Prologue

52 0 0
                                    

Prologue

"I like you..." Isang malambig na tinig ng isang babae ang narinig ko.

Nakahilig ako ngayon sa ilalim ng malaking puno ng acacia para sana makapagpahinga. Kakatapos lang ng culminating activity namin sa PE at pagod na pagod ako. Wala pa akong tulog simula noong isang gabi dahil sa walang tigil na rehearsal at ngayon na ito na lamang ang pahinga ko, mapupurnada pa. Langya naman oh.

Sa bagay, hindi ko naman masisisi ang mga estudyate dito dahil naniniwala sila na kapag nagtapat ka ng pag-ibig sa taong mahal mo, dito mismo sa malaking puno kung saan ako nakaupo, magiging kayo ng taong 'yon.

Desperada lang ang naniniwala sa bagay na iyan. This girl is so desperate. For as long as masabi niya ang nararamdaman nila kahit na nakakahiya na, that doesn't matter. Babae ako at minsan na rin akong nagtapat sa isang lalaki at alam ko din kung ano sa pakiramdam ang ganitong diretsahang pagaamin ng nararamdaman, nakakahiya pero ayos lang iyon.

"I really like you, Quinn Javier. And I want to be your girlfriend." Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinambit na pangalan ng babae.

Lumitaw ang mapang uyam na ngisi sa aking labi. Tumayo ako ng matuwid at nagpagpag muna ng damit at nagpakita sa kanila.

Gusto kong matawa nang makita ko ang bakas ng gulat at hiya sa mukha ni Thea. Si Quinn naman, hindi halatang nagulat siya, para bang inaasahan na niya ang pagsulpot ko.

I winked at him pero ang gago, hindi manlang kinilig. Tinaasan lamang ako ng kilay habang nakapameywang pa.

"A-anong ginagawa mo dito?" Si Thea.

"Pwedeng pakihinaan ng boses? Natutulog kasi ako eh. At saka, Thea naman, aamin ka na nga lang, dito pa? Ang cheap mo girl." Pang-aasar ko.

"Bakit ka ba nakikialam? Eh sa ating dalawa, ikaw ang cheap! Hindi ka naman gusto ni Quinn pero habol ka ng habol."

Natigilan ako ng bahagya pero hindi nagpahalata. Tinaasan ko siya ng kilay at humalakhak. Walang alam itong babaeng 'to sa mga pinagsasasabi niya. Lumapit ako ng bahagya sa kanya at ganoon na lamang ang pagkataranta niya at umatras pa.

"Ako lang ang may karapatang magkagusto diyan kay Quinn. Back off, The—"

"Irah Fleeden!" Sigaw ni Quinn sa akin para patigilin ako.

Sinulyapan ko siya at nakita ko ang matalim niyang mga mata. Imbis na mainis ako dahil sinigawan niya ako, mas lalo pang lumawak ang ngisi ko dahil binanggit niya ang pangalan ko. Mas lalo pa akong naengganyo sa pang-aasar sa babae.

"Akin 'yan. Tanga ka ba?!" Sabay turo ko kay Quinn na ngayon ay unti-unti na kaming tinatalikuran.

"Walang sa'yo, Fleen!"

Inirapan ko ulit si Thea na ngayon ay mangiyakngiyak na at agad kong na hinabol si Quinn.

"Fleen, mamaya susunduin kita!" Tawag ni Leo sa akin, tinanguan ko lamang siya at nakuha na niya ang ibig kong sabihin.

"Fleen!" Natigil ako sa paghahabol nang lumitaw sa harapan ko si Third kasama ang mga members niya sa basketball. Mukhang kakatapos lang ng practice nila dahil pawisan na.

"Hi, Fleen." Bati ni Rave.

"Ang ganda mo ngayon ah." Si Jack naman.

Nginitian ko lamang sila at tumingkayad pa para tingnan si Quinn ngunit nakaharang sila. Nakalayo na iyon panigurado.

"Hindi mo ako sinipot sa date natin." Bumaling ako kay Third.

"Sorry, busy sa bahay. Dumating kasi si Mama kaya..." Medyo nahiya pa ako, alam kong naghintay siya sa akin sa dating place namin kaso biglaan ang pagdating ni Mama, hindi na rin ako nakapag text sa kanya para humingi ng paumanhin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Touch your Heart (La Tierra de Conde Series #3)Where stories live. Discover now