Chapter 11

12.3K 514 40
                                    


Raine

"I dunno. I'm still not sure about that." ang sagot ko sa tanong ni Farah.

Well, she's curious kung agad daw ba akong magta'trabaho sa loob ng kompanya ng mga magulang ko pagka'graduate ko.

Pero kung ako ang masusunod, gusto ko pang sulitin muna ang kalayaan ko ngayon. Sigurado kasi akong hindi na ako makakapag'gala masyado kapag tuluyan na akong pumasok sa kompanya namin.

Malaking responsibilidad ang gagampanan ko kaya gusto kong maging handa kapag dumating na ang araw na iyon.

"Hm, I understand." tumatangong saad nito bago uminom ng juice na nasa harapan nya habang hinihintay namin ang mga in'order naming pagkain.

Nandito kami ngayon sa isang fancy restaurant na hindi kalayuan sa unibersidad na pinasukan ko. Nag'aya kasi ang isang 'to kaya pina'unlakan ko na dahil wala naman akong makakasamang kumain sa cafeteria.

Absent ngayon si Vivian at si Xavier naman ay hindi ko mahagilap sa campus simula pa kaninang umaga. Busy ito lately na syang naiintindihan ko naman.

Busy syang pahirapan ni Bailey sa panliligaw sa kanya. Hahaha

"How about you? Wala pa ring matinong desisyon?" I tease her dahil alam kong ipinagpipilitan sya ng kanyang ina na humawak ng negosyo nila.

Mayaman ang both parents nya pero ang isang 'to pagala-gala lamang. Mas ginusto pa nyang magtrabaho sa art gallery ni Autumn sa France kesa ang humawak sa negosyo ng kanyang pamilya.

Isa din sigurong dahilan kung bakit kami naging malapit ng isang ito ay dahil sa pagiging mahilig namin sa arts. Aside from that, alam ko ring magaling na photographer ang babaitang ito.

Nakita ko na ang ibang shots nya at halos malaglag ang aking panga dahil sa ganda ng mga kuha nya. Mostly tungkol sa environment at mother nature ang pinagtutuunan nya ng pansin.

"Don't even mention it," she groaned kaya tuluyan na akong natawa.

Kung sabagay, masyado pa syang bata para sa mga responsibilidad na iyan. Matanda lamang sya ng isang taon sa amin nina Autumn at Summer kaya maiintindihan ko kung ayaw na muna nyang magseryoso sa negosyo ngayon.

I was about to tease her more ng biglang dumapo ang aking mga mata sa entrance ng restaurant na ito.

Nakagat ko ata ang dila ko ng makita kung sino ang taong kapapasok pa lamang ngayon. Naramdaman nya sigurong may nakatitig sa kanya kaya simple itong nagpalinga-linga sa paligid.

Huli na para magbaling ako ng tingin dahil nagtagpo na ang mata naming dalawa. Awkward akong ngumiti sa kanya pero as usual, malamig na naman itong tumitig sa akin bago ako tinaasan ng kilay.

Gusto kong sumimangot dahil sa ginawa nya ngunit napalitan iyon ng pagkunot ng noo ng mapansin ko kung sino ang kasama nito.

Magkakilala pala silang dalawa?

"Miss Gianna?" untag ko na mukhang nakakuha sa atensyon ni Farah.

"Huh? Who's that?" may pagtataka sa mukha nito ng lingunin ko sya.

"She's one of my closest professor way back in Payton University." I answered her at tinapunan ng tingin ang pwesto nila Olivia na ang sama ng titig sa akin ngayon.

Problema nya?

"Ah, I see. Kaya pala hindi ka mapakali dyan. Nandito pala ang bebe mong malamig pa sa yelo." tudyo nito ng sundan ng mga mata nya kung saan ako nakatingin ngayon.

Love At First Sight (Cousin Series #2) √Where stories live. Discover now