chapter 32

29.1K 660 61
                                    

Althea

"Hindi ka pa ba inaantok? Magpahinga ka kaya muna." Ani Seb na nasa tabi ko.

Nilingon ko sya at tipid na ngumiti. "Mamaya na kapag wala ng masyadong bisita." Sabi ko at tinuon muli ang mata sa harapan ng maliit na altar na punong puno ng bulaklak na nakapaligid sa ataul kung saan nakahimlay si Lola Rosa.

Bumuntong hininga ako. Naalala ko ang huling sandali nya. Hinintay lang talaga nya ako bago sya tuluyang mamahinga. Sobrang nakakalungkot. Maiksing panahon lang kasi kami nagkasama. Naging mabuting lola sya sa akin to the point na kinaiinggitan na ako ng pinsan ko. Pero alam kong magiging masaya na sya sa kabilang buhay kasama si lolo at si papa.

Pangalawang gabing lamay na ngayon at buhos pa rin ang mga bisita. Mga malayong mga kamag anak at mga malalapit na kaibigan. Meron ding mga local na politiko ang nagpaabot ng pakikiramay.

Dinig na dinig naman ang iyak ni tita Rosalie sa kabilang panig ng chapel. Katabi nya si Jona na nag iiyak din kausap ang mga bagong dating na bisita. Napabuntong hininga na lang ako. Napapansin ko kasi kapag wala namang bisita ay hindi naman sila ganyan kung makaiyak, ang lalawak pa nga ng mga ngiti eh parang hindi naglukuksa. Pero ngayon ay halos paatungal na ang iyak nilang mag ina. Samantalang wala sila sa tabi ni Lola noong naghihingalo ito. Nagpakita lang ang mga ito sa burol lang ni Lola dahil inuna pa nila ang pag out of town nila.

Si mama ay napapailing na lang na tinitingnan ang mag ina. "Hay naku, ito talagang mag ina na to."

"Hayaan mo na ma." Sabi ko.

Napapansin ko naman si Jona na panay ang sulyap kay Seb. Kahapon pa sya na panay pa cute ngunit hindi naman sya pinapansin ni Seb. Dapat lang kundi isasama ko sya kay Lola sa ataul.

Di pa alam ni mama ang relasyon namin. Ang usapan namin ay sasabihin na lang pagkatapos ng libing ni lola.

Alas dose na ng gabi at wala ng masyadong bisita. Halos puro kamag anak na lang ang mga naroon. Medyo inaantok na rin ako.

"Thea, umuwi na kayo ni Seb para makapag pahinga." Ani mama.

"Eh kayo ma? Hindi pa ba kayo uuwi?"

"Bukas na ako, mag mamagdamagan ako ngayon."

"Pero ma -- "

"Sige na, umuwi na kayo. Wala pa kayong masyadong pahinga simula ng dumating kayo."

"Sigurado po kayo tita Madel?" Wika ni Seb na halatang nag aalala din kay mama.

"Oo, iidlip na lang ako saglit mamaya. Sige na umuwi na kayo." Pamimilit pa ni mama.

Wala na akong nagawa kundi magpaalam sa kanya at humalik sa pisngi nya. Sinilip ko muna saglit si lola at nagpaalam sa ilang mga kamag anak bago kami lumabas sa chapel ni Seb. 

"Couz! Uuwi na kayo? Sabay naman ako."

Nilingon ko ang pamilyar na boses. Si Jona na kalalabas lang ng chapel at patakbong lumapit sa amin. Lumilislis ang suot nyang itim na miniskirt at halos lumuwa na rin ang suso nya sa suot nyang crop top. Grabe talaga tong babaeng to. Lamay ni lola pero ganito ang mga suotan. Dalawin sana sya ni Lola sa panaginip at kurutin sa singit.

Tumingin sa akin si Seb na tila binibigay sa akin ang desisyon.

"Si tita Rosalie hindi pa uuwi?" Tanong ko kay Jona.

"Bukas na lang daw sya uuwi, so ano sabay na ako ha? Delikado na kasi magtaxi ng ganitong oras eh."

Tumango na lang ako. Ngunit hindi pa ako nakakapag salita ay nawala na sya sa harap ko at tinungo na ang sasakyan. Umupo sya sa passenger seat na dapat ako ang nakaupo. Tumingin sa akin si Seb at bumuntong hininga. Pinuntahan nya ang pinsan kong nakaupo sa passenger seat. Kinatok nya ang salamin. Matamis ang ngiting binaba naman ni yun Jona.

[The Bachelors Downfall Series #3] Be My Baby Where stories live. Discover now