I didn't save her

2 0 0
                                    



Me and my cousins usually hang out, lalo na lately dahil Christmas vacation pa at pare-pareho naming natapos na yung Activities na iniwan. We travel a lot but only here in Philippines, kung saan-saan kami nakakarating ngunit hindi lamg basta gala ang ginagawa namin dahil kapag pumupunta kami sa isang lugar inaalam namin yung kilalang simbahan doon tapos magsisimba kami them after no'n kung may beach sa lugar na 'yon edi go kami.


And today's destination is Batangas, pangalawang beses na namin ito pero dahil hindi namin noon napuntahan yung Taal Basilica ayy ngayon namin iyon naisipang pasyalan.


Medyo matagal yung biyahe, si Eric ang driver, siya ang pinaka-matanda sa aming magpipinsan at ako ang bunso, Walo kaming magpipinsan na talagang close yung iba hindi namin ganoon kadalas na nakakasama at second cousin lang namin.


At dahil nga matagal yung biyahe nakatulog sila Ate Joe, Ate Carla, Ate Monique, Kuya Joel, Kuya Tupe at Kuya Eil, tanging ako at Kuya Eric lang ang gising, maya-maya nakaramdam ako ng pagka-ihi kaya sinabi ko na magstop-over muna kami. Hindi naman nagising sila Ate at Kuya na natutulog sa likod kaya ako lang at si Kuya Eric ang bumaba, siya dumiretso sa store at ako sa katabing c.r.


Pagpasok ko ay naglilinis yung janitress, nginitian ko lang siya tsaka dumiretso sa dulong cubicle na katapat ng pinto sa likod, nakahiwalay kasi itong cubicle tapos sa harap na pinto ay may tatlo pang cubicle. Lalabas na sana ako ng cubicle ng marinig kong may biglang pumasok rin, huminto muna ako tsaka pinakinggan.


"Buti nagpakita ka pa sa amin ha?" boses ng isang mataray na babae.


"Ano hindi ka sasagot!" Sabat nung isa na ikinagulat ko pa dahil sa sigaw niya.


Naisip kong silipin yung nangyayari nakatalikod silang lahat sa akin, hindi ako kita.Mga nambu-bully lang pala akala ko kung ano na. Kaya imbes na maki-usyoso pa ay dahan-dahan ako lumabas mula sa likod at kabutihang palad ay walang nakapansin sa akin.


Pagbalik ko sa van ay naghihintay na sa 'kin sa labas si Kuya Eric, pareho kaming pumasok na sa loob at muli niyang pinaandar ang sasakyan. Maya-maya ay naisipan kong manuod ng balita sa youtube, at tila napako ako sa kinauupuan ko ng makita ko na patay na yung babaeng binu-bully kanina sa C.r nung store na 'yon.


"K-kuya," saad ko sa nauutal na tono.Agad namang inihinto ni Kuya Eric ang sasakyan dahil sa narinig na balita.


"K-kuya, n-nakita ko siya kanina doon sa c.r na may kasamang mga babae, binu-bully siya," saad kong muli.


Yung babae ay nakitang basag ang ulo doon sa c.r na 'yon and that memory hunt me for years , 'ni hindi ako pinayagang tumistigo para ro'n, at wala ring nakaka-alam na andon ako bukod sa mga pinsan ko, walang ibang naka-kita dahil walang cctv sa lugar na iyon.Gabi-gabi akong binabangungot ng nakaraan na 'yon, kung naisip ko ba na manghimasok sa away ay hindi iyon mangyayari doon sa babae? I didn't save her kahit alam ko na kaya ko naman.



------end------


One shot stories collectionWhere stories live. Discover now