❝ hater-ah ❞-- Unit 326

320 10 12
                                    

@hater-ah " entry of hater-ah "


Username; hater-ah

Software; Adobe Photoshop CS5

Prompt Title; Unit 326

Message; Uhm. Hi? Hahaha. *awkward* Ito yung pinaka-unang gc na sinalihan ko, at itong entry na'to yung isa sa mga pinaka mahirap na ginawa ko sa buong buhay pag-eedit ko. hahaha! naka ilang ulit ako para lang makuha yung tamang timpla nito. huhu. Di po kasi ako pro. Sorna, hahaha. Anw, Goodluck sa ating lahat na sumali at sa mga sasali palang! :) xo

Link; http://i.imgur.com/c2zMgBa.jpg

Plot; Pretty, talented and humble- that's Bang Minah- one of the best trainees in Dream Tea Entertainment. Walang sawa ang pagmamahal sa kanya ng kanyang mga fans niya, kahit na trainee pa lamang siya. Bukambibig rin siya ng lahat ng mga staffs at producers ng kanyang agency-sa madaling salita-sikat siya, at alam niyang, mas sisikat pa siya pagka-debut. Ngunit isang araw, sa hindi inaasahang pangyayari, mayroong bagong trainee na pinag-uusapan ng lahat. MAS Maganda, MAS talentado at MAS mapagkumbaba pa kaysa kay Minah-sabi ng iba'y ito na daw ang magiging next Queen of K-pop-na ikinaguho ng mundo ni Minah. Ang akala niya kasi'y wala nang mas hihigit pa sa kanya. At ang mas matindi pa rito, ay natanggal siya sa girlgroup kung saan siya kasali at napalitan ng babaeng iyon. Isang araw bago ang debut ng bagong girlgroup ng Dream Tea Ent., pinuntahan ni Minah ang unit na tinutuluyan ng kanyang karibal, binati niya ito sa kanyang pinaka-masiyahing boses at pinakamalapad na ngiti. Nang tuluyan na siyang makapasok sa unit nito, ay binuhusan niya ng asido ang mukha nito at sinaksak ito ng dalawang beses sa tagiliran. Agad siyang lumabas sa silid na iyon at iniwan ang babaeng humihiyaw sa sakit. Nalaman ng CEO ng Dream Tea ang nangyari, at pinuntahan ang Unit 326-kung saan nangyari ang lahat. Natagpuan nilang wala roon ang katawan ng babae, at mga bakas lamang ng mga natuyong dugo ang naiwan. Kaya't napabalik si Minah sa pagiging miyembro ng upcoming girlgroup. Sa araw ng kanilang debut, papunta sa venue kung saan sila mag-peperform, ay lumuwag ang isang gulong ng van na sinasakyan nila at nabangga sa isang malaking puno. Dahilan upang maudlot muli ang pag-dedebut ng bagong girlgroup... Lingid sa kaalaman ni Minah, ay umpisa palang ang lahat ng ito...

Explanation; Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ito pa ang napili ko, marami namang mas keri kong gawin, bakit horror pa at sobrang hirap isipan ng plot at theme? Hahaha! Ewan, pero sa tingin ko napili ko tong prompt na'to kasi gusto kong matuto ng maayos na blending at gusto kong ma-try ang gumawa ng horror na book cover. Sobrang challenge nito sa akin, pero ginawa ko pa rin dahil sa kagustuhan kong ma-improve... At, ang saya gamitin ng burn tool. Ahe. XD Yun lamang po! 

--

➤ CRITERIA.

► Creativity; 40%

► Plot; 25%

► Explanation (why did you choose this prompt?); 10%

► Cleanliness: 10%

► Uniqueness: 10%

► Audience's Choice (reactions and opinions): 5%

=100%

*Judges, rate the work of @hater-ah and audiences, you may rate her artwork from a scale of 1-10*

-

A/N: Annyeong!~ Eepal lang ako ah? Haha. Galingan mo! Goodluck! Hagis at Kisis. '3'



❝ -Shiomai Graphic Contest ❞Where stories live. Discover now