Chapter 29
Aeious's Point of View
Pagkasabi ni Zane 'non ay walang umimik sa kanilang lahat. Natatakot ako sa pagiging tahimik nila. Nagkatinginan lang kami ni Zane at awkward akong tumingin sa mga kaibigan ko.
"Sabi na nga ba eh. Halata naman na sa mga kilos niyo." Cosmo said and I looked at my friends reaction.
"Ba't 'di mo sinabi sa akin, ha?! Di na kita bati! Hmmp!" kunwaring pagtatampo naman ni Vian.
Nagtago siya sa likod ni Aiden na ngayon ay natatawa. Lumapit ako kay Vian at kunwaring sinusuyo siya. Syempre dahil trip trip niya, 'di niya ako pinapansin. Hinila ko siya palayo sa table ng mga kaibigan namin.
"Sorry Vian. Hehe."
"Sana sinabi mo lang."
"Sasabihin ko naman talaga eh, pero kumukuha lang ako ng tiempo." sabi ko.
Nag-aalala ako sa biglang pagtahimik ni Vian. Galit ba siya? Oh my gosh!
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Niyakap ko rin siya pabalik. Later on, I heard her sobbing.
"Uy Vian, are you crying?" I worriedly asked and looked at her.
Tingin ko ay narinig iyon ng mga kaibigan namin kaya agad silang lumapit samin. Aiden worriedly approached Vian and asked her if she's okay. Vian approached me and hugged me again.
"Naiiyak ako kasi ang tanda na natin." natawa naman ako sa sinabi niya.
Pinunasan ko naman ang luha niya at binigay naman ni Aiden ang panyo niya kay Vian.
"Akala ko kung ano na!" natanggal ang kaba ko. "Oo, matanda na tayo pero iyakin ka parin." pang-aasar ko naman.
"Aeious." awat sa akin ni Aiden.
"Dashiell." si Zane naman.
"Tama na nga yan! Ang sakit niyo sa eyes." biglang singit naman ng kararating lang na si Vius.
Agad namang lumapit si Vian kay Vius at hinampas ito sa braso. Babawi na sana si Vius pero nakita niya si Aiden na nakatingin sa kanya ay hindi na niya ito tinuloy.
"Ano bayan! Nakakatakot tingin mo Kuya Aiden! Y'all so flirty, you know."
Hinampas naman ulit siya ni Vian.
"Aray ate! Nakakadalawa ka na!"
"Hiyang-hiya sayo ha. Akala mo hindi ko nakita yung babae kanina na nilapitan mo. Sino ba yun ha? Susumbong kita kay Mom eh." sabi ni Vian.
"Classmate ko yun." sabi niya saka umalis dahil tinawag siya ni Tita.
Umiling nalang si Vian. Lumapit na rin sina Cosmo, Dale, Dylan and Margaux sa amin. Nagkwentuhan naman muna kami ng kaunti bago ako magpasama kay Vian para magbihis.
After I change my clothes, we immediately went home. Vian said we will open our gifts together, tomorrow after school. As we reached home, I immediately went to my room and sleep because I'm so tired.
...
After I got everything ready, I told my mother that I'm going to school now because Axel and Aiden are already outside. I kissed her cheek and went out. As I went out, Vian came out of their house right then, so we left.
I wonder why when we get to school there are so many people screaming. They are very good at gathering gossip. Pagbaba namin ay nagpark muna si Aiden at hinintay namin siya. Nang papasok na kami ay agad namang kinuha ni Axel ang bag ko at siya ang nagdala.
YOU ARE READING
Kindred Spirits
Teen FictionA Story starring two childhood bestfriends who has never wanted anything more than to be by each other's side. But, will that continue and last when they disclose a confidential secret? Or will their friendship wither like a flower that's been negle...