Kabanata 31

14.5K 322 61
                                    

Taste Of Agony

Kabanata 31


My baby boy. Drymon. Never had the chance to see what world was waiting for him. Hindi ko matanggap. Hindi ko maintindihan. Ni hindi ko man lang narinig ang iyak niya. Ni ang pagkakataon na makita ang ngiti niya, ipinagkait sa akin.

My eyes screamed in agony. The agony of losing my child makes me want to kill. Ang sakit. Ang sakit-sakit.

They tried to revive my son, but they couldn't anymore. It was an agonizing scene. My baby boy, wrapped in a blanket, lying next to her crying sister. He remained silent, with his closed eyes, and pretended to be asleep. But the truth is, he's already an angel.

The image of my two babies in that state devastated me. I prayed that my baby Drymon would wake up by the cries of his sister. Paulit-ulit kong ipinagdasal na sana, ikagising niya ang matitinis at patuloy na iyak ng kambal niya. Na sana, sabay silang umiyak.

But it did not come. No matter how I pray for that miracle. Hindi Niya ba ako pakikinggan? Hindi ba Siya maaawa sa anak kong ipinagkait kaagad sa akin?

Bakit ako? I know I can be a good mother to my twins! Hindi pwedeng ipagdamot sa akin ang anak ko!

"I-I can't accept this. B-Bakit ganito..." humagulgol ako ng iyak habang niyayakap ang walang buhay kong anak. "Baby, please, wake up! Mama is here!"

Hindi matigil ang pagtangis ko habang inaalo ako ni Dym na umiiyak din. He hugged me from the back, trying to calm me. Pero walang kahit ano, kahit sino, ano pa man ang magpapakalma sa nararamdamang sakit.

"Yash... it's been an hour. Kailangan muna nating lumabas. You still need to regain strength."

Ayokong makinig sa kahit anong sasabihin ng iba kahit pa nilalamurit na ako ng sakit mapaloob man o mapalabas. Walang-wala ang sakit na nararamdaman ng katawan ko kumpara sa anak kong pilit kong binubulungan na bumalik sa akin.

I kissed his cheek and brushed his hand against my wet face. I called his name hundred times in whispers and screams. Baka sakaling marinig niya. Maybe my child will listen to me. Maybe he'll listen to me because I'm his Mama.

I lost my baby. I lost my son.

My baby Demily was put in a baby incubator because of my early delivery. She's premature. Kulang siya ng dalawang linggo. She needs extra support for full development. Lahat ng pangyayari ay nakalulugmok.

It took a long time before I decided to visit Demily in the neonatal intensive care unit where she is being monitored. Bawat hakbang ko, nais akong ihatid nito pabalik sa tahimik na kuwarto kung nasaan ang anak kong si Drymon.

Pagkalabas namin ni Dym ng kuwarto, sinalubong agad ako ng dalawang kaibigan at pinagyayayakap. They didn't say anything, but I could feel what they wanted to say. They were trying to stifle their sobs.

"I'll stay here. I'll stay with our son." Dym said softly and wiped his tears. "Xine, Ice, pakihatid si Yasha sa kuwarto ni Demily, please."

My heart is crushing. Nakakabingi ang bawat pangyayari. Para akong mababaliw ano mang sandali.

The only thing that strengthens me is my daughter Demily. When I saw Demily sleeping peacefully inside the incubator, it only made me cry harder. She looks so much like her twin.

Hindi ko mamalay-malayan ang oras. Dumadaan ang araw na puro na lang sakit. All I feel is pure acidic pain. Preparing Drymon's wake is like burning flame within my soul. Walang kapantay ang sakit na nararamdaman ko. Even though he's already inside the white small baby casket, I'm still praying hoping for a miracle. Give back the life of my son, please.

Taste Of Agony (Chaotic Series #2)Where stories live. Discover now