Kabanata 11

6.9K 198 12
                                    


Kabanata 11


Nahilot ko na lang ang sintido ko nang sa pangatlong bilang ko sa perang ibabayad ko ng tuition ay talagang short pa ng dalawang libo. Napahiram na ako nina Rizza, pero dahil short din talaga ang budget nila at kailangan pa nilang magbayad ng renta, hindi na nila kayang dagdagan ang pambayad ko.

"Miss, baka pwedeng balik ka na lang sa pila kung okay na. Ang dami pa kasing naghihintay," the cashier politely asked.

Napabuntong hininga ako nang makita ang mahabang linya ng mga estudyanteng naiirita na kahihintay na umusad ang pila. Sa hiya ay kinuha ko ulit lahat at umalis na lamang sa harap ng kahera. 

Kylie walked towards me with a worried look on her face. "Hindi talaga pumayag?"

I shook my head and accepted the cup of coffee she bought for me in the cafeteria. "Hindi, eh. May tatlong record na kasi na nakiusap ako."

"Bakit hindi ka muna humiram kay Zon?" suhestyon niya habang naglalakad kami palabas ng building.

"Hindi pwede, Kylie. Siya na ang sumasagot sa lahat ng gastusin namin. Pinagkakasya niya lang ang savings na naiwan ng mommy niya sa kanya. Nagbayad pa siya ng condo para hindi na namin problema."

Sumimsim siya sa kanyang tig-sampung pisong kape at tila nag-isip. "Kay Gavin na lang. Icha-chat ko."

Agad akong tumutol. "Nakakahiya. Hindi ko na nga nire-reply-an tapos manghihiram ako."

I stopped chatting Gavin when he found out that ate Adri and I had a fight. Siguro ay nasabi ni ate sa kanya na umalis na ako roon kaya panay ang tanong niya kung ayos lang ba ako. 

Kylie didn't listen. Huli na nang makita kong na-chat niya na si Gavin para sabihing kulang ang pambayad ko ng tuition.

"Kylie!" I sighed. "Sabing h'wag, eh."

"Ano ka ba, Audrey? Ano bang mas mahalaga sayo ngayon? Ang maka-exam ka o ang pride mo? Hindi ka naman matitiis ni Gavin."

Iyon na nga ang problema. Hindi niya ako matitiis, at siguradong kung magkikita kami dahil pahihiraman niya ako ng kulang, tatanungin niya ako kung bakit ako umalis sa bahay. 

Kylie showed me the screen of her phone when Gavin replied. Pumayag ito at sinabing kitain ko siya sa coffee shop sa labas ng university after fifteen minutes. Nang sabihin niyang papunta na siya ay wala na rin akong nagawa pa. 

Kahit na nahihiya ako ay nagpunta ako sa coffee shop na tinutukoy niya. Hindi na ako nasamahan ni Kylie dahil kailangan niya pang samahan ang groupmates niya sa isa naming project. 

The air conditioner of the coffee shop soothed my body. Ang init ngayon ng panahon kaya halos puno ang coffee shop, siguro ay para magpalamig. How ironic that Kylie bought us coffee earlier. Siguro ay dahil alam niyang iyon ang pampatanggal ko ng stress.

I tried to search for Gavin inside the shop full of people. Nang makita ko siyang nakataas ang kamay sa dulo at tinatawag ako ay sandali akong lumunok. I fixed the strap of my bag hanging on my shoulder before I took my steps towards him. Tumayo naman siya't pinaghila ako ng upuan.

"Thank you," nahihiya kong sabi nang makaupo. 

Gavin smiled a little before he called the waitress to order me something. Tatanggi sana ako dahil alam ko namang may kamahalan ang presyo rito kaya lang ay hindi ko siya napigilan. 

Nang makaalis ang waitress na kumuha ng order ay bumuntong hininga siya. "Care to share what happened?"

Umiwas ako ng tingin. "Nasabi na sayo ni ate Adri, 'di ba?"

"Hindi siya ang nagsabi. Hindi na ako kinakausap ng ate mo." Sumandal siya sa kinauupuan. His fingers tapped on the table while he kept his gaze on me. "Si Adler ang nagsabi. He's hoping I could convince you to go home. Nag-aalala siya sa inyo ng ate Adri mo."

I sighed. "Kailangan ko lang talagang umalis na muna."

"Totoo ba ang sinabi ni Adler, Audrey? May... boyfriend ka na ulit?"

Nahihiya kong inangat ang aking ulo para salubungin ang tingin niya. I know it's going to be unfair for him and Zon if I will deny that I am in a relationship right now. Ayaw ko ring isipin ni Zon na kinahihiya ko siya. Besides, Gavin deserves my honesty because he never did me wrong.

I gathered my courage and nodded in response. "He's going through some tough times right now at kailangan niya ako sa tabi niya, Gavin. I'm sorry kung hindi ko na matupad ang pinag-usapan natin."

Pumungay ang mga mata niya kasabay ng pagod na ngiti. "Ayos lang. Na-realize ko rin na... siguro hindi talaga tayo para sa isa't isa. Tutal na-brought up na rin naman ang tungkol sa napag-usapan natin noon, gusto ko na ring maging honest." He drew in one hell of a breath. "Gusto ko si Adriana, Audrey. Gustong-gusto ko siya."

Napatitig ako kay Gavin, hindi dahil tutol ako kun'di dahil kahit na may hinala na ako ay hindi ko pa rin naiwasang magulat. 

"Pero mas matanda si ate Adri sayo ng six years, Gavin." I leaned on the table. "Hindi ko kayo hinuhusgahan pero... kilala ko ang ate ko."

"Alam ko naman pero..." His adam's apple bobbed up and down. "Wala, eh. I can't get her out of my mind kaya kahit na anong tulak niya sa'kin palayo, pasensya na, Audrey but I really wanna pursue her. Sana... ayos lang sayo."

Gaya ng sabi ko, hindi naman ako tututol. Kaya lang ay talagang inaalala ko ang ate ko. I don't think she'd entertain Gavin at all. Her exes were way older than her, at hindi ko pa siya nakitang nagkaroon ng interes sa mas bata sa kanya. Not to mention that Gavin and I used to be together. That will surely feel awkward for her.

"Hindi naman sa ayaw ko, Gavin. Iniisip ko lang na baka mahirapan ka kay ate Adri."

He forced a smile. "Kaya ko naman magtyaga. Anyway, itong Zon ba, tinatrato ka ba nang maayos?"

I nodded. "He's a good man who's going through something hard right now, pero naniniwala akong makakabangon din siya."

"Sana nga tinatrato ka nang maayos. I've heard a lot of things about him, kaya no'ng makita kong parang may namamagitan sa inyo, chinat ko. Don't get me wrong. I'm just looking after you, Audrey. Hindi naman panget ang break up natin. We're mostly friends in the entirety of our relationship so I hope I didn't offend you when I tried to warn him. Ayaw ko lang na may mananakit sayo samantalang iningatan kita nang husto."

Nakaramdam ng init ang aking puso. Hindi dahil sa gusto ko pa si Gavin, kun'di dahil ramdam ko ang sincerity niya. 

I smiled. "Thank you, but I promise you that Zon is a great person."

Gavin jerked his head. Nang dumating ang order niya ay wala na akong nagawa kun'di ang kumain. Bumwelo rin muna ako bago ko kinumusta ang ate ko. 

"She's not okay to be honest. Noong pinuntahan ko no'ng nakaraan pagkatapos kong malamang nag-move out ka na, namamaga pa ang mata. Sabi ni Adler 'di rin daw nakakakain nang maayos." Gavin sighed. "Sana kung may nasabi siya sayo, intindihin mo na lang. Sa ating dalawa, mas alam mo ang mga sakripisyo ng ate mo. She was only eighteen when she was forced to take your parents' responsibilities. Hindi ko sinasabi para maramdaman mong sinusumbatan ka. Ang gusto ko lang ipaintindi, your sister had a choice to just mind her own life, but she stepped up and refused to give her siblings away because she loves you and Adler so much."

Uminit ang sulok ng mga mata ko. "Alam ko naman 'yon at nagsisisi rin ako sa mga nasabi ko. Kaya lang talagang kailangan ako ngayon ni Zon kaya kung kaya mong pasayahin muna ang ate ko habang sinasamahan ko ngayon si Zon, tatanawin kong malaking utang na loob."

Tinapik niya ako sa balikat. "Don't worry about it," he said before pulling out his wallet. Pasimple niyang iniabot sa akin ang limang libong piso, ngunit nang makuha ko ang pera ay napatingin ako sa direksyon ng pinto matapos marahas na sumara iyon.

My eyes widened when I saw the man who just walked out of the cafe, and when he looked back at my direction with jealousy sketched on his darkened face, I almost dropped the spoon I was holding. 

Zon...

VOW SERIES #1: The Vows We Made (Epilogue Is Exclusive In The VIP Group)Where stories live. Discover now