11

639 48 20
                                    

twitter

sheen 🔒 @sheenadump
naglalakad kami ngayon sa loob ng village, pauwi sa amin

| taga kabilang barangay lang si von kaya hilig niya akong ihatid pauwi, kasi hindi rin naman ganoon kalayo 'yung kanila mula sa amin.

| as usual, nauuna na naman siyang maglakad sa akin. matangkad kasi at ang laki ng mga hakbang.

| kinekwentuhan niya ako about sa isang recitation na hindi niya nasagutan, kaya ayun, pinatayo daw siya ng prof nila for the entire period.

| habol pa niya, hindi lang naman daw siya. pati si william at achille.

| ang daldal niya, grabe. daig pa mga chismosa dito sa amin. ang dami niyang baong kwento every time na sabay kami umuuwi.

| hindi ako mahilig sa maiingay na lugar pero hehe, ayos lang sakin. like ghorl, crush mo na yan, tatanggi ka pa ba?

_

sheen 🔒 @sheenadump
naubos ang kwento niya kaya medyo tumahimik ang paligid. nakatingin lang ako sa likod ni von na nasa unahan ko.

| napaisip ako, gusto niya rin kaya ako?

| kasi diba, 'yung pagtrato niya sa akin. lol, assuming is me.

| pero diba 'yung nga nasa novels. pafall 'yung actions ni guy but in reality, gusto niya talaga si girl.

| paano kung ganun din siya?

| HAHAHA charot

| pero what if?

| hmmmm..

| tulad kanina, ayaw niya ako mapalapit kay kiev. baka nagseselos siya? HAHAHA

| shet, sheena, magooverthink ka na naman mamaya.

_

sheen 🔒 @sheenadump
nakauwi na ako. hinintay niya muna ako pumasok sa loob ng bahay. at hindi pa natatapos don, dapat kakaway muna ako sa kanya mula sa bintana ng kwarto ko bago siya umuwi.

| malay ko ba, gusto niya lagi kong gawin 'yon. ako lang kasi ang tao sa bahay tuwing weekdays. tapos sila mama at papa, every saturday o sunday lang nandito.

| ginagawa niya 'yun para daw alam niyang safe akong nakauwi.

| diba, ang sweet. ampota. joke, sweet ba yon?

| kaya napaisip ulit ako.

| kung ako, nagustuhan ko siya dahil sa mga pafall niyang actions, paano kung gawin ko rin sa kanya?

| magugustuhan niya rin kaya ako?

| HAHAHA charot

| pero what if?

walang aminanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon