Chapter 1

97 4 0
                                    

THE darkness filled the surroundings, the stars and the moon serves as my light as I roamed my eyes in the place where I grow up to.

I sighed as I take one last glance at our home and promise myself that when I step into this province again, I can prove to my family that I can do better than they imagined.

“Au Revoir, La Esperanza,” I whispered as I turned my back and started to walk, away from my hometown.

The noisy vehicles welcomed my ears when the bus that I ride stopped. I sighed, I don't know where to start for it's my first to be here, alone. Even though I've been here a lot of times pero may kasama ako noon, ang pamilya ko. Nilibot ko ang aking paningin, busy ang mga tao sa kaniya-kaniya nilang mga ginagawa. Ang mga kasabay ko sa bus ay masayang bumaba para salubungin ang kanilang pamilya o kaibigan. A frown formed on my lips.

“Panindigan mo ang iyong desisyon, Athena, ginusto mo 'to,” pagkausap ko sa sarili.

Bumaba ako sa Bus at sinalubong ako mainit na hangin ng bayan na kasalungat sa hangin ng probinsiya. Pinakawalan ko ang isang buntong-hininga bago sinimulan ang paghakbang bitbit ang mabigat kong bag. Napag desisyonan ko munang mag almusal sa isang karinderya dahil gutom na rin ako.

“Kakain ka, Inday?” nakangiting tanong sa akin ni Ate. Siya ata ang serbidora nitong kainan.

“Opo, Ate,” I answered and smiled at her too. Giniya niya ako sa isang upuan pagkatapos ko makapagpili ng aking order.

Nagpasalamat ako bago niya ako iwan para maasikaso ang napili kong pagkain.

I saw a newspaper on the table. Binasa ko ito habang naghihintay sa pagkain. Napako ang tingin ko sa nakalagay na Wanted, hindi criminal ang hanap ha, kundi secretary. I smiled, ang tadhana nga naman talagang umaayon sa'kin.

“Ito na ang pagkain mo, Inday,” nakangiting saad ni Ate. Nagpasalamat ako sa kanya.

“Ate, may alam po kayong apartment na malapit sa Austria's Hotel,” nagbabasakaling tanong ko sa kanya. Nakita niyang binabasa ko ang News Paper.

“Bakit, Inday? Mag a-apply ka rin ng secretary? Nag apply 'yung pamangkin ko kahapon pero hindi natanggap. Mapili ra 'yung CEO, naghahanap ng yunik na sagot,” kwento ni Ate na nagpakunot ng noo ko. May pa unique-unique pa pala, eh wala akong alam sa gan'yan.

“Talaga, po?” nawalan ng pag-asa kong sambit.

“Bata pa kasi 'yon, Inday. Gwapo rin kaya maraming sumubok mag apply pero umuuwing bigo. Pero subukan mo lang, Inday. Baka tanggap ka kase gwapa ka man. Maganda rin ang pamangkin ko pero mas lamang ka ng ilang ligo,” biro ni ate na nagpatawa sa akin at nahihiyang nagpasalamat sa kaniya. Umalis si ate nang may dumating na ibang customer kaya sinimulan ko na ring kumain.

However, I'm getting curious about the CEO, nag-uunahan mga scenario sa aking isip. Imahinasyon na malabong mangyari... 'Yong tipong magkakagusto kami sa isa't-isa, magpapakasal, at magkaka-anak. Hay...

Nagising ako sa aking imahinasyon nang may pumitik sa noo ko.

“Sorry, Inday. Kanina pa kita tinatawag pero wala kang kibo kaya napitik kita. Ang lalim no'n ah, baka hubo na si Sir CEO sa isip mo,” humahagikhik na saad ni Ate na nagpapula ng pisngi ko.

“Ate naman...” nahihiyang saad habang inabot ang bayad. Tumawa siya at binigyan niya ako ng papel kaya naguguluhan ko itong tinanggap, nakita niya siguro ito kaya tumawa ulit siya.

“Tinawagan ko ang kaibigan ko at ang sabi niya may isa pang bakanteng apartment. Ang address ay nakalagay d'yan sa papel,” sabi nito na nagpangiti sa'kin.

“Maraming salamat po, Ate...” I said feeling delighted.

“Ako si Rassia at walang anuman. Good luck, ha!  Bumalik ka rito kung natanggap ka, bigyan kita ng free pansit!” masiglang saad ni Ate.

“Ako po si Athena. Salamat po talaga, Ate Rassia. Gagalingan ko po para makakain ako ng libreng pansit niyo po!” I cheerfully said.

Pumunta ako sa binigay na address ni Ate Rassia. The apartment is small yet it's fine for one person. Kumpleto ito kahit maliit. May isang kwarto, kitchen, CR, at may mallit na sala. Malinis ito at wala pang masyadong gamit kaya napag-isipan kong bumili, malapit lang naman ang mall at maaga pa naman.

Naging busy ako sa buong araw kaya pagod na pagod ako at gusto ko ng matulog. Nilibot ko ang paningin ko sa aking apartment at masaya ako sa kinahinatnan nito. May dalawang sofa at isang maliit na TV, bumili rin ako ng isang painting, ang ganda kasi kaya kahit nagtitipid ay napabili ako. Bumili rin ako ng kama at wall fan, ang init kasi kanina nang makarating ako rito. Kulang pa ng gamit pero malapit nang maubos ang ipon ko. I sighed, sana matanggap ako bukas.

After I take a half bath, I felt fresh but tiredness is consuming my energy. This will be the first time that I'm away from my family. I sighed, I missed them but I already decided, I can prove them better. I sighed, I said my prayer then I lay in my bed. 

I hope tomorrow will be a great day.

Completely Destroyed Where stories live. Discover now