35

69 5 7
                                    

c o s m i c   c r u s h

35

iMessage
SAT • 10:10 PM


Tatay:

Lio, siguraduhin mong may kumot at unan si Tricia ah? Sa sofa ka na lang matulog.. Paki-check din 'yung aircon baka sobrang lamig na diyan.. Mukhang sakitin pa naman 'yang batang 'yan.

Cecilio:

Ako na ho ang bahala sa kaniya, Tay.

Tatay:

Anak talaga kita. Haha.. Pala-desisyon ka sa buhay..

Alam kong alam mo naman ito, pero umayos ka diyan, Lio. Ang mga babae, dapat nirerespeto. Consent is important.. Huwag ka ring mantsansing. Kanina pa kita nakikitang hawak nang hawak kay Tricia..

Cecilio:

Tay, inaalalayan ko lang po siya. Wala naman 'yung malisya.

Tatay:

Aysus. Kulang na lang itago mo siya sa akin. Hindi ko naman siya aagawin sayo..

Cecilio:

Alam niyo naman pong may crush siya sa 'yo noon, 'di ba? Sinisigurado ko lang po.

Tatay:

Sinisiguradong sayo lang siya?

Cecilio: 

Hindi naman po sa gano'n.

Tatay:

Hay, Lio. Ako ang nagpalaki sayo kaya kilala na kita.. Ngayon ko lang nakitang naging ganito ka sa isang babae. Dati si Marie Curie at ang nanay mo lang ang babae sa buhay mo..

No offense pero akala ko may kung ano sa inyo ni Isaac. Lagi kasi kayong naghaharutan..

Cecilio:

Clingy lang talaga si Isaac, Tay. Alam mo namang only child 'yun.

Sige na. Pinagbibintangan na ako rito ni Tricia na nagte-text sa girlfriend ko para ipaliwanag ang sitwasyon namin ngayon. Akala ata niya girlfriend ko si Cassidy.

Tatay:

Sige, good night. I trust you, anak. Love you..

Cecilio:

Good night, Tay. I love you.

Read: 10:14 PM

Cosmic CrushWhere stories live. Discover now