Chapter 1 : Enemy at First Encounter

30 5 0
                                    

First Day of School pinakaimportante sa lahat ng mga Estudyante, pero hindi parin magawa-gawa ni Wyn na magising ng umaga at maagang pumasok. Palagi na lamang siyang late pero pinapapasok parin siya ng Guard, ganoon ito kabait.




"Mga siraulo kayo!"

Dinig na sigaw ni Wyn mula sa classroom nila, boses iyon ng babae. Ngunit, impossible namang merong babae sa loob ng klase nila. Iwinaksi na lamang niya sa isipan iyon at patuloy na naglakad pa, para makapasok sa pinto. Pagtuntong ng mga paa niya sa harapan ng laking gulat niya ng makitang merong babaeng nakatalikod, katunggali ang mga kaklase niya at kaibigan, habang naka-cross-arms ito.



"Hindi ko na 'yon problema. Kausapin niyo kaya ang Advisers." Matapang na argumento nito.


Humakbang papasok si Wyn ng hindi man lang napuna o napansin ng mga kasamahan dahil sa babaeng iyon. Nahagip niya ang Bag ng Babaeng 'yon sa upoan ni Jaxter sa gitna.


"Nahihirapan ba kayong paalisin 'yan? Ang dali-dali lang naman."




Agad na napalingon kay Wyn lahat-lahat ng mga tao sa loob ng Classroom sa pang-aagaw niya ng mga attention nito. Agad siyang naglakad palapit sa kilalagyan ng Bag ng Babaeng 'yon sabay, walang alinlangan niyang ibinato sa labas ng pinto nag Bag ng babaeng 'yon.

" Siraulo!" Sigaw ng Babae kay Wyn.

Saka agad naman itong nagkukumaripas patakbo palabas, para kunin ang Bag na hinagis ni Wyn sa labas ng Classroom.

Sabay din ang mabilisang kuripasang isinara ng mga kasamahan ni Wyn ang pinto para hindi na 'yon makapasok.

Ngayon lamang kasi nila naencounter na merong babaeng napunta sa Section nila, sa loob ng tatlong taon mula Grade 7.

Ang pinakalower Section expected na puro Lalaki sila at mga pasang awa lamang.



"Hoy! Buksan niyo ito!" Dinig pa nilang lahat na boses ng babaeng 'yon.

Kumakatok ito ng malakas at makailang ulit.


" Mga siraulo! Buksan niyo 'to! Kaklase niyo nga ako! Mga p*cha!" Sigawan nito sa labas ng pinto.


Tinitigan ni Wyn ang mga kaibigan na nakikinig pa sa babaeng 'yon at parang bibigyan ng attention ito.

" Magsibalikan kayo sa upoan niyo." Utos niya sa mga ito.

Agad namang kumilos ang mga kaklase at nagsibalikan sa kani-kanilang upoan ng matiwasay.

Mahinahong nilapitan ni Wyn si Jaxter na parang namimilipit sa upoan niya sa gilid, sa dulo ng blackboard sa east side.

"Ayos ka lang?" Usisa pa ni Wyn sa kaibigan.

"Paano magiging okay 'yan? Ihambalos ba naman ng babaeng 'yon si Jaxter sa semento." Kuwento sa kaniya ng kaibigan na si Hernand.

Napakunot noo si Wyn sa narinig mula kay Hernand. Ayaw niya pa sanang maniwala ngunit nakita niya at huling-huli, paano titigan ni Jaxter ng masama si Hernand kaya nakumbensi siyang maniwala sa sinabi ni Hernand. Hindi niya akalain na nagawa 'yon ng isang bagong santa kay Jaxter.


Binalingan ni Jaxter ng tingin si Wyn at gusto pang itanggi ang nangyari, ngunit sa mukha nito parang kumbensido na ito sa sinabi dito ni Hernand.




" Kahit kailangan napakadaldal talaga ni Hernand! Walang preno!" Paninisi ni Jaxter kay Hernand sa isipan.




" Masuwerte lang siya," deny pa ni Jaxter.

Hindi niya matanggap sa kaloob-looban niya na, pinahiya at nagmukha siyang mahina sa harapan ng mga kaklase niya.

Agad na parang dumagondong ang buong Classroom pati sila roon ay napareact ng pagkataranta. Tumambad sa paningin nilang lahat-lahat ang pintong tumba papasok sa Classroom nila at ang mukha ng Babaeng pinagtaboyan nila.



" Classroom ko rin 'to, wala akong pake kong welcome ako o hindi." Matapang nitong sabi sa lahat na tulala at gulat dahil sa ginawa nito.

Maging si Wyn ay hindi 'yon akalain. Nagawa nitong buksan ang pinto ng ganoon lamang, sinundan niya ito ng paningin ng parang wala lang dito ang ginawa nito at naupo sa unahang upoan ni Jaxter. Si Jaxter ang nauupo doon dahil si Jaxter ang President nila at Leader sa lahat-lahat, pati sa buong Section.

Dumating ang Adviser nila na si Teacher Thim. Hindi na nito kinagulat ang bumungad sa kaniyang sitwasiyon ng Classroom ng Section F dahil sa sanay naman itong makitang maraming sira-sira at sobrang kalat ng Classroom nila.


" Good morning, Class!" Bati nito na dumeritsu lamang sa front table nito, sabay lapag ng mga hawak na Libro sa ibabaw ng desk.

Agad na natawag ang attention ni Teacher Thim dahil sa Babae sa loob ng Section F.

" Your name please." Tukso ni Teacher Thim dito.

Agad itong tumayo ng maayos sabay ngiti nito.

" Adrianne Danzel Ochea, po." Magalang na sagot ni Adrianne sa new Teacher niya.

Napanga-nga si Teacher Thim sabay hanap ng list ng mga students niya. Hinanap niya ang pangalan nito at kasali nga ito sa Section ng mga bulastugang pinaka-lower Section.

Tinitigan niya muli si Adrianne sabay ayos ng salamin sa mata at ngiti sa harap ng mga students niya.

" Babae ka pala, pero panglalaki pangalan mo kaya nailagay ka nila dito sa Section na'to. Babalik lang ako for a second." Agarang paalam ni Teacher Thim sabay labas ng Classroom.

" Paki-ayos ng pinto na'tin, Jaxter." Pahabol na utos ni Teacher Thim kay Jaxter.

Nagpalakpakan ang buong klase dahil aactionan agad ang paglalagay kay Adrianne sa maling Section ng F.

Buntong hiningang nilingon ni Adrianne ang mga kaklase na Lalaki na tuwang-tuwa.


" Saka na tayo magsaya kapag wala na dito 'yan," sabi ni Jaxter sa mga kaklase.

Agad na nagsitahimik ang lahat sabay masamang titig kay Adrianne. Pinagtama ni Jaxter ang tingin nila ni Adrianne, pero irap ang nakuha niya dito. Galit na kunot noo niya itong tinitigan ng masama sabay buo ng kamao. Pansing-pansin 'yon ni Wyn kaya tinapik niya sa balikat si Jaxter.


" Ako na ang mag-aayos ng pinto na utos sa'yo ni Sir Thim." Mahinang sabi ni Wyn kay Jaxter sabay tayo, ganoon din ang paglingon sa kaniya ni Jaxter.

" Salamat," sabi pa ni Jaxter.


Nalimutan niya saglit ang uto ni Sir Thim sa kaniya, dahil sa Babaeng 'yon at agad na celebration.

Para kay Jaxter sobrang nakakastress ang bagong bungad sa kaniya, nang bukas unang klase.

Unobtrusive Lovers  (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon