CHAPTER 12

951 45 14
                                    

Dedicated To: Halian 

♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡

♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡




Luhan's Pov


❝Luhan, hindi ba magagalit si Xiumin? Okay lang naman sa'kin kahit na huwag mo na lang akong samahan, baka kasi magalit siya..❞

Nagtext si Xiumin kanina na nasa Hongdae Playground siya ngayon at doon siya maghihintay kay Dara.

Ano kaya ang binabalak niya kay Dara? Bakit gusto niyang magisa lang itong magdadala sa kanya? May binabalak ba siyang hindi maganda? Hindi ko na nga maintindihan kung bakit ayaw niya kay Dara, dapat lang na hindi ko hayaang magisa niyang pupuntahan si Xiumin. Knowing him, I know he won't do anything bad to her, iyong talagang mapapahamak si Dara, hindi ganon si Xiumin. Pero siguro emotionally? Baka kung ano ang mga sabihin niyang hindi maganda dito.

❝Ako na kasi ang bahala, wala na siyang magagawa kung sasama ako.❞

Napabuntong hininga si Dara, alam kong kinakabahan siya. Hindi nga niya alam kung ano ang kinaaayaw ni Xiumin sa kanya.

❝Kumusta na kaya si hun sa bahay? Hay..❞Nakapout niyang bulong na dinig na dinig ko naman. Ngumisi lang ako, namimiss na agad niya si Sehun, ha?

❝Sana pala isinama na lang natin si Sehun.❞

Pero sa tingin ko rin ay mabuti nang hindi nakasama si Sehun. Baka kapag nakita niya si Xiumin at makitang hindi maganda ang pakikitungo nito kay Dara, baka ikakagalit niya.

❝Gusto ko nga siyang isama sana, kaso baka mabored siya. Lumabas tayo hindi para magenjoy. Babawi na lang ako kay Sehun, mamaya at bukas.❞

Ngumiti si Dara, kahit papaano nawawala na sa hitsura niya ang kaba. But I'm not sure about later.

Malapit na kami sa Hongdae playground, sa katunayan nga niyan ay hilig na tamabyana ni Xiumin ang lugar na iyon. Maraming tao at dinadagsa ito dito sa Seoul. Maaaliw karin naman sa mga makikita mo doon. Nung makarating kami ay may nadaanan pa kaming isang bandang kumakanta, dinadagsa rin ang maraming street performers dito. May mga banda, may kumakanta meron din sumasayaw, lahat lahat na siguradong ikakaaliw mo.

Napahinto kami sa paglalakad noong makita naming nasa playground si Xiumin, nakaupo ito habang nilalaro ang isang stick.

Pati dito sa akin ay nararamdaman ang kaba ni Dara. Napabuntong hininga ako, kung bakit ba kasi dito pa makikipagkita si Xiumin. Ano ba talaga ang balak niyang mangyari? Minsan ko na siyang tinanong kung bakit ayaw niya kay Dara, pero wala akong natanggap na sagot.

NOONA for Hire (Noona Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon