Time at Last

31 2 1
                                    

Time at Last

---

"Alam mo ba? Yang moon na yan, napaka special nyan para sa pamilya ko." Sabi ni Jia habang nakatingin sa buwan.

Gabi at magkasama ang magkaibigang si Jia at Xien. Katatapos lamang nilang mag-gala at naisipan nilang tumambay na muna sa rooftop ng isang bar.

"Para sa lahat naman siguro ay special yang buwan na yan. Lalo na sa mga mag-jowa kesyo sun and moon kuno." Tugon ni Xien.

"Well tama ka, ganun din ang meaning ng buwan na yan samin eh. Pero mas mabigat." Nagtaka naman si Xien sa sinabi ng kaibigan kaya napatingin ito dito.

"How come? Mind telling me the story?" Xien asked and Jia smiled as she remembered what her grandmother told her.

"Yung lola ko kasi, may kapatid syang babae. Matagal na syang patay dahil sa cancer. May girlfriend yung kapatid nyang yun at-"

"Girlfriend?? Lesbiana ang kapatid ng lola mo!?" Pagpuputol ni Xien sa pagkekwento ng kaibigan.

"Oo! Maka-react ka naman parang hindi normal yun ah! Parang hindi ka din bakla ah!"

"Sorry naman, nabigla lang. Continue."

"Anyway, may girlfriend sya. Hindi sangayon ang mga magulang nila at pilit silang pinaghihiwalay. Dalawang beses silang pinaghiwalay ng magulang ng lola ko at para makasigurado na di magkakabalikan ay dinala ang kapatid nya sa tiyahin nila na nakatira sa ibang bansa. Habang nasa ibang bansa sya ay nagawa nya pa ding makausap yung girlfriend nya. Sa panahon na yun ay naniwala sya sa katagang "Third times' the charm", kaso ilang buwan matapos syang makarating sa ibang bansa ay nalaman nila na may cancer sya.

Kaagad na pinauwi yung kapatid ni lola at dito sa Pilipinas pinagamot. Pinaoperahan sya pero nakakalat na ang cancer sa katawan nya kaya pina-undergo sya sa chemotherapy.

Tatlong buwan na syang naka-undergo ng chemo nang malaman nila na may relasyon pa din sya at ang girlfriend nya. Nagalit yung mga magulang nila kaya nasigawan at nasaktan nila yung kapatid ni lola. Inatake sya ng pagkahina at nawalan ng malay. Syempre dinala sya sa hospital at nang magising sya, nakita nya na nasa kwarto nya yung girlfriend nya kasama ang mga magulang nila. Umiyak ng sobra yung kapatid ng lola ko dahil nagulo at nasaktan ulit silang magkasintahan. Nagmakaawa sya sa mga magulang nila na hayaan na lang sila dahil alam nya sa sarili nya na hindi na sya gagaling, last request nya habang buhay pa kumbaga, Stage 3 na kasi yung cancer nung natuklasan nila.

Nung nakita ng mga magulang nila yung sincerity at pagmamahal sa mga mata nila habang magkatinginan sila ay hinayaan na lang sila kahit labag sa loob nila. Nalulungkot kasi sila para sa kapatid ni lola dahil hinang-hina na sya at sobrang putla. Sa totoo lang, hindi nakatulong ang chemotherapy sakanya, mas nanghina sya kaya sa loob lang ng ilang buwan ay sobrang halata na na may sakit sya.

Hinayaan nila ang dalawa sa isang kondisyon; hinding hindi pwedeng masaktan ang kapatid ng lola ko. Pag nasaktan sya, paghihiwalayin ulit sila at dadalhin ulit sa ibang bansa para dun na magpagaling at tumira.

Ilang buwan ang lumipas at masaya silang nagsama, kaso mas lalo ding nanghihina ang kapatid ng lola ko. Pero dahil masaya nga sila ay hindi nito napapansin ang sakit nya. Inalagaan at iningatan syang mabuti ng kasintahan nya.

Isang araw, habang magkasama sila sa hardin at tahimik na nagmamasid-masid ay may sinabi ang kapatid ni lola sa kasintahan nya, "Kapag namatay na ako, magmomove on ka ha? Gusto ko pag namatay na ako, makakaya mo na ulit mabuhay ng wala ako. Tapos makakahanap ka ng babaeng mamahalin mo ng sobra pa sa pagmamahal mo para sakin at makakasama mo pagtanda." Umiiyak sya habang sinabi nya yan. Dahil sa pag-iyak nya ay napaiyak din ang kasintahan nya.

Time at Last (Oneshot)Where stories live. Discover now