bat ganto

not issa 🔒 @some0ne
parang ayaw ko...

• ❤︎ •
#isarswp

I Suck At Reading SignsWhere stories live. Discover now