Para sa iyo ginoo

1 0 0
                                    

Magandang gabi saiyo Ginoo.. marahil hindi mo ako kilala pero sa mga bulung-bulungan maari mo akong makilala, marahil mahaba ang aking koneksyon ngunit hanggang dito nalang ako, isinulat ko ito upang maibigkas ko ang aking saloobin.. hindi ko alam kung ito'y natatandaan mo pa noong kinuhanan tayo ng mga litrato para sa ating pagtatapos sa ating pagaaral sa elementarya. Kahit ako'y may ginagawang aralin sa aming silid aralan mata ko'y laging naka tutok sa iyo sa puntong pati ang mga kaibigan ko'y tinatawag na ang aking ngalan. Nuon kita unting unting sinisilayan hangga't sa na tanong ko ang iyong pangalang sa isa sa mga guro natin, hindi ko masasabi kung sino sakanila ngunit ang masasabi ko lamang ay sya ay malapit lapit sa inyong klase. Tignan ko man sa aking telepono kung sino ikaw ngunit hindi ko malaman laman sapagkat binigay lang saakin ang una mong pangalan.. hahaha wag kang mag alala eto na ang huling beses na may maririnig sila at ikaw saakin tungkol saiyo sapagkat sarili ko naman ang kailangan kong mahalin. Kinalimutan kita ng panandalian noon ngunit nag tanong tanong ako sa aking kaibigan sa ibang klase kung may alam ba sya, at meron nga syang nasabi tungkol sayo dun ko na tanong ang isa sa mga kaibigan mo na sa kagandahan ay aking ring kaibigan sa baryo marami sila sa totoo lang. Pasensiya  na ngunit hanggang doon lang ang aking maaring ibigay na istorya kahit na marami pa ang aking idagdag para sayo ngunit satingin ko'y ika'y magsasawa at nagsasawa sa aking kabuluhan tungkol sayo. Patawad kung ako'y duwag para ipakilala ang aking sarili, paumanhin kung ika'y aking nagambala, paumanhin kung hindi mo ito maintindihan pero para saakin mas ma buti pa iyon, yung hindi mo ako maintindihan sapagkat isa na iyon sa mga paraan para mapalaya ko na ang aking sarili sa walang kwentang salita't imahinasyon na ito. Kung gusto mo man malaman kung sino ako, kung sino nga ba ang taong tangang ito maari kang mag tanong sa kaibigan mong si Lliannah sa pinsan mo din si Migs ngunit satingin ko'y masyado nang halata ang lagi kong pagsilip o pag tingin sa iyo kapag kayo na ang mag eensayo wag kang mag-alala.. sandali wala kang dapat alahanin.  Ngunit kung hindi mo kanais-nais akong makilala iyon ay ayos lang ito nga ay mas magiging mabuti hindi ba? Haha ang aking mga katang isip nga naman, pasensya na kung ito ay masyadong mahaba. Baka nga maka sulat pa ako ng isang libro tungkol sayo....

Ganon kahaba.

Pero dahil ayaw ko ng saktan pa ang aking sarili, ito na nga ang huling beses na ma ba-banggit kita kung sino man kahit ikaw pa mismo iyan. Hindi ko na matuklasan pa ang mga salitang kailangan kong mabigkas kaya kung iisipin ay saaking palagay ito na nga katapusan nitong letrang ito para sayo.

Ilang minuto rin ang aking nilaan ngayong gabi para lang sa walang kwentang letrang ito, ang aking lang masasabi ay,

Salamat Pj.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Jul 11, 2022 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

My Confession Letter On HimOù les histoires vivent. Découvrez maintenant