Chapter 11: Illusion Manipulator

1 1 0
                                    


Liam POV:

Woah! Ang lakas naman ng tama nito?

"Nagpapatawa ba siya? Illusion Manipulator yung kaharap niya!" Gia. Napabuntong hininga nalang ako.

Lalapit na sana si Prisha pero pinigilan siya ni Driel.

"Let her be." Tatlong salita pero nakaka goosebumps. Tumango naman si Prisha at walang nagawa.

Napalingon ulit kami sa harap nang tumawa ng malakas si Eunice. Baliw ang isang to.

"Anong laban ng Light mo sa Illusion ko?" Nang-aasat ang boses nito pero ngumiti lang si Kiyah.

Ano bang nasa isip nito at hindi ko matuloy kung anong susunod niyang gagawin.

"Hirap niyang basahin" napatingin kami kay Lucas nung magsalita siya. Sabay sabay kaming tumango maliban kay Lider na nakafocus sa harap.

"Anong ngingiti- ngiti mo jan?" Looks like nababaliktad ang nangyayari. Si Eujice ang nang-aasad pero siya ang naasar. Feisty Akiyah.

"Wala naman. Clown ka talaga Grr ang galing mong magpatawa" saka tumalikod ito. Gumawa ng Illusion Ball si Eunice at ipinatama ito kay Kiyah.

"Kiyah!!" Sabay sabay naming sigaw pero ngumisi lang ito samin. Kasi papunta siya sa direksyon namin. Kinalibutan ako sa ngisi niya.

Nakita kong palalapit na ang Illusion Ball sakanya pero bigla itong nawala!

"Not her." Isang malamig na boses galing sa pinto. Pagtingin namin si Vander na matalim ang titig. Ngumiti samin si Kiyah bago tumalikod.

"Well Perks of being a slut" ramdam kong nakangisi si Kiyah nung binanggit iyun. To tell you the truth d naman siya malandi. Nagbabangayan pa nga yung dalawang yan eh, and for Driel malandi talaga. Atleast kay Driel lang nalandi

"Tsk Slut!" sigaw ni Eunice at nagtapon ulit ng Illusion ball. This time mas malaki

Pero nakaiwas si kiyah kaya sa direksyon namin napunta. Kami ang tatamaan!

Buti nalang mabilis si Driel at gumawa agad ng shield. Nakahinga naman kami ng maluwag at sinamaan ng tingin si Kiyah na nakapeace sign samin ngayon.

"Tsk" sabay sabay naming sabi. Ngumiti naman siya samin at humarap kay Eunice.

"You know what, clown face? Magtutuos din naman tayo. Hindi nga lang ngayon kasi Prohibited yun, yo know?" Pft. Clown face. Iba ka talaga, kiyah.

Parang sasabog naman na ang mukha nung clown~ i mean Eunice.

"Enough." Nagsalita si Driel kaya napatahimik kaming lahat, maliban kay Kiyah na nakangiti lang. Lakas talaga ng amats ng babaeng to.

Pero nagulat kami ng may paparating na Illusion Ball kay Kiyah. Hindi niya ito napansin kaya tumilapon ito, hindi nga ba?

Vander POV:

"Akiyah!" sigaw ko nang makitang tumilapon ang kapatid ko. Kahit naman nagbabangayan kami ay hindi ko siya hinahayaang masaktan.

Pero i know may mali. Alam kong sinadya niyang magpatama at calculated na nito ang susunod na gagawin ni Eunice

Knowing Akiyah, kahit kapatid ko ito ay may hindi din ito sinasabi sakin at sinasari. Minsan hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isip nito, magulat ka nalang kung may mangyarig di maganda dahil sa pasaway na ito. Talas ng isip

Lumapit agad ako sakanya at nakitang nakangiti parin ito kay umubo na siya ng dugo. Pinitik ko ang noo nito kaya napanguso siya.

"Aray naman, kuya" mahina niyang sabi.

"Kulit mo talaga kahit kelan." Saad ko. Ngumiti lang ito at papikit pikit.

"Ikaw na bahala sakanya, Frog face" abat!

Bago pa ako magsalita pumikit na ito. Pag nagising ka sakin

Malamig akong tumingin kay Eunice na nakangisi ngayon.

"I said not her." Malamig kong sabi. Napansin kong natakot ito pero pinilit paring ngumiti.

"Nilalandi ka niya, Immortal Vander at pati si Immortal Andriel. She's a slut!" Takot niyang sabi kahit nakangiti.

"Slut ha!" Seryoso kong sabi at nagteleport sa likod niya. Patago akong nagsummon ng dagger at nilagay ito malapit sa leeg niya.

"Who's the slut? Hm?" Walang emosyon kong tanong. Ramdam ko ang nginig niya pero wala akong pake. Ngunit sa nginit niyang yun nakuha niya paring magsalita.

"S-si a-akiyah~aw!" Bumango ang dagger sa leeg niya. Hindi naman malalim masyado lang siyang oa.

Prisha POV:

Nagseselos bako? Oo nagseselos ako. Pero kahit ako magagalit kung sinabihang malandi si Kiyah kasi hindi naman.

"She's not a slut." Seryosong sabi ni Vander. Lahat kami ay natatakot sa awra niya maliban kay Driel na tahimik lang na nanonood. Pansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa baso.

"She is!" Sigaw ni Eunice. Napatili ito nang mas bumaon ang dagger ni Vander na hindi namin mawari kung saan galing. Mas lalo lamang siyang masasaktan.

"She's not a slut. She's my~" hindi na natuloy ang sasabihin ni Vander ng may biglang bumukas ang pinto at may pumasok na babae.

Sino siya?

"What a scene!" Pumalakpak pa ito. Sa presence niya ay alam mong malakas ito.

"Sino ka?" Malakas na loob kong tanong. Ngumisi naman ito ng nakakakilabot.

"Secret no clue." Tumingin ito kay Vander saka samin. Tinakpan namin si Kiyah upang hindi siya nito makita.

"I'll see you soon, Immortals. Hanggang sa muli" saka ito naging ibon na kulay itim at lumipad. Demon Realm!

Pano nakapasok ang isang Demon realm dito. Mukhang ang immortals ang ipinunta niya dito. Nagsisimula na ba sila?

~~~
Ciao

7-26-22

Runaway Where stories live. Discover now