Chapter 1: Try me

1 0 0
                                    

Happy birthday to you!"
"Happy birthday ate Megan!"

Malakas ang hiyawan, sayawan, at kantahan ng mga taong nasa paligid. Lahat sila ay sabay-sabay na bumati sa aking kaarawan. Masigla ang gabi at puno ng pagmamahal na tila wala ng bukas. Gusto ko nalang tumigil ang oras at ganito nalang palagi.

Habang abala ang aking pamilya sa kasiyahan, may napansin akong tatlojng lalakeng naka black suit at para yatang papunta rito. Dahil sa aking pagtataka, sinundan ko sila ng tingin hanggang sa pumunta sila sa harapan ko.

"Nandito ba si Hernan?" tanong ng isang lalakeng naka salamin.

Hindi ako sumagot dala ng takot hanggang sa napansin ako ng aking ama at lumapit ito sa akin.

"Ano pong kailangan nila?" mausisang tanong ng aking ama.

"Ikaw ba si Hernan?" ulit na tanong ng lalaking naka salamin.

"Opo, ako po. Bakit ho?"

"Hernan. Ikaw ay naitukoy sa pagnanakaw ng mga baril at iba pang kagamitan sa mansion."

"P-Po? Wala akong alam diyan! Driver lang ako ng boss kaya hindi ako nakakapasok-" Agad tumunog ang malakas na putok ng baril kaya dahilan ng pagtayo ng aking ina't mga kapatid. Bigla akong tinutukan ng baril at agad naman akong tumakbo papalayo. Hindi pa ako nakakalayo nang makarinig ulit ako ng putok ng baril at biglang nag-iyakan ang aking mga kapatid. Na estatwa ako sa kinatatayuan ko at hindi alam ang gagawin nang marinig ko ang todo pagmamakaawa ng aking mga kapatid kasabay ng mga nagsisigawang kapitbahay. Tatakbo na sana ako pabalik nang may biglang humablot ng braso ko.

"Ano ba!" naiirita kong sabi.

"Kapag bumalik ka, lahat kayo mamamatay!" pagbabala ng lalaking kasing-edad ko lang ata.

"Kailangan kong bumalik! Yung pamilya ko-" Hindi na ako nakatapos sa aking sunod na sasabihin nang hinablot nya ulit yung braso ko palayo sa lugar.

Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa makalayo na kami sa lugar. Umupo kami sa may liblib na lugar at doon nagpalipas ng pagod.

Iyak lang ako ng iyak kapag naaalala ko ang mga pangyayari sa araw na ito. Tila parang binagsakan ako ng langit at lupa sa sobrang sakit na habang buhay kong dadalhin.

"Huwag kana umiyak." nag-aalalang sabi ng lalaki.

"Bakit? Palibhasa kasi hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko. Hindi mo maramdan kung gaano kasakit mawalan sa mismong kaarawan ko pa!" sagot ko habang patuloy lang sa pag-iyak.

Bigla akong napatigil sa pag-iyak nang bigla nya akong inabutan ng isang hugus bituin na kuwintas. Sa loob nito ay may nakasulat na "be strong" at sa palibot nito ay may nakaukit na mga bituin. Napakaganda ng kuwintas at kumikinang sa madilim na lugar.

"Kapag may problema ka, tingnan mo lang iyan. Bigay iyan ng lolo ko para daw maalala ko siya pag wala na siya. Ngayon, wala na siya kaya lagi ko iyang dala-dala pero mas may kailangan pa pala niyan kaysa sakin. Nakita kita kanina na parang wala sa sarili kaya gusto kitang tulungan. Nung marinig ko yung dahilan, naisip ko na ibigay iyan sayo." nakangiting sabi niya.

Tinitigan ko lang sya at tumigil na ako sa kakaiyak. Natuwa ako sa kabuting loob niya na kahit hindi kami magkakilala ay nagawa parin niya akong tulungan at nagkaroon ng malasakit sa'kin.

"Salamat, ah? Ano nga pala yung pangalan mo-" Biglang naputol ang aking tanong nang bigla kaming may narinig na mga naglalakad sa labas ng liblib na lugar. Tinakpan naman ng lalaki yung bibig ko at tila nagbabala na huwag akong maingay. Sinunod ko ang sinabi niya hanggang sa mawala na ang kalabog ng mga paa sa labas.

"Kailangan ko ng umalis. Pagkaalis ko, tumakas ka at humanap ka ng lugar na ligtas at siguraduhin mong malayo rito." bilin niya at agad naman siyang umalis.

"Hoy, Megan! Bangon na, Senyora!"

Nakaramdam ako ng init sa aking pisngi at unti-unti kong ibinuka ang aking mga mata. Naalimpungatan ako sa panaginip ko kagabi at para bang ginigising ako sa realidad.

"Megan! Ano? Mag re-resign kana ba sa trabaho mo? Mag aasawa kana ng mayamang 80 years old na afam?" sarkastikong tanong ng ka boarding ko.

Bigla niyang hinila ang mga paa ko at agad namang nabuhayan ang kaloob-looban ko. Agad naman akong bumangon at hinila ang buhok niya.

"Aray! Ikaw na nga yung ginising, ikaw pa yung galit. Bahala ka ngang ma late diyan." sabi niya sabay irap sa'kin.

"Ha? Anong oras na ba? Jessica! Ba't 'di moko ginising agad?" nataranta kong tanong habang nagmamadaling inihanda ang mga gamit ko.

"Ayan, ayan! Kaka panaginip mo 'yan sa prince charming mo!" pang-aasar ni Jessica.

Hmp! Palibhasa walang trabaho ngayon.

Agad na akong naligo at inayos ang sarili. Nakasuot ako ng simple white dress at black flat shoes. Itinali ko na ang buhok ko at agad agad ko namang kinuha ang bag ko.

Dumating na ako sa work ko at agad naman akong nagbihis ng uniporme ko.

Tinawag ako ng manager para ihatid sa mga room ang pagkain. Dali-dali naman akong tumungo at kinuha ang pagkain.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa room 202 at kinatok ang pintuan.  Pingbuksan na ako ng pintuan at nagpaalam na dumating na ang order. Dahan-dahan naman akong pumasok nang bigla siyang nagsindi ng sigarilyo. Hindi ko gusto ang amoy ng sigarilyo kaya bigla naman akong inubo ng malala hanggang sa nabitawan ko ang mga pagkaing dala-dala ko.

"What the fuck?" iritadong sabi niya habang tinititigan ako ng masama.

Nabasag ang plato't baso dala ng pagka agaw intensyon saakin ng ibang guests.

Bigla akong tumakbo palabas ng room dahil sa amoy ng sigarilyo na nasisinghot ko. Pagkalabas ko ay nakasalubong ko ang manager namin na titig na titig saakin.

"Ms. Arigalo! What have you done?" sigaw saakin ng manager sabay panlilisik ng mga mata nito.

"Sir, I didn't mean to. I just can't hold the cigarette." sagot ko na tila nagmamakaawa na paniwalaan ako.

"So, you're blaming me for your foolishness?" iritadong tanong ng guest saakin

"Sir, It's not like that-"

"I thought It's 5 star hotel? Why the room service's here are very stupid?" galit na sambit ng guest.

"I'm so sorry, Sir. Chin. I will make sure that it will not happen again." ani ng manager at bakas sa mukha ang pagka dismaya at takot nito.

"Come to my office! Now!" galit na utos ng manager saakin.


No one dared to mess up with me, Ms. Arigalo.

Stay with me, MeganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon