14

76 9 3
                                    

Nandito na kami sa bahay ng albularyo na sinasabi ni Ali. Kasama ko silang tatlo, nag skip kami para lang dito, sana hindi malaman ni mama itong pinanggagagawa ko.

Kumatok na si Ali sa pintuan nito. Agad naman itong bumukas, lumabas ang medyo may katandaang babae. May bandana itong pula sa noo at mga kwentas na mula sa mga ngipin ng mga hayop. Nakakatakot' siya.

"Ah, magandang umaga Aling Mari nandito po---" Naputol ang sasabihin ni Ali ng magsalita ang babaeng albularyo na ngayon ay naka tingin saakin.

"Alam ko ang pinunta ninyo dito. Halika kayo pumasok kayo." Nagdadalawang isip pako kung papasok bako. Parang may pumupigil saakin.

Hinila nako ni Vibian papasok. Medyo madilim at puro kandila ang tumambad saamin. Napalunok pako dahil sa mga nakakatakot' na naka sabit sa dingding.

Umupo ito at ganun din kami. Kaharap namin siya ngayon sa isang bilog namesa.

"Hindi basta-basta ang kaaway mo iha," Agad na sabi nito habang nasaakin parin ang mga tingin.

"P-po?" Takang tanong ko.

"Malapit niya ng makuha ang gusto niya sayo. Kailangan mo siyang pigilan." Napakunot ang noo ko.

Sinong niya? At sinong pipigilan ko?

"Akin na ang kamay mo..." Sinunod ko naman siya at inilapit ang kamay ko.
Hinawakan niya ito kaagad at pumikit. Nagkatinginan lang kami nila Vibian at Ali.

"Baka mamaya fake pala yan Ali, malalagot ka saakin." Bulong ni Vibian.

"Tumahimik ka nalang, baka gusto mong ipakulam kita." Bulong naman ni Ali.

Sinamaan ko sila ng tingin. Bigla naman silang tumahimik. Biglang natakot kami dahil nanginig ang Babae. Pilit kong kinukuha ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya,

"A-aling Mari? Okay lang p-po ba kayo?" tanong ni Ali. Pero hindi sumagot ang babae. Nagtaka naman kami. Anong nangyayari sa kanya?

Huminto na ito sa panginginig. At agad na tumingin saakin. Halos lamunin ako ng takot ng makita ko ang muka niya na malapit saaakin. Nakakatakot' talaga. Gusto ko na umuwi.

"Labing tatlong buhay.. kapalit ng iyong katawan.... Babalik siya sa lupa at ikaw ang magiging tulay." mahinang saad nito,

Huh? Ano daw?

"Hindi ko po kayo maintindihan," Sabi ko at kinuha ang mga kamay ko sa kanya.

"Kailangan mong wasakin ang salamin at kunin ang nararapat na sa iyo."

Seryoso na itong naka tingin saakin. Salamin? Anong salamin ang sisirain ko? Naguguluhan ako.

Pag balik namin sa sa school lutang parin ako. Diko talaga maintindihan ang sinabi ng Albularyo nayun. Anong buhay at salamin? Sinong siya? Feeling ko talaga lalayasan nako ng mga brain cells ko.

Litong-lito at gulong-gulo nako. Bakit ba hindi ko maintindihan ang mga nangyayari?

Mya kumalabit saakin. Si Vibian pala,

"Wag mo na munang isipin yun. Baka mapagalitan ka ni ma'am. Naka tingin siya sayo ohh.." ngumuso siya at tumuro sa harapan.

Napatingin naman ako sa prof namin na nag didiscuss sa unahan. Naka tingin nga siya saakin habang naka taas ng kilay nito. Napakagat ako ng labi at yumuko. Naka tulala na pala ako, mabuti nalang at sinabihan ako ni Vibian.

Pag uwi ko ng bahay naabutan ko si mama na nagluluto. Medyo late nako naka uwi dahil kumuha pako ng special exam kanina. Sa dami nun halos tumirik ang mata ko sa kakabasa at kakaisip ng sagot.

THE INNOCENT AND DEADLY Aurora ( Under Editing) Where stories live. Discover now