Special Chapter Part 2

14 3 1
                                    

SAFARA'S POV
(During her pregnancy)

8 months. 8 months na 'kong buntis at naiirita ako. Hindi ko alam kung saan o kanino ako naiirita, basta naiirita ako! Next month ay manganganak na 'ko.

"Our friends are now here." Binuksan niya 'yong pinto kaya mas lalo akong nairita. Naiirita ako sa bawat galaw niya.

"Hello---AH!" Kay Caesar ko dapat ibabato 'yong unan kaya lang kay Oliver tumama. "Galit ka na naman, Safara?"

"HEH!" Inirapan ko siya.

Mainit ulo ko! Pa'no ba naman kasi, sinabi ko kay Caesar kagabi na gusto ko ng mansanas. Binigyan naman niya 'ko ng mansanas kaya lang kulay pula! Ang gusto ko green!

"Yeah, she's like that since last night." Sagot ng magaling kong asawa. Sa sobrang galing niya, hindi man lang niya ako binilhan ng gusto kong mansanas!

"Ayayay!"

Inilapag nila ang mga dala nilang pagkain sa lamesa. Lumapit rin sa likuran ko si Kale para hilutin ang likod ko. Palagi kasing sumasakit e.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya sa 'kin.

"Hindi pa." Nakanguso kong sagot.

"Why? You should eat, girl."

"Ayaw ko! Gusto ko ng green na mansanas pero pula 'yong binigay ni Caesar!"

"How would I know the apple you want if you didn't tell me? And now I bought a green apple for you but you don't want to eat it."

"Ayaw ko na no'n! At tsaka dapat alam mo na ang gusto kong mansanas!"

"Baby, hindi ako manghuhula." Bumuntong hininga siya. "What do you want then?"

"Ah..." Kinagat ko ang labi ko habang nag iisip. "Ah! Gusto ko ng mansanas!"

"We have a lot of apples here. You want the colour red now?"

"Hindi." Nakanguso kong sagot.

"The green one?"

"Hindi rin."

"The only colours of the apple are green and red."

"Gusto ko kulay orange!" Nakangiti kong sagot. Napahagalpak naman ng tawa si Oliver at Kale habang ang iba naman ay nagpipigil ng tawa. Para naman tuloy akong naiiyak. "Ba-Bakit?"

"Baby, there's no orange apple----."

"Meron! May nakita akong gano'n!"

"Where then?"

"Sa panaginip ko!" Mas lalo naman silang natawa.

Ayaw ko na! Lalayasan ko na talaga si Caesar! Baby, huwag kang mag-alala, hindi mo magiging Tatay 'yang lalaking 'yan na hindi man lang alam ang orange na mansanas!

Agad akong tumayo at pumasok ng kwarto namin. Rinig ko pa rin ang malakas na tawa nina Oliver, tawa niya talaga ang nangingibabaw sa lahat.

Kinuha ko ang bagahe ko at nilabas ang lahat ng damit ko.

"Baby? Where are you going?" Hinawakan niya ang braso ko, pinipigil ako.

"Bitawan mo 'ko! Aalis na 'ko! Itatago ko ang anak ko sa 'yo!"

"What the----why? Is this all about the orange apple?"

"Oo!" Naiiyak kong sagot. "Ayaw kong magkaroon ang anak ko ng Tatay na hindi alam ang kulay orange na apple!"

His Secret Diary (STILL EDITING)Where stories live. Discover now