CHAPTER 3

1 1 0
                                    

"Good morning Ms.Lexington.btw I'm Skyrim Spencer Reid,Rim for short"bungad ni Doc.Rim saakin pagkarating ko sa school.

"Good morning Doc.Rim.nga po pala Gail nalang po itawag niyo saakin huwag na pong Ms Lexington."Sabi ko rito dahil hindi ako sanay na tinatawag ako ng ganun.

"Ah okay Gail huwag mo na akong i-po nagmumukha akong matanda masyado."Sabi nito na agad kong ikinatawa oo nga naman hindi pa naman siya ganun katanda pero hindi naman kasi maiiwasan lalo na baka isipin niyang wala akong galang dahil hindi ko manlang siya masabihin ng simpleng po at opo.

"Nakakahiya naman po kasi doc.rim este rim pala hehehe."Sabi ko rito ng nahihiya.

"No, it's okay.ayaw ko lang naman kasi maisip mo yung sakit mo.ang gusto ko kasi yung maging masaya kayo na walang iniisip na kahit anong ikakasama ninyo."Saad nito habang nakangiti kaya hindi ko namamalayang nakangiti narin ako.

Busy kaming nag uusap ni Rim ng kung anong dapat at hindi ko dapat gawin ng may bigla bigla nalang may nanghila saakin palayo kaya agad ko naman itong tinignan kung sinong hinayupak ang bigla nalang ng hila eh alam naman niyang may kausap ang tao eh.

Pagtingin ko kung sino ang humila saakin walang iba kung hindi ang napaka moody kong kuya.asar naman ito agad agad nalang nanghihila Ang sakit pa ng pagkakahila niya eh kung siya hilahin ko ng ganito tignan nalang natin kung hindi siya masasaktan.masyadong papansin bat hindi nalang siya pumunta sa kausap niyang babae.

"Ano ba Kuya nasasaktan na ako kaya bitawan mo na ako.at bakit ka ba nanghihila bigla bigla eh alam mo namang may kausap ako eh."Galit kong sinabi sakaniya dahil ansakit talaga ng ginawa niyang paghila eh at nakakahiya rin kay doc. dahil agad agad ko nalang siyang iniwan si kuya kasi eh masyadong papansin tss..

"Siya ba ang dahilan kung bakit late kang umuwi kagabi at kung bakit hindi ka okay kagabi?"tanong nito saakin na ikinailing ko naman.

"Hindi kaya Kuya sadyang napagod lang ako sa paghahanap ng buko juice hehehe."pagpapa cute kong sabi rito.pasensya na Kuya dahil hindi ko pa kayang aminin sainyo ang  tungkol saaking sakit ayaw ko lang naman kayong mag alala at ayaw ko rin maging abala pa sainyo dahil kahit hindi niyo ipaalam sakin alam kong marami kayong problema.

"Jusko buko juice lang pala bakit hindi mo nalang sinabi saakin para ako nalang ang bibili hindi yung magpapagabi ka nang uwi para lang sa pesteng buko juice na yan."paninirmon sakin ni Kuya.

"Paano ko sasabihin kung masyado kang busy sa babaeng kausap mo hindi mo nga narinig yung sinabi ko yun pa kayang sasabihin kong gusto ko ng buko juice sinong niluluko mo."mahina kong sabi yung saktong ako lang talaga ang nakakarinig.

"May sinasabi ka ba Gail?"tanong nito habang naka taas ang kanyang isang kilay tss... Ulol nagmumukha kalang bakla sa ginagawa mong pagtaas ng kilay hindi mo yan ikina gwapo kuya kaya tahimik ka nalang at baka majumbag pa kita sa sobrang inis ko sayo.

"Kuya ang sinabi ko mauna kana sa room mo at baka malate ka pa ako nanaman sisihin mo eh wala naman akong ginawa Ikaw itong bigla bigla nalang nanghihila dyan."sabay balik kay Rim dahil may mahalaga pa kaming pinag uusapan ngunit bago pa ako makapag lakad pabalik agad nanaman niya akong hinila aba aba kanina pa ito ah.

"At saan ka nanaman pupunta aber.babalik ka nanaman ba sa mukhang unggoy na yun,mas mabuti pang pumasok kana dahil malapit ng magtime.tara hatid na kita baka kung saan ka pa pumunta."Sabi nito sabay hila ulit saakin papunta sa room namin.pansin ko lang bakit kanina pa niya ako hinihila may nakalagay ba sa noo ko na hilahin mo ako na siya lang ang nakakita nito.

"Ano ba Kuya kanina ka pa hila ng hila kaya ko naman maglakad ng hindi hinihila eh."sabi ko rito sabay alis tss... Gail huwag kang mastress dahil ikakasama mo yan huwag mo nalang pansinin ang kuya mong kumag dahil napasobra sa lambing ng  isang hali haliparot pfft..

Bago pa ako tuluyang mapagka malamang baliw dito mas mabuting tumuloy na ako sa room namin dahil 30 mins. Nalang time na ayaw ko pa namang malate ng dahil sa kuya kong kumag na bunot ang buhok at ang kakaisip sa haliparot na yun.

~

Saktong pagkarating ko sa loob ng aming room ay siya ring pagdating ng aming panot na professor siguro kung nakakabasa lang ng isip ang aming prof kanina pa ako pinalabas dahil sa mga pinagsasabi ko tungkol sa panot niyang ulo pwes nagsasabi lang naman ako ng totoo kaya tigil tigilan niya ko at baka tuluyan kong ubusin ang natitira niyang buhok.

Dahil sa mga kalukuhang naiisip ko hindi ko na namalayang tapos na pala ang first period namin kung hindi ko pa narinig ang malalim na boses.

"Good morning!,simula ngayon ako na  ang bago niyong prof dahil ang prof niyo sa math ay lumipat na sa ibang university at ang pangalan ko ay Skyrim Spencer Reid."Sabi nito.kaya sa gulat ko ay agad akong napatayo na ikina tingin lahat ng aking kaklase kaya agad naman akong nakaramdam ng hiya kaya agad akong napa upo.

Pagtingin ko kay Rim nakita ko itong napangiti ng palihim dahil sa biglaan kong pagtayo.shit bakit parang mas lalo siyang naging gwapo ngayon dahil sa ginawa niyang pagngiti.hindi naman sa ngayon ko lang siya nakitang ngumiti pero kakaiba talaga yung ngiti niya ngayon eh.

"Again Ms. Lexington."may gusto na ba ako sakanya kahit kakikilala ko palang...

"Class absent ba itong Lexington na ito?"wala naman siguro pero...

Gulat akong napatingin sa biglang bumulong sakin ah si Matt lang pala akala ko kung sino na.

"Bakit."tanong ko rito.

"Kanina ka pa tinatawag ni prof at mukhang sobrang lalim ng iniisip mo kaya Hindi mo narinig na tinatawag kana ng ating prof."Sabi nito kaya agad naman akong napatingin sa harap upang tignan kung totoo ba yung sinasabi niyang kanina pa ako tinatawag.

 

In Another Life Where stories live. Discover now