Chapter#03: Café La Rosa

26 6 0
                                    

Nanang Maning's POV

Napailing na lang ako sa aking apo na si Cianalra,hindi ko maiwasan na hindi maging proud sa kanilang talaga ng kanyang kapatid.Tignan mo sa nakalipas na ilang taon na nasa puder namin sila ng Asawa ko ay napalaki ko sila ng maayos.Kahit na may edad na ako ay patulog pa din ako sa paggabay sa kanila kahit pa mag-asawa sila.

Tinignan ko ang aming munting bahay ng aking asawa, iyong asawa ko kasi ay matagal ng patay...siguro mahigit sampung taon na ang nakalilipas.Hindi ko magawang Iwan ito,dahil napakahalaga nito para sa akin at sa aking asawa.

"Kailangan na yata namin na umalis dito, Mahal ko."-malungkot na usal ko habang hinihimas ang frame kung saan ay magkasama kami. Ito na kasi ang pinakahuling picture na mayroon kami bago siya namatay.

"Alang-alang din ito para kila Cyell at Cianalra na maikot nila ang maynila kung saan ay maaaring nakilala nila ang kanilang magiging Asawa sa hinaharap."-dagdag ko pa.

"Kung sana'y nandito ka, sigurado ako na magiging masaya ka kasama naming tatlo. Madaya ang tadhana, dahil kinuha ka kaagad sa akin. Mahal na mahal kita, Mahal ko!"-lumuluhang saad ko ulit, 'di ko maiwasan na hindi maging emosyonal.

Lumabas na muna ako at nakita ko si Cyell, wala siguro itong pasok.

"Apo!"-tawag ko sa kanya, lumingon naman ito at ngumiti sa akin.

"Nay, ano'ng ginagawa n'yo dito?"-tanong na bungad nito sa akin.

"Gusto ko lang magpainit, naihatid mo na ba ang kapatid mo?"-sagot at tanong ko sa kanya pabalik.

"Opo, naihatid ko na siya sa bayan!"-magalang nitong sagot sa akin.

"Wala ka bang pasok ngayon?"-tanong ko sa kanya pagkalapit ko.

"Wala nay, may inaasikaso si Boss. Sabi niya ipahinga na lang daw namin ang araw na ito."-sagot nito habang inaayos ang mga kahoy na pinutol niya.

"Edi dapat ay nagpapahinga ka, hala't pahinga na at ako na d'yan!"-suhestiyon ko at kukunin na sana ang palakol, pero inilayo nito sa akin.

"Nay, okay lang po ako. 'Tsaka ngayon ko na lang ulit ito ginawa. Simula ng magkatrabaho ako, madalas ay kayo na ang gumagawa nito!"-pagpapatigil nito sa akin. Ang batang 'to talaga, kung makapag-salita ay akala mo'y mas matanda pa sa akin. Ang kulit masyado.

"Gusto ko lamang na magpahinga ka at lalo't ngayong araw lamang ang ibinigay sa inyo ng boss n'yo!"-saad ko.

"Nay, okay lang naman po ako."-pagpapagaan nito sa loob ko, napabuntong-hininga na lamang ako sa naging tugon nito. Mukhang wala na akong magagawa pa.

"Oh sige, ipagpatuloy mo na lang iyan at ako'y magluluto pa ng tanghalian natin!"-nakangiting sabi ko at bumalik na sa loob, ipagluluto ko na lang siya ng makakain para nang sa gano'n ay mayroon din akong pagkaabalahan.

Cyell's POV

Tinapos ko na ang huling pag-itak ko sa kahoy na malaki, nilikom ko na lahat sa lagayan nang sa gano'n may magamit si Nanay sa pagluluto. Nagtataka siguro kayo kung bakit madaldal ako ngayon, 'no? Madaldal naman talaga ako, moody lang pa-minsan minsan lalo na kung palagi akong iniinis ni Cianalra.

Hidden Lies Surround By HerWhere stories live. Discover now