Chapter 25

136 11 1
                                    

Nagising akong nakayakap sakin si Kairo, magakatabi kaming natulog dahil hindi daw siya mtutulog kapag hindi niya ako katabi nasa kalandian mode kasi siya kagabi, pumayag nalang ako dahil maliban sa gusto ko rin siyang katabi antok na antok na rin ako

"kairo bitaw babangon na ako" saad ko habang pilit na kinukuha ang braso niyang nakayakap sakin 

"Later babe let me enjoy this moment for a while" dahil ayaw niya akong  bitawan kaya kinurot ko siya sa tagiliran dahilan para kumalas ang pagkakayakap niya sakin

"Sorry its your fault din naman kaya nakurot kita" saad ko at tumayo na para maghilamos sa banyo at makapagprepare na nang aming almusal

"What do you want to eat" tanong ko sakanya habang tinitignan ang loob nang ref niya naghahanap nang pwedeng lutuin

"You!" napatigil naman ako at tinignan siya seryoso lang ang kanyang mukha habang naka sandal sa pader na topless, nice view

"Im being serious here, atsaka magbihis kana nga don" saad ko

"Seryoso rin naman ako ah" saad niya at naglakad papunta sa gawi ko inirapan ko naman ito at binalik ang atensyon sa ref naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod hindi ako makakilos nang mabuti dahil sakanya

"Bitaw magluluto ako" naiinis na sabi ko

"Ayoko, dalawa tayong magluluto" sabi niya sabay siksik sa leeg ko

"Paano tayo makakapagluto kung para kang linta na nakakapit sakin" saad ko sakanya pero lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap sakin napa buntong hininga nalang ako at hinayaan siyang nakayakap sakin. buong pagluluto ko nakayakap lang siya sakinmula sa likod 

"Bitaw kakain na tayo"saad ko nang matapos ko nang maihanda ang almusal namin

"Kandong ka nalang nga sakin" kanina pa talaga ang karayom na 'to pinipikon talaga ako

"Isa, pag hindi kapa bumitaw uuwi talaga ako" no choice siya kundi ang bitawan ako. Naupo na kami para makakain na, naka busangot lang si Kairo habang kumakain bakit ba kasi ang landi niya

"Ubosin mo yan" sabi ko nang makitang may natira pang kanin sa plato niya

"Wala na akong gana" nakabusangot paring sabi niya

"Sinasabi ko sayo Kairo ubusin mo yan" napipilitang inubos niya ang kanyang tirang pagkain

"Kailangan mo ba talagang umalis" tanong niya

"Syempre naman kailangan kong umuwi sa bahay ko" sabi ko

"Kung dito ka nalang kaya umuwi" sabi niya sabay hawak sa kamay ko binatokan ko naman ito para mahimasmasan ano ano na kasi ang pinagsasabi

"Aray ko makabatok ka parang lalabas yung utak ko" sabi niya habang kinakamot ang parteng binatok ko

"Sige na uuwi na ako"bago ako makalabas hinigit niya ako at hinalikan sa labi

"Mamimiss kita" sabi niya nang maghiwalay ang aming mga labi

"Baliw"natatawang ani ko at lumabas na sakanyang condo para umuwi

Pagdating sa bahay nagpalit lang ako at natulog dahil antok na antok pa ako kasalanan to nang karayom na yon eh. Nagising akong tanghali na tinignan ko ang cellphone ko kung meron bang message hindi nga ako nagkamali dahil mayroon nga mula kay Kairo at missed call naman kay Mommy inuna ko munang basahin ang mga messages sakin ni Kairo

"Nakauwi kana ba?"

"Hey babe, if you read this reply asap"

"Miss na kita"

When the spoiled brat found his matchWhere stories live. Discover now