Chapter 1

1 0 0
                                    

Nag simula ng August 20 **** ng magkakilala kami ni Gavin kilala sya as hearthrob sa school at maraming girls ang lumalapit sakanya. Syempre as their idol kailangan nyang I treat ang mga Fans nya. At isa ako sa natipuhan nya I'm Natalia kilala bilang old fashion girl sa school. One day he propose a date to me sa harap ng maraming tao s canteen. And shempre as a very die hard fan nya sinagot ko sya in one day. 

Stupid right?

Di ko rin naman na pinag mayabang na napaka sweet at caring nya pag dating sakin. May time lang na pag wala sya sa mood bigla nalang nya akong iiwan. Tapos pag okay na sya i ti-treat nya ako at mag sosorry.

Palagi rin akong pinag sasabihan ng mga kakilala ko sa room na wala namang gusto sakin si Gavin at ginagamit nya lang ako.

Pero wala naman akong pake doon.

Kase mahal ko sya..

Ngayon araw May susunduin akong bestfriend ko noon sa dati naming bahay. At kasama ko ngayon si Gavin na kahit napilitan sya sa kakulitan ko na sumama sya para makilala ng bestfriend ko. Para namn hindi lang ako ang tanging kaibigan nya.

Nang nasa terminal ng bus na ako bumungad
Sakin ang ingay ng paligid. Pero ang una kong hinanap ay ang bus number na sinasakyan nya.

365..

Nang makita ko ito ay sumalubong agad sakin ni Monique. She wear a simple white dress na bumagay sa kanya. Maliit palang kami maraming nag kagusto kay Monique at hanggang ngayon ay hindi parin sya nagbabago.

"Wala ka paring pinag bago Natalia!"

"Ikaw rin hanggang ngayon hindi ka parin nagbabago."

Napatingin sya kay Gavin."Well..sino naman itong kasama mo?"

"Sya nga pala ang boyfriend ko si Gavin. Gavin si Monique, Monique si Gavin."

"Nice to meet you." Ngumiti ito kay Monique. At nag hand shake sila.

"Kamusta ang byahe mo?" Tanong ko saknya.

"Okay lang, medyo napagod dahil sa tagal kong nakaupo doon." Sagot nya habang hindi parin nya inaalis ng tingin kay Gavin.

"Kawawa naman ang bestfriend ko sige Tara kumain muna tayo sa malapit na karinderya." Yaya ko sa kanya.

"Sige, libre ko na." Sagot ni Gavin habang nakatingin kay Monique.

Bakit May iba akong nararamdaman sa tingin na yun? Or guniguni ko lang?

Normal lang naman siguro yun Natalia, Don't panic ayokong maging isang evil girlfriend para sa boyfriend ko.

"So pano kayo nag kakilala?" Tanong ni Monique ng maka-order nakami sa isang malapit na karinderya. Umorder ako ng tapsilog at sinigang.

"Uhm.. syempre niyaya nya akong makipag date sa kanya."

"Kailan naging kayo?"

"Nito lang 4 months.." sagot ko.

"Bago pa lang kayo kaya sana ikaw, Gavin Right? pag nakita kong umiyak ang bestfriend ko sayo makakatikim ka sakin ng Suntok!" Matapang nyang sagot dito.

Habang natawa lang sakanya si Gavin.

"Monique ano kaba--"

"Bestfriend wag mong sayangin ang oras mo dito iiyak ka lang, kita mo tinatawanan nya lang ako."

"Monique-"

"Tatandaan ko yan, hinding hindi ko papaiyakin si Natalia." Sabi ni Gavin nakapag pabilis ng pagtibok ng puso ko. Napangiti ako sa kanya.

"Tama yan!"

Matapos namin kumain pumasyang kami sa MOA at syempre sobrang saya ni Monique dahil ngayon lang sya nakapunta sa kanitong kagandang pasyalan.

"Grabe ang sarap naman dito sa Manila sana pala sumama na ako sayo noon para hindi na ako mag hirap sa probinsya."

"Sino nag babantay sa kanila lola mo?"

Napayuko naman sya at pinunasan ang isang luha nya. "Wala na sya..."

Mabilis ko namn syang niyakap na lalong nakapgpaiyak sa kanya. Bakit ko naman na nag aalala rin si Gavin sa kanya.

Hindi ko alam na marami pasyang hindi sinasabi sakin simula ng umalis kami sa probinsya at lumipat.

Ang tatay nya ay iniwan sya sa lola nya at ang nanay nya ay hindi nya nakilala. Tanging lola at lolo nya lang ang nag aalaga nalang sakanya. Pero nito lang nakaraang taon namatay narin ang lolo nya kaya ang lolanalang nya ang kasama nya. At ngayong taon ay ang lola nya.

Sya nalang ang mag isa...

"Wag kang mag alala Monique nandito pa ako."

"Salamat Natalia."

"May matutuluyan ka na ba?"

"Uhm.. wala pa nga eh, mag hahanap pa ako. Para pag nag enroll na ako sa school mo May bahay akong matutuluyan."

"Wag kang mag alala ako na mag hahanap sa matutuluyan mo." Biglang sabi ni Gavin na ikinangiti ko. Napakabait talaga nitong Boyfriend ko.

"Wag kang mag alala tutulungan ka namin. Pansamantala dun kanina sa bahay, papayag naman yun sila Mom."

Napangiti sya. "Salamat, di ko alam anong gagawin ko kung wala kayu." Sabi nya at niyakap ako.

Pag katapos namin mamasyal ay sumakay na kami sa kotse ni Gavin para ihatid kami sa bahay.

Umupo ako sa front seat at salikkod naman si Monique. Habang nasa byahe kami ay kanina ko pa napapansin na kanina pa ni Gavin tinititigan sa mirror si Monique sa likod na tulog.

"Nakatulog na sya." Banggit nya habang nakangiting nakatingin parin sa daan.

Ngayon ko lang nakitang ngumiti sya ng hindi gumagawa ng joke or kung ano mang nakakatawa.

"Mukhang masaya ka ngayon ah. Anong meron?"

"Kakaiba kasi sya, palaban." Sabi nya.

"Ganyan talaga si Monique, matapang yan. Kilala nga syang basagulero sa school dati."

"Talaga?" Gulat at natatawa nyang sabi.

Natuwa naman ako dahil bihira lang ang ganitong oras na nag uusap kami ng komportable.

Sana hindi matapos ang araw na ito.
Dahil ngayon ko lang ulit na ngumiti sya.

____

Moon_glared

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

All I WantWhere stories live. Discover now