35

44 3 0
                                    

Special Chapter

Nakakapagtaka lang na tinitignan nila ako habang nakangiti. Nawiwirduhan na ko sa kanila ah!

Mula kasi nung makabalik ako dito sa hospital, nasa labas silang lahat ng room ni Theo at nakaupo sa upuan. Tapos nang makita nila ako, nagsitayuan sila at ngumiti. Nananaginip lang ata ako, kaya di ko na pinansin.

Nakakapagtaka rin kasi, dapat tatanungin nila ako kung san ako galing. O kaya naman ay kamusta ako, pero ni isa sa kanila wala!

"Ano po ba meron?" isininga ko ang sipon sa panyo na hawak ko, nagkasipon ako kakaiyak. Nakita ko naman si Levi na napangiwi, nandidiri ata.

Pahid ko to sayo e

"Buti naman at bumalik ka Gav" sabi ni mama na di ko napansin na nandito rin pala.

Sino nagbabantay kay papa?

"Ma, sino po nagbabantay kay papa?" Alalang tanong ko

"Nandun mga pinsan mo dumating galing probinsya kaya sila muna nagbabantay, gising na ang papa mo" aniya kaya nanlaki ang mata ko

"Talaga po?! Teka pupuntahan ko lang si papa---"

"Mamaya na" awat ni mama at hinawakan ang braso ko, ganun din ang ginawa ng iba. Tumutol rin.

Nandito kasi sina Levi, Nate, Jay, Kiel, Zeb, Tito Trist, Jane, at si Mama.

"B-Bakit?" Kunot noong tanong ko

"Hindi mo ba gustong makita muna ang pogi ngayon" sabi ni Zeb kaya hinampas ko sya sa braso.

Nagagawa nya pang magbiro sa gitna ng sitwasyon namin!

Bigla syang natawa matapos kong hampasin ang braso nya kaya mas lalo akong nagtaka.

"Di ako nakikipag biruan Zeb" malumanay kong sabi

Uupo rin sana ako sa upuan katabi ni Nate pero pinigilan ako ni Kiel.

"Hindi mo ba muna titingnan si pogi?" Tanong niya, napangiwi ako.

Sino bang pogi?

"Sino ba?"

"Nasa room ni Theo si pogi, tingnan mo dali" bulong ni Levi kaya sinamaan ko sya ng tingin

"Wala akong panahon kung sino naman yang pogi na yan, ano bang pake ko sa kanya" nakayukong sabi ko

Umismir si Levi at parang sinenyasan si Nate. Tumayo na rin si Zeb at Jay, kinaladkad ako papunta sa room ni Theo!

"A-Ano ba?! Bakit nyo ko hinihila" singhal ko

"Mama! Mama! Ma" tawag ko kay mama, tumawa lang sya. Napatawa rin si Tito Trist at si Jane naman nakangiting sumunod samin.

Nang makarating kami sa pintuan ng room, binitawan nila ako.

"Aray ko naman"

"Pasok na daliii" sabi ni Nate

Ano ba? Ano bang nangyayari? Nakakainis naman oh!

Umayos ako ng tayo at pinagsingkitan silang lahat "Di ko kayo maintindihan, sino ba nasa loob?"

"Basta, pumasok kana lang! Dami pang sabi e" ani Zeb

Natawa naman si Jay at Nate.

Pinagpagan ko ang sarili at walang buhay na pumasok sa loob ng room. Nakakapanghina pa rin na makita si Theo na walang malay.

Nakayuko ako habang naglalakad papunta sa kama nya. At nung mai-angat ko ang paningin ay nanlaki ang mata ko sa nakita!

"T-Theo?!" gulat kong tanong

"Hi Jo"

Shuta! Sampalin nyo nga ako!!

Totoo ba to? Oh baka nananaginip lang ako? Jusko sana totoo!

Nakaupo sya sa kama nya at nakatingin sakin habang nakangiti. Wala ng benda ang ulo nya pero may mga galos pa sa braso.

GISING NA SYA

Muling pumatak ang luha ko at dali dali syang yinakap. Natawa sya habang ako naman umiiyak sa bisig nya.

"J-Jo" iyak na sambit ko sa pangalan nya.

Nang makahiwalay ako sa yakap, hinawakan nya ang pisnge ko at pinunasan ang luha.

"I'm here na don't cry" aniya kaya mas lalo akong napaiyak

Yumakap ako ulit nang mahigpit. Namiss ko talaga sya, namiss ko ang boses nya at ang lahat lahat sa kanya. Sobrang nakakamiss, pakiramdam ko'y nagtatatalon ang puso ko sa saya kasi nakabalik na sya.

Bumalik na rin ang lakas ko.

"Ano Gav? Pogi diba?" biglang pumasok silang lahat, natawa naman ako sa sinabi ni Zeb.

Humiwalay ako sa yakap at ngumiti sa kanila "Oo, pogi nga" sagot ko, naghiyawan naman sila.

Biglang lumapit si Tito kaya umalis muna ako at pumunta kay mama na nakangiting nanonood saamin. Lumapit si Tito kay Theo at ginulo ang buhok nito.

"Welcomeback son" aniya

"Thank you dad" sagot ni Theo at yumakap sa papa nya.

"Ayown!" hiyawan nina Jay

"Grabe nakakatuwa sila tignan mag-ama" bulong ni mama sakin

Nag-asaran sila at nag tawanan tsaka nag usap usap. Kinakamusta ni Theo sila isa isa. Hindi ko alam kung pano hindi ngumiti.

"Kuya"

Lahat tumahimik at napatingin kay Jane na kakapasok lang. Ngumiti si Theo sa kanya kaya tatakbo sya para salubungin ang yakap.

"Huhuhuhu Kuya"

Napangiti ako ng malapad habang pinagmamasdan sila. Sobrang saya, ang saya saya nila tignan.

Nang makaalis sa yakap si Jane, nag yaya si mama na kumain muna kami kaya kinuha namin yung malaking lamesa para don mag salo salo. Malaki ang lamesa pero di pa rin kami kasya kaya sa may bintana ako umupo at don kumain.

Nakikitawa rin ako at nakikisali sa mga usapan na pinag uusapan nila habang kumakain.

"Kuys Jay, akala ko ba bibigyan mo ko sports car?" sabi ni Theo kaya napatawa ang lahat.

"Huh? Sinabi ko ba yun?" Maang maangan ni Jay

"Oo kaya! Pakinig ko mga sinasabi nyo"

Matapos kumain, naiwan kaming dalawa ni Theo sa room niya. Nakaupo sya at umiinom ng gamot. Habang ako naman ay nag liligpit ng mga pinagkainan namin.

Nakatalikod ako sa kanya, hindi pa rin nawawala ang ngiti ko habang nag pupunas ng lamesa.

"Come here Jo" tawag sakin ni Theo kaya binaba ko ang basahan at naghugas ng kamay bago lumapit sa kanya.

"Bakit?"

Muli nya kong yinakap kaya yumakap ako pabalik "I missed you so much" bulong niya

"Namiss rin kita Jo" sabi ko

Nakaupo rin ako ngayon sa kama nya katabi sya, naka akbay ang isang kamay nya sakin at yung isa naman pinag lalaruan ang kamay ko. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya.

"I love you Jo" aniya

"I love you too"

Umayos sya ng upo at hinarap ako sa kanya kaya nagtaka ako. Seryoso ang mga mata nya habang nakangiti ng malapad.

"Jo, may itatanong lang ako sayo" sabi nya kaya natawa ako.

"Sige ano yun?" Excited kong sambit

"Are you ready to fight our love HANGGANG SA DULO?"

Ngumisi ako ng matamis at sumigaw habang nakataas ang kamay.

"YES!!"


















__________________END__________________

HANGGANG SA DULO (sunki au)Where stories live. Discover now