Chapter 46

1.2K 46 0
                                    

Yukizia Veronica.

"WALA talaga eh! Nilibot ko na ang buong bahay, pati ang garden pabalik-balik na ako pero hindi ko makita si Treziel." Napahawak si Venus sa noo niya.

"Ako rin nagtanong na sa guard rito sa gate natin hindi raw nila napansin si Treziel na lumabas," Nag-aalalang sabi ni Venus.

"Nasaan na kayang bata na 'yon? Ngayon lang siya nawala sa paningin ko, at kinakabahan ako," Saad pa ni Venus.

"What? Anong nangyari? B-bakit? Paanong nawawala si Treziel?!" Nanghihinang tanong ko ng makababa ako sa living room, nakita ko sila na para bang hindi mapakali.

"Eh... Kasi Zia nawawal si Treziel..." Nakayukong sabi ni Venus na ikinakabog ng dibdib ko sa subrang kaba, binalot ng sobrang takot ang buong sistema ko ng marinig ko ang sinabi niya.

"Ma'am! Wala po kaming nakita sa likod bahay, mukhang hindi naman po siya pumunta sa likod," Biglang sulpot ng guard namin rito sa bahay.

Nakikita kong natataranta sila Paula at pati ang mga guard ay naghahanap na, oh my god! Anong nangyari? Paanong nawawala? Naglalaro lang naman siya sa labas ng bola ng iniwan ko siya para ikuha sila ng shirt pero bakit wala na siya? Baka naman nagtatago lang?

Napatakip ako sa bibig ko ng maisip ko 'yon. No! No! No... This can't be!

"Hindi ba sabi ko wag niyo siyang pababayaan sa baba? Sinabi kong kukuha lang ako ng shirt nila, paanong nawala?" Nag-aalala kong tanong, napatingin ako kay Alvi at Arvi they are sad.

"Babies? What? Tell me? What happened to your little brother?" Lumuhod ako sa harapan ng dalawa kong anak ng tanungin ko sila nagkatinginan sila na para bang may alam sila kung anong nangyari kay Treziel.

"Zia kasi, pumasok muna kami ni Venus ng bahay para ikuha sila ng snack, iniwan namin silang tatlo sa garden," Kinakabahan na paliwanag sa akin ni Paula.

"Alam ko! Alam ko na naglalaro lang sila pero pa-paano nga? May nakapasok ba rito sa bahay? Huh? Sabihin niyo dahil kinakabahan ako para sa anak ko!" Hindi ko mapigilang hindi magalit, ikaw ba naman mawalan ng anak? Hindi, Hindi siya nawawala nagtatago lang siya.

"Mommy..." Tawag sa akin ni Trekiel at hinawakan ako sa kamay, gumaan ang pakiramdam ko ng hawakan ni Trekiel ang kamay ko pero hindi pa rin sapat para mawala ang pag-aalala ko kay Treziel.

"Relax, Zia. Mahahanap rin natin si Treziel" Nag-iinit amg ulo ko ng marinig ko ang sinabi ni Paula. Relax? Paano ako makakapag-relax kong wala ang isa kung anak?

"Sa tingin mo makakapag-relax ako Paula? Ano ba kayo! Hanapin niyo sa sulok-sulok nitong bahay! Baka nagtatago lang siya! Hanapin niyo!" Inis kong sigaw sa kanila at nakita ko namang nagmamadaling umalis sa harapan ko ang dalawang guard.

"What's happening here? Bakit ano bang ingay niyo? Paglabas ko ng kwarto boses mo na kaagad Zia ang naririnig ko," Tumayo ako sa pagkakaluhod ko sa harap ng dalawa kong anak ng marinig ko ang boses ni Mommy, humingga ako ng malalim bago ako sumagot sa kaniya.

"Mommy, nawawala si Treziel..." Naiiyak kong sabi kay Mommy na ikinalaki ng mata niya at bigla siyang napaupo sa sofa.

"Mommy! Are you okay?" Nagmamadali akong lumapit sa kaniya at tinabihan siya sa pagkakaupo sa sofa, sapo-sapo niya ang ulo niya.

"Venus! Tubig!" Nagmamadaling pumunta si Venus sa kusina ng utusan ko siyang kumuha ng tubig.

"Mamita are you okay?" Tanong ni Trexiel at napatingin si Mommy kay Trexiel. Nakita kong nagsign si Mommy na lumapit sa kaniya si Trexiel kaya tumakbo naman si Trexiel papalapit kay Mommy.

"You okay Mamita?" Malungkot na saad ni Trexiel kay Mommy, ngumiti naman si Mommy na parang okay bago siya tumingin sa akin at nginitian rin ako.

"I'm okay. I'm okay, don't worry." Sagot ni Mommy at ginulo niya ang buhok ni Trexiel suminyas naman si Mommy kay Trekiel na lumapit sa kaniya.

Carrying Mr. Billionaire Mafia's Child [COMPLETED]Where stories live. Discover now