Chapter 1

13 9 0
                                    

"Ang pogi nung lalaki kanina 'no? " Dinig kong bulong ng isa sa mga estudyante.

Abala ako sa pagbabasa ng libro dito sa library nang marinig ko yun. Agad ko namang binaling ang pandinig ko sakanila.

"Balita ko transferee daw yun e galing Oxford, yung sikat na university sa england? "Sagot naman ng isa.

Kumibit balikat na lamang ako at nag-balik muli sa pagbabasa. Ano naman ngayon diba?

Nang matapos ako sa pagbabasa ay tumayo ako at isinirado ang libro na binabasa ko dahil baka pag kumuha pako ng panibagong libro na babasahin ay baka ma-late pa ako.

Ang mga notebook na naka-kalat sa aking mesa ay agad na kinuha ko at inilagay sa bag.

Nang matapos ay pupunta na sana ako sa puwesto ng librarian para sana isauli na ang librong ginamit ko nang mabangga ako sa isang matangkad na lalaki.

Muntik na akong bumagsak. Buti nalang ay na-control ko ang aking sarili para mabalanse ang katawan ko.

Agad kong tinignan ang taong yun at tinignan siya ng masama.

Nang makita siya ay lalong lumala ang sama ng inis ko nang makilala ko. Siya yung lalaki na nangharang ng paa sa dadaanan ko sa jeep nung isang araw!

Tinignan din ako nito ng blangko lang at nang matapos ay nilagpasan ako. What the hell? Hindi man lang magso-sorry?!

"It's not my fault. You're blocking my way." Sambit nito nang makatalikod.

Hindi ko na lamang siya pinansin at dineretso nalang ang daan papunta sa room namin.

Agad kong tinungo ang upuan ko at pasalampak na umupo doon. Kinuha ko din ang cellphone ko at nag-text kay tita beth kung kamusta si ashley sa school.

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na ang proffessor namin at halos dumaloy nanaman ang init ng dugo sa ulo ko dahil sa kasama nito.

"Okay psychology class good morning." Sambit nito. Anong maganda sa umaga kung 'yan ang bubungad sa'yo?

Diretso lamang ang tingin ko sa lalaki. Hindi ako kita nito dahil nasa bandang gilid ako. Walang katabi dahil wala din yung dalawa.

"Meet your new classmate, he was from Oxford." Patuloy ng proffessor namin.

Pake ko?

Ngumiti naman ito dahilan para magbulungan naman ang mga kaklase ko lalo na ang mga babae.

"Introduce yourself young man." Sambit muli ni Mr. Sanchez. Proffessor namin.

The guy nodded and gaze at us at dahil malikot ang mata nito kakatingin sa lahat ay nahagip nito ang puwesto ko.

Pinag-taasan ko siya ng kilay at hinintay nalang magsalita.

"My name is Pierce Clyde Hudson, 22 years old." He said in a monotone voice.

Hindi nito tinatanggal ang tingin sakin ganun din ako sakanya hanggang sa mapunta ang tingin ko sa proffessor namin dahil sa sinabi nito.

"You can sit with Ms. Fontanilla. " Sambit nito.

Agad naman akong umangal at sumagot sakanya.

"May katabi ako sir. " Sagot ko.

Agad namang lumibot ang tingin ng lalaking kasama ni Mr.Sanchez at nang makitang wala naman akong katabi ay muli nitong binaling ang tingin sakin.

He smirk "Where? Are you seeing something we aren't see?" He asked.

My brows furrowed. Nang iinis nanaman ba siya?

Hindi ako sumagot. Inutusan na siya ni Mr. Sanchez sa tabi ko na agad naman niyang sinunod.

Wicked GameWhere stories live. Discover now