III

58 5 0
                                    

___________________

🔺Kabanata 3🔺

Tarah's Point of View

Mabilis akong sinamahan ni Phio sa witness na sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ba ako? Pero bakit?

Tumigil kami sa harap ng isang bahay. Binalingan ako ng Phio.

"Dito siya nakatira, Detective"aniya. Tumuon ang atensiyon ko sa bahay at pinagmasdan iyon.

Ilang sandali pa ay lumabas sa pinto ng bahay si Mang Asyo. Lumapit ito sa amin  at bumati.

"Mang Asyo"tawag ko habang kunot ang noo. Sumunod na lumabas ay si Aling Linda. Anong ginagawa nila rito? Dito ba sila nakatira?

"Pasok ka Detective"yaya niya sa amin. Naabutan namin sa loob ang isang babaeng umiiyak. Sa gilid nito ay isang ginang.

"Anak, nandito na si Detective. Sabihin mo na kung anong nakita mo"anang ginang na kung hindi ako nagkamali ay nanay ng babae.

"Maupo ka muna Detective"ani Mang Asyo.

"Pasensya ka na sa maliit naming bahay, hija"sabi naman ni Aling Linda. So talagang sa kanila ang bahay na ito. I looked at the girl infront of me. Namamaga ang mata niya sa kakaiyak.

"Sige na, Chacha"anang katabi niya. Nagpahid muna ng luha ang babae bago ako tiningnan.

"Can you tell me what happened that night?"tanong ko bago inilabas ang recorder. She slowly nodded.

"Galing po kami sa bahay ni Karen dahil birthday niya. Gabi na kaming nakauwi."panimula niya. Mataman lang kaming nakikinig sa mga sasabihin niya. I bit my lower lip when I feel my heart that beating so fast. Bakit ako kinakabahan?

"And then?"

"Tapos habang naglalakad kami pauwi........"nagsimula ulit siyang umiyak. I sighed. Mukang na trauma siya sa kung ano man ang nakita.

".........t-tapos bigla nalang may itim na balabal. N-nakalutang sa e-ere. Nakita ko d-detective. Nakita ko ang diablo"

LUTANG ako ng makabalik sa bahay. Para akong nanlalantang gulay habang inaalala ang sinabi ng babae. Pagod akong naupo sa sala at pumikit ng mariin. Samantalang ramdam ko naman ang pagtabi sa akin ni Phio.

"Detective?"

"Hmmm?"

"Masisiraan na ako ng ulo"aniya. I sighed.

"Ako rin" I heard him chuckled.

"Diablo? May ganon ba?"tanong niya. Nagkibit balikat ako. Meron nga ba?

"I don't know"I whispered. Ilang minuto kaming nakaupo ron habang nakatitig sa kawalan. Hindi ko na alam kung anong iisipin.

"Detective"lumingon ako sa may pintuan ng pumasok si Mang Asyo. Napaayos ako ng upo.

"Mang Asyo"

"Pasensya kana hija. Alam kong nahihirapan kang tanggapin ang narinig mo kanina"aniya. Umiwas ako ng tingin.

DSS 01:The Goblin Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt