Harana (One Shot Story)

49 3 0
                                    

1960's

Si Felicia, ang mahinhin na dalaga at maraming nabibihag sa taglay na ganda nya isa na roon si Vicente ang binatang masipag at marami na ring naging nobya ngunit lahat ay di nagtagal dahil kadalasan ayaw sa kanya ng magulang o di kaya may nahanap na mas gwapito at mapera.

Si Felica ay laki sa layaw, lahat ng gusto nya ay madali nya lang makuha sa isang sabi lang nya. Nag-iisang anak lang din sya kung kaya't lahat ng atensyong gusto nya ay nakukuha nya, atensyon lang ng magulang nya ang hindi nito makuha-kuha. Maraming nagtangkang manligaw at pakasalan sya ngunit agad nya ito tinatanggihan harap harapan kahit alam nito na tinapakan nya ang dignidad ng pagkalalaki nito.

Samantalang iba si Vicente, ito ay laki sa putikan sa madaling salita ay mahirap sya, sa katunayan ang pamilya nya ay nagtatrabaho sa pamilya ni Felicia. Ang nanay nya ay labandera kasama ang bunso nitong kapatid na babae, sya naman ay katulong ng ama nya na driver ng mag asawang Alonso.

Nakilala ni Vicente si Felicia noong nasa edad labing walong taong gulang sya, tumutulong sya sa ama nya na driver at paglilinis at pagaayos ng kotse. Madalas nyang makita sa hardin si Felicia, kadalasang ginagawa nito ay nagbabasa o di kaya nagdidilig ng mga tinanim nitong bulaklak ng mirasol (sunflower).

Isang araw ng nainip at wala ng maitulong si Vicente sa kanyang ama ay naisipan nitong pumunta sa hardin kung saan laging tumatambay si Felicia, maraming nakatanim doon sa pwesto lang ng tambayan ni Felicia na bulaklak ng mirasol.

Namangha sa ganda si Vicente, minsan na rin syang nakakita nito ngunit sa basurahan nga lamang at lanta na kaya ngayong nakita nyang buhay at nasisikatan ng araw ang bulaklak ay napanganga sya. Hindi sya mahilig sa bulaklak ngunit ang nakababata nyang kapatid na nasa edad labing lima ay mahilig sa bulaklak ng dasyanas(daisy) kaya madalas kapag nakakakita sya nito ay agad nyang pinipitas upang iregalo sa kapatid na babae. Habang pinagmamasdan nya ang nakapalibot na marisol ay dumating si Felicia dala ang paborito nitong libro.

"Sino ka?" tanong ng dalaga sa binata na ngayon nya lang nakita, napalingon naman sa kanya si Vicente na mangha pa rin sa nakapalibot na bulaklak, ngumiti lamang sya at saka nagpakilala.

"Ako nga pala si Vicente, dito nagtatrabaho si Tatay. Ikaw ano pangalan mo?" nakangiting pakilala at saka pagtanong na rin sa pangalan nito, kilala nya lang sa itsura ang babae at saka hindi nya pa alam kung anong pamilya ang pinapapasukan ng ama nya. Nakasimangot ngunit hindi naman sya galit kay Vicente dahil lang nandito ito sa paboritong tambayan nya kaya nagpakilala pa rin sya.

"Ako naman si Felicia, taga dito ako at bahay ko itong pinapasukan ng ama mo" di man nakangiti ngunit sapat na iyon upang makilala sya ni Vicente.

Napanganga ang binata, hindi nya kasi tinatanong ang ama kung sino ang pinagsisilbihan nitong pamilya. Agad humingi ng paumanhin si Vicente kay Felicia na pinagsawalang bahala na lang ng dalaga at naupo na sa pinagawa ng ama nya na upuan ns hugis puno.

Nagtataka si Vicente kung bakit nakasimangot ang dalaga, ramdam naman nyang hindi sya ang dahilan ng pagkasimangot nito kaya tumabi sya sa dalaga pero mga isang metro ang layo nya.

Tinanong nya ito ngunit hindi sya pinansin dahil nagbabasa ito ng paboritong nobela. Tatanungin nya sana ulit ngunit tinawag na sya ng ama nya dahil manananghalian na sila.

Umalis na si Vicente kaya naman tinigil ni Felicia ang pagbabasa at sinundan ng tingin ang papalayong pigura ng mag-ama. Nakaramdam ng inggit si Felicia, kahit nakukuha nya lahat ng gusto nya ay hindi pa rin sapat iyon ng pagmamahal na nais nyang makamtan.

Sa edad na labing pitong taon nyang nabubuhay ay tanging ang Manang na nagpalaki sa kanya ang nakakasama nya. Sa pag-alis at pagtulog ay tanging yun ang kasama nya, minsan nya lang makasama ang mga totoong magulang nya ito ay bago ang pasko at madalas pagtatalo pa ang inaatupag kesa kamustahin sya.

Harana (One Shot Story)Where stories live. Discover now