Kapitulo III - Lunch

35 4 0
                                    

"Riri..."

Naputol ang malalim kong iniisip nang maramdaman ko ang marahang paghawak ni Ate Gella sa kanang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Doon lamang ako nabalik sa realidad at naalalang may ginagawa nga pala akong activity ngayon dito sa school library.

"Po?" tugon ko sa aking pinsan.

"May problema ba? Is there something going on that you would like to share with me? Baka may maitulong ako," nag-aalalang tanong niya sa akin.

Pilit akong ngumiti bago marahang umiling. "Wala po, Ate... Medyo nahihirapan lang po akong sagutan itong activity ko sa Math," pagtanggi ko bago ibinalik ang tingin sa aking activity na hindi ko pa pala nasisimulan hanggang ngayon kahit kanina pa kami nandito sa library.

Her brows furrowed a bit while glancing at my blank activity sheet. "Gusto mo bang tulungan kitang magsagot? Tapos na rin naman ako sa assignment ko," aniya bago itinago ang kanyang papel sa dala niyang long envelope.

Nahihiya akong napakamot sa likod ng aking ulo at tumango. "O-okay lang po ba? Pasensya na sa abala, Ate Gella..."

She chuckled a bit and slightly pinched my cheeks. "Wala 'yon, ano ka ba!? Malakas ka kaya sa 'kin!" aniya na nagpangisi sa akin.

Nagulat ako nang wala pang kalahating oras ay natapos niya na agad sagutan ang mahirap kong activity. "Okay na, Riri," ani Ate Gella matapos ibalik sa akin ang three-page activity sheet ko.

Itinikom ko ang nakaawang kong bibig habang pinagmamasdan ang kanyang mga sagot. "Bakit parang ang dali lang para sa'yo nito, Ate?! Halos isang oras na yata akong nakikipagtitigan sa papel ko simula kanina ta's natapos mo lang ito in less than 30 minutes!?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Tinakpan niya ang kanyang bibig upang pigilan ang mapahalakhak nang malakas dahil naalala niyang nasa loob pa kami ng library. "Sus! Alam kong kayang-kaya mo rin 'yang sagutan kahit 'di ka humingi ng tulong sa akin, Riri!" natatawang sabi ng pinsan ko.

Napanguso ako sa sinabi niya. "Binobola mo naman ako, Ate! Kung kaya ko talagang sagutan 'yan, e'di sana kanina ko pa natapos, 'di ba?"

"Dra. Gella!" Sabay kaming napalingon ni Ate Gella sa tumawag.

Agad kumaway si Ate Gella sa dalawang lalaking kakapasok lamang sa library bago sinenyasan na hinaan ang kanilang boses sa takot na mapagalitan sila. Sinamaan naman agad sila ng tingin ng librarian kaya napakamot na lang sa ulo ang lalaking tumawag sa pinsan ko. Patakbo siyang lumapit sa gawi namin at sinenyasan ang kasama niyang isa pang lalaking nakasuot din ng senior high school uniform katulad niya.

"Ano, Emil? Kakatapos lang ba ng klase niyo?" salubong ng aking pinsan sa lalaking tinawag niya sa pangalang 'Emil'.

Agad niyang kinuha ang upuan sa tapat ni Ate Gella at umupo roon bago hinablot ang isang librong binabasa ng pinsan ko. "Oo, ang tagal nga mag-dismiss ng prof namin! Pa'no ba naman kasi, mas mahaba pa yata yung kinwento niya tungkol sa buhay niya kaysa doon sa ni-lesson!" napapailing na aniya habang binubuklat ang libro.

Wala sa sariling lumipat ang tingin ko sa lalaking kasama niya na naglalakad na rin patungo sa aming lamesa. Saglit na nagtama ang tingin naming dalawa ngunit agad ding lumipat ang kanyang tingin sa aking pinsan na humahagikgik sa kwento ni Emil. I immediately noticed how his almond-shaped chestnut brown eyes gleamed with admiration as he silently watched my cousin while walking toward her.

Saglit na napatigil sa paghagikgik ang pinsan ko nang mapansin ang presensya ng lalaking kasama ni Emil. "Oh, Archimedes! Tagal mo naman!" natatawang bati ni Ate Gella sa kanya.

Umupo ang lalaking tinawag niya sa pangalang 'Archimedes' sa katapat kong upuan bago ngumiti nang matamis sa pinsan ko. "Nag-lunch ka na ba, Gella?"

Ate Gella immediately shook her head and held my hand on the table. "Hindi pa. Sasabayan kong kumain itong pinsan ko," aniya bago sumulyap sa akin at ngumiti. "By the way, guys. I want you to meet Zaria, pinsan ko from my mother's side."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon