ERASE YOU

53 3 4
                                    

Alas kuwatro ng hapon nang palabasin kami galing sa eskwelahan. Magkahawak-kamay kami ni Bryan nang mapadaan kami sa simbahan sa San Isidro street.

Hindi ko maiwasan mapangiti habang nakatingin sa simbahan at pagkatapos ay ibabaling ko naman ang paningin ko sa direksiyon ni Bryan.

"Love, anong nginingiti-ngiti mo d'yan?"

Iniling ko ang aking ulo bilang tugon sa kanyang katanungan.

"Wala lang, love. Naisip ko lang kung gaano katagal na tayong magkakilala at magkasama," sagot ko habang nakatingin pa rin sa direksiyon ng simbahan na lalagpasan na naming dalawa.

Piniga ko ang kamay ni Bryan nang makaramdam ako ng kung anong kuryente sa aking katawan dahil sa imahinasyon na tumatakbo ngayon sa aking isipan.

Mukhang agad din nalaman ni Bryan ang nilalaman ng utak ko kaya nginitian din niya ko pabalik.

"Love, balang araw ay ikakasal din tayo d'yan. Hindi pa ngayon, pero balang araw kapag handa na tayo." Hinalikan niya ko sa noo pagkatapos niyang magsalita.

Tumango naman ako bilang tugon sa kanya.

Nagbalik ang isipan ko sa realidad. Inilibot ko pa ang paningin ko dahil hindi ko namalayan na kanina pa pala natapos ang naganap na kasalan.

Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Pinili kong lumabas na lang ng simbahan kaysa naman tumunganga pa ko roon.

Sakto naman paglabas ko ng simbahan ay isang luha ang tumulo sa mga mata ko. Ewan ko kung bakit. Hindi ko alam kung masaya ako o nalulungkot kahit na ilang taon na naman ang nakakalipas.

Iisang daan pa rin naman ang nilalakad naming dalawa ni Bryan, pero magkaibang direksiyon na.

Kinasal siya, pero sa iba. . .

Kinailangan magtapos ang storya naming dalawa.

Tumalikod ako sa simbahan habang dala-dala ang mga kataga sa puso ko.

"Kahit hindi mo man batid, mahal ko. This heart will not erase you."

✓ERASE YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon