PROLOGO :

3 0 0
                                    


''Lola!!'' Sigaw ng aking apo habang tumatakbo saakin. Lumawak ang aking ngiti at nagagalak na iyakap ito

''Kamusta ang aking napakagandang apo?'' Hinalikan ko siya sa noo

''Okay naman po lola, kayo po? Wala po kayong kasama dito sa bahay niyo doon nalang po kaya kayo samin tumira?'' Sagot niya. Tinignan ko ang aking anak na nakatingin saamin sa hindi kalayuan.

Hindi ito payag na makasama ko ang aking apo dahil sa mundong kinagisnan ko. Puro digmaan at hindi maganda ang kahihinatnan ng kaniyang anak kung malamn niya ito. Kungkaya't pinili niyang ilayo saakin ang apo kong si Arim.  "Hindi maaari apo."

"Pero lola hindi ba kayo nabo-bored dito? wala kayong kasama at isa pa sabi ng teacher ko dapat may kasama ang mga nakakatanda."

Tinanguan ko ito at hinaplos ang buhok. ''Bata ka pa hija, Kapag nasa tamang edad ka na maiintindihan mo rin ang lahat.'' Humaba ang nguso niya

''Arim tama na iyan. Kinukulit mo masiyado si mama.'' Singit ng kaniyang ina. Tumakbo ito papalapit sa ina

''Let's go ma, nakahain na.'' Sumunod ako at sumabay sakanilang kumain

''Lola, kwentuhan niyo po ako sa room ko bago makatulog please?''

''Arim, huwag kang mangulit. Dapat nagpapahinga ang lola po.''

''Mom, dad, minsan lang naman po kami magkita ni lola eh please? Bukas uuwi na po tayo. One story lang lola sige na'' protesta niya. Umiling ako at bahagyang ngumiti.

''Ohh sya Sige, tapusin mo na ang iyong pagkain at maligo. Mayroon akong mahabang kwento saiyo apo.'' Sagot ko.

''Ma, we already talk about your stor-'' hindi ko pinatuloy ang sasabihin ng aking anak. ''Huwag kang magaalala gagawin ko ang lahat para hindi niya kailanganing maipit sa situwasiyon na iyon.'' Sambit ko.
-----

''Sa mundo ng Arvish ay may isang hari nanagngangalang Adelio. Ang haring iyon ay mag apat na anak. Ang panganay ay si Idris. Sa apat na prinsipe ay sita lamang ang bukod tanging naiiba ang ugali. Mapanglait at mapanakit.''

''Is he that bad po lola?'' Umiling ako at pinisil ang tungki ng kaniyang ilong. ''Hindi ko rin alam, ngunit naniniwala ako na mabuti ang kalooban niya.'' Sagot ko.

''I take that as he's a good Prince.''

''Ang pangalawang prinsipe ay si prinsipe Esmyr. Napakabuti ng kaniyang kalooban, tumutulong sa nangangailangan. Ang pangatlong prinsipe ay si Darius. Magaling siya sa ibat ibang klase ng sandata at pakikipaglaban. At ang panghuli ay si prinsipe Kiann. Katulad ng pangatlong prinsipe,magaling rin ito sapakikipaglaban at may busilak na kalooban. Ngunit dumating ang araw na ipakikilala na ng amang hari ang bagong napiling hari.''

''Sino pong bagong hari na napili?''

''Ang bagong haring napili ay ang pangalawang prinsipe na si Esmyr. Nang araw ring iyon, napuno ng galit at inggit ang puso ng unang prinsipe. Kung kaya't nakagawa siya ng hindi inaasahang bagay. Bumuo siya ng sariling kaharian at sinakop niya ang buong Arvish. Pinatay rin niya ang kaniyang ama at ina, kasama ang ilan sa kaniyang mga kapatid. Naging isa siyang masamang hari sa paningin ng lahat.

''Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman. May anak ang kaniyang kapatid na si Esmyr at Daruis. Ang dalawang prinsipe ay nakatakas ng kaniyang sakupin ang buong Arvish. At hanggang ngayon ay hinahanap parin nila ang prinsesa na muling magbubuklod sa buong Arvish.'' Nilingon ko ang aking munting apo na malalim na ang tulog sa akong tabi.

Ibinaba ko ang hawak kong libro at hinaplos ang kaniyng buhok. ''Ikaw, ikaw ang prinsesang kanilang matagal nang hinihintay. Kailangan ka nila Arim apo.'' Hinalikan ko ang kaniyang noo at lumabas ng kwarto.

''Hindi ako papayag na tumungtong ang anak ko sa magulong mundong iyon ma.'' Nginitian ko ang aking anak at lumapit sakaniya. Ngunit hindi na ako nagulat nang siyang pagatras niya papalayo saakin.

''Hindi kailan man matatakasan ang dapat maganap anak. Kung noon natakasan mo ang responsibilidad, ngayon ay hindi na. Meron siyang simbulo na wala ka. Hindi niya matatakasan ang kaniyang tadhana.'' Sagot ko. Kinuyom niya ang kamay at naglakad papalayo.

''Pasensiya na anak, ngunit kailangan nang matapos ang paghihirap ng buong Arvish.''
---

''Nakapagpasiya na ba kayo prinsesa?''

''Oo Mahal na reyna ng Arvish. Nakapagpasya na kami ni Roderica na gamitin ang aming mga apo na siyang magkukubli ng buong Arvish.

''Kung ganon, nagagalak ako.'' Itinaas ng sinanang reyna Juno ang kaniyang palad at sumilay ang nakakasilaw na liwanag sa madilim kalangitan.

''Sa pagtungtong nila ng itinakdang panahon, Ako'y muling magpapakita at sila ay gagabayan patungong Arvish. Daladala ang kalahati ng aking katauhan at simbulo ng pagiging mabughaw ang dugo na siyang magiging dahilan ng pagtatapos ng kasamaan.'' Nang matapos siyang magsalita at unti-unting nawala ang nakakasilaw na liwanag kasabay ng pagkalaho ng sinaunang reyna ng Arvish.

''Pagpalain nawa ang ating mga apo.'' Sambit ni prinsesa Roderica. 

WITH YOU, IN ANOTHER DIMENSIONWhere stories live. Discover now