Chapter 36

8.6K 233 152
                                    

Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Ayokong isipin. Ayaw ko. "Malay mo yung macho dancer-,"



"There is no fucking way I will fall for that man! I just met him and I felt nothing but nervousness! At nakakatakot din sya! No!" Pagpuputol ko sa sinabi nya. She laughed and shrugged her shoulders and continued eating.



Natahimik ako dito sa tabi at hindi maiwasang isipin 'yon. Parang napaka-imposible naman kasi no'n. Why would I fall for the man I just met? At hindi ko naman sya gusto. Napaka-imposibleng magkagusto ako doon. Pero ang nakakapagtaka, paanong kilala nya ako? Bakit hindi ko naman sya mamukhaan?



How come?



"The fuck happened here?" Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na umiwas ng tingin kay Cloud nang bigla syang sumulpot sa kusina. Halata ang galit sa mga mata nya at kaagad na nilapitan si Akira na kumakain at hindi sya pinapansin.



"Tiffany." Mabilis akong lumingon sakanya at seryoso syang nakatingin saakin. Hala! Galit nga!



"No! Wala akong alam dito! They just dragged me here! Wag mo akong samaan ng tingin kung ayaw mong samain saakin." Pagbabanta ko at umiwas kaagad dahil ang sama talaga ng tingin saakin.



"Akira, let's go home." Seryosong sabi nya sa asawa pero hindi sya pinapansin nito. Napatingin tuloy ako sakanila para manood. "Akira-,"



"Shut up! Can't you see I'm eating? And please, don't touch me. Baka humawak ka nang maruming babae." Tumaas ang kilay ko at nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa. Wala akong maintindihan!



"What? What babae? Let's just go home-,"



"Akala mo yata hindi ko malalaman na may pa-bachelorette party sila sa'yo? And for sure there are a lot of sexy girls in there!" Masungit na sabi nya kay Cloud. My lips formed circle and slowly left the kitchen. Baka madamay pa ako.



Uminom lang ako doon habang hinihintay na matapos magbangayan yung dalawa sa kusina at nang matapos sila doon at nagkaayos lang din ay sinabi ni Akira na mauuna na sila. Umiikot na nga ang paningin ko habang nagpapaalam sila, eh. Sinabi din nyang may susundo daw doon sa mga kaibigan nya at ganoon nga ang nangyari.



Nang kami nalang apat nila Selena, Camila at Ariza ay napabuntong hininga ako bago hinanap ang number nila Blake at Vander para sunduin itong mga lasing na 'to. Hindi ko alam kung bakit si Blake pa ang tinawagan ko para sunduin si Selena, e wala naman sila. Whatever.



"The fuck? They are so wasted." Naiiling na sabi ni Vander habang nakatingin sa mga babaeng nakahiga na sa sahig. Binuhat nya na ang asawa nya at mabilis na nagpaalam.



"Hmm! Bakit 'to? Hoy, ibaba mo nga ako!" Nagpupumiglas si Selena mula sa pagkakabuhat sakanya ni Blake. "Bababa na ako!"



"Shut up! We're going now, Tiffany. Sure kang kaya mo pang umuwi mag-isa?" Tanong nya. Naniniguro. Tinawanan ko lang sya at tumango. Nagpaalam na sya at naglakad na paalis habang buhat buhat si Selena na nagpupumiglas.



"Hoy! Yung kaibigan ko, hoy! Tiffany! Halika na! Hoy, Fernandez, yung kaibigan ko! Hindi ko sya pwedeng iwan! Kawawa naman sya! Tiffany, halika na! Uuwi na tayo! Hoy ano ba?! Yung kaibigan ko, ayaw ko syang iwanan!"


Tumawa lang ako at tumayo para dalhin si Ariza sa kwarto nya pero nang tumayo ako ay bigla akong nahilo kaya napaupo ulit. Napasapo ako sa ulo ko at pumikit ng mariin.



"Shit." Sinubukan ko ulit tumayo at buti nalang dahil hindi na ako tumumba ulit. Inakay ko si Ariza papunta sa kwarto nya at ilang beses pa kami muntik matumba hanggang sa naihiga ko na sya sa kama. Inayos ko sya mula sa pagkakahiga bago lumabas para mag-ayos.



Runaway Wife (Varsity Boys Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang