Chapter 24 - Talk

1.3K 44 2
                                    

Mikha's POV:

We're here sa kwarto ng Mommy ko. 3 rooms lang kasi ang meron dito sa bahay nila Lola. For maids, for them, and for Mommy.

Aiah is roaming around sa kwarto ng Mommy ko, looking at the pictures of this room. Medyo malaki naman ito kaya kahit tumambling siya ng ilang beses dito ay okay lang.

"Sa Bed ka na, ako nalang sa sofa." Sambit ko kaya bigla itong napatingin sa akin.

Aiah: "Seriously? Room mo 'to so dito ka na!"

"You're not yet okay pa. Buti nga naka long sleeves ka ngayon and may make-up, kung 'di, baka mag-alala sayo sila Lola."

Aiah: "So ano connect ng pagtulog ko sa mga sugat ko Ms. Jimenea?" Mataray na tanong nito.

"Ang daldal mo! Saan mo ba ko gustong pahigain? Sa tabi mo?" Pang-aasar ko dito kaya namula ito.

Aiah: "Oh bakit? Pwede n-naman a-ahh! Ang laki-laki kaya ng bed! Kasya pa nga Lolo, Lola, and mga maids niyo eh." Pagpapaliwanag nito which is true naman.

Malaki talaga ang bed ni Mommy dito dahil sa tuwing bumibisita ang family namin dito, nasa iisang kwarto lang talaga kaming lahat.

Aiah: "Dito ka na sa bed, please. Ayo'kong dagdagan yung utang ko sayo. Masyado ka ng madaming nagawa para sa akin na in the first place 'di mo naman dapat gawin." Sambit nito at umiwas ng tingin sa akin.

"I consider you as my friend, close ang parents natin. Ang naging parte ng buhay nila ay part na rin ng buhay ko." Sambit ko dito kaya napalingon ito sa akin. "This is all on me, Aiah. Just feel free lang, feel at home. Walang bayad 'to, wala ka ring utang. Nagkusa ako."

Aiah: "O-okay. So what?"

"What?" Takang tanong ko

Aiah: "Tabi na tayo sa bed?" Sambit nito kaya nginisian ko ito. "Oh don't give me that smirk, Arghhh!" Inis na sambit nito at inirapan ako.

"Wala pa nga akong ginagawa eh! Hahahhaha. Tutulog muna ako, wag ka maingay. Wake me up at 3:30 pm, may pupuntahan tayo." Sambit ko dito at humiga na agad sa bed.

Aiah: "Oo na! Sa baba lang ako." Sambit nito ngunit 'di ko na ito sinagot at natulog nalang dahil napagod rin talaga ako sa byahe.








Aiah's POV:

So I left Mikha sa room and bumaba para libutin ang buong bahay ng grandparents niya.

I also wanted to talk sa Lola niya. I'm curious about the Jimeneas or the Lims.

As I was roaming around sa living room, nag-eenjoy akong tumingin ng mga pictures rito.

Cutie naman ng batang Mikha. So this is the president's family. Usap ko sa aking isip dahil may isang portrait ng pamilyang Lim.

"Asan sila?"

Lola: "Ikaw ang unang kaibigan na dinala rito ni Janna." Sambit ng Lola niya na ikinagulat ko.

"Kayo po pala." Sambit ko rito. "Hindi pa po ba nakakapunta dito sila Nicolette?"

Lola: "Hindi pa, pero nakapunta na kami sa Maynila at nakilala namin sila. Ngunit isang beses lang namin sila nakasama dahil kailangan din naming umuwi dito."

"Bakit po?"

Lola: "5 years ago, delikado ang buhay ng pamilyang Lim noon. Sunod-sunod ang trahedya at death threats sa kanila. Ang pagiging parte ng politiko ng Ama ni Mikha ay masyadong delikado. Doon nagbago ang buhay ni Mikha. Bukod sa hindi niya ginagamit ang apelyidong Lim para sa kanyang kaligtasan, galit rin siya sa Ama niya dahil kung hindi ito tumakbo, andito pa sana ang Mommy, ate, at kuya niya."

"Ano po bang nangyari sa kanila?"

Lola: "Walang awang pinagpapatay sila ng mga taong kumakalaban kay John. Pagkatapos ng laro ni Mikha sa volleyball, nagkayayaan ang lahat kumain. Habang nagddrive, biglang may humarang sa kanila at kinuha sila maliban kay John at Mikha dahil naprotektahan agad sila ng mga bantay ni John. Limang araw sila nawala, at limang araw ring nagpapadala ng mga mensahe at litrato ang masasamang tao kay Mikha at John. Mga litrato kung saan pinapahirapan ang kanilang pamilya. Nakatali si Myrla, Enzo, at Pat habang sugatan at walang malay hanggang sa namatay ito."

"I-I'm sorry po. Kaya po pala ganon nalang pakikitungo ni Mikha."

Lola: "Pati mga kaibigan niya, nakakatanggap ng mga mensahe noon at nakaranas ng mga paghihirap ng masasamang tao. Iniwas ni John ang mga tao kay Mikha para walang madamay. Pati mga kaibigan niya. Pinalitan nito ang apelyido niya, ginamit niya ang apelyido ng ina niya. Napadpad siya sa US at doon nanirahan."

"Kaya po ba tinataboy niya po ako dati dahil ayaw niya po akong mapahamak?"

Lola: "Oo, Ija. Ngunit wala na ngayon nakakakilala na isa siyang Lim dahil nagbago na rin ang itsura niya, she looks matured and intimidating, hindi na tulad dati na palangiti at jolly na Mikha. Kaya laking pasasalamat ko sayo dahil isa ka sa lumalaban para sa apo ko."

"Hindi ko po siya papabayaan, Ma'am."

Lola: "Lola nalang, Ija." Nakangiting sambit nito kaya nginitian ko rin ito. "Sobrang bait ni Myrla. Sobrang magkapareho sila ni Mikha. Parehas silang mahilig sa mga bulaklak, lalo na sa tulips." Kaya pala sa JUF. "Tara, Ija. Punta tayo sa garden ni Myrla.”

Dumeretso kami ni Lola sa garden at makikita rito ang garden ni tita Myrla.

"Wow! Ganitong-ganito po ang itsura ng garden sa JUF, mini version nga lang po."

Lola: "JUF ba kamo?"

"Opo, Lola. Bakit po?"

Lola: "Kilala mo ba ang bagong head master doon." Sambit nito na ikinagulat ko. Paano niya alam na bago na ang head master?

"Kilala niyo po?"

Lola: "Hahahha, so hindi pa niya sa iyo nasasabi." Sambit nito na mas lalong ikinataka ko.

"Ang alin po?" Pagtatakang tanong ko rito.

Lola: "Wag kang mag-alala, Ija. Kilala mo ang head master. Nasa tamang paaralan ka." Naguguluhan man ako ngunit tumango nalang ako.

Lola: "Kung dumating man ang panahon na kilala na ang buong pagkatao ng apo ko, ang hiling ko lang sana sa iyo ay 'wag siyang pabayaan." Seryosong sambit nito habang nakatingin sa mga bulaklak.

"Opo, Lola. Nangako po ako sa apo niyo noon na hindi ko siya iiwan."

Lola: "Maraming salamat sa pag-iintindi sa kanya. Aakalain mong matigas 'yan ngunit pag nakilala mo iyan, sobrang bait at sweet na bata 'yan. Kaya sana wag mo siyang pababayaan, Ija. Pinagkakatiwalaan kita."

"Makakaasa po kayo, Lola."

Lola: "Bagay rin kayo ng apo ko." Sambit nito kaya naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko."Hahahaha, sobrang ganda at bait mo, Ija. Ramdam kong marami ng nahuhumaling sa iyo. Bata pa lang si Janna ay alam ko ng katulad rin niya ang gusto niya kahit 'di niya sabihin."

"Okay lang po sa inyo?"

Lola: "Okay lang sa akin as long as wala naman kayong ginagawang kasalanan. Kung saan kayo masaya, doon ko kayo susuportahan." Sambit nito na ikinapula ko lalo.

"W-WAIT lang po Lola! Magkaibigan lang po kami."

Lola: "Hay nako, apo! Doon rin papunta iyon, boto ako sayo! Ipusta ko pa ang tungkod at pustiso ng aking asawa." Pagbibiro nito na ikinatawa ko.

Ring ring....


Tiningnan ko naman ang phone ko. It was my alarm. It's already 3:25 pm at kailangan ko ng gisingin ang isa.

"Mauna na po ako, Lola. May pupuntahan pa po kami ng apo niyo."

Lola: "Ingat kayo, Ija." Sambit nito kaya ngumiti ako rito at dumeretso na sa taas.










Author's note:

Stream "Lagi" and "Na na na" by BINI.
Vote BINI on Dabeme pop.












The President's DaughterWhere stories live. Discover now