04

218 1 0
                                    


Naalimpungatan ako sa nagiisa naming bintana sa kwartong ito. Napalingon ako sa paligid at napansin kong wala si lolo dad kaya tumayo ako saka tinupi ang higaan pero agad din akong bumagsak nang maramdaman ko ang hapdi sa baba ko.

Napapikit ako at ikinumyos ang kamao saka pilit tumayo kahit masakit. Kita ko rin ang dugo sa sapin ng matupi ko ito.

Taka ko yung tinignan. Bakit may dugo?

Ihiniwalay ko yun para labhan mamaya saka tumungo sa bintana. Bukas na bukas ang kurtina kaya kitang kita ko ang mataas na talahib at maraming matataas na puno. Kahit saan ka tumingin, puro puno ang makikita kaya lagi kong tinatakpan ng kurtina dahil sanay na ako na puro puno ang nakikita.

Hinawakan ko ang dulo ng kurtina at akmang isasara nang bigla akong mapansing may nakaipit na kung ano sa bintana. Napabitaw ako ng hawak sa kurtina at kunot noong binalingan ang nakaipit. Tumagilid ako ako ng tayo saka binuksan ang papel.

Ano ito? Hindi ko maintindihan.

May naka guhit na kung ano at may nakasulat pa sa ibaba. Hindi ko talaga maintindihan. Binasa ko ito habang nasisinagan ng araw pero wala talaga akong maintindihan.

All of your love one's misses you
Be careful and wait for me
I will save you no matter what happen
Every move you do, I am watching you from a far
Listen and  be more alert. I will come to you soon. Be careful.

"S-sarmiento f-fam- ano 'to? Pano basahin 'to?" Mahinang bulong ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"S-sarmiento f-fam- ano 'to? Pano basahin 'to?" Mahinang bulong ko.

"Asha, apo!" Palapit na sigaw ni lolo dad galing sa labas kaya gulat akong napatingin sa pintuan habang nasa likod ko ang mga kamay, hawak ang papel.

Kinakabahan akong napatitig sa kanya pero hindi ko pinahalata at ngumiti ng pilit.

"P-po?"

Napakunot naman ang noo niya saka ako tinignan. "Kanina ka pa ba gising?"

"Ah... H-hindi po! Kakagising ko lang po tapos tinupi ko po yung sapin. May dugo nga po yung isang sapin lolo dad, lalabhan ko nalang po mamaya.."

Kunot-noo niya lang akong pinagmasdan kaya lalo akong nakaramdam ng kaba. Hupigpit ang hawak ko sa papel. Dahan dahan siyang lumapit sa akin at napahinto sa harap ko.

Kandal lunok-lunok ako habang nakatitig sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" At akma niyang hahawakan ang kamay kong may hawak ng papel nang inunahan ko siya saka hinawakan ang kabila niyang kamay.

"Lolo dad.... n-nagugutom na po ako..." pagdadahilan ko.

Napangiti naman ito, "O sige. Ipaghahanda na kita ng makakain." Sabi nito at agad na tumalikod saka lumabas.

Nakahinga naman ako ng maluwag saka dali-daling pumunta sa banyo at ni-lock yon ng maigi.

Hindi ko alam kung bakit pero may kung ano sa loob ko na ayaw ipaalam kay lolo dad ang tungkol sa papel na ito. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, kailangan ko itong itago kaya tinupi ko ito hanggang sa lumiit saka nilagay sa bulsa ng short. Nagmumog ako ng nag toothbrush pagkatapos ay lumabas ng banyo at bumalik sa kwarto. Hinanap ko ang damitan ko saka sinuksok ang sulat sa pinaka ilalim, pinaka dulo at pinaka di makikita kapag binuksan ang damitan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Innocent Granddaughter | 18+Where stories live. Discover now