It's a lousy Monday, naging napaka lungkot ng maghapon kay Saree , hanggang pag uwi ng bahay ay
ganoon pa rin ang pakiramdam nya , Hindi nga niya pansin ang asawa na nandoon pala , at pinagluluto
sila ng hapunan , masaya sana ang tahanan nila , masaya rin sana ang mga bata ..... Pero para sa kanya ,
wala nang saysay , kung nandito man ang asawa o wala !
***********For a couple of days ay walang kibo si Saree sa opisina , patingin tingin lang sya kila Ging , Arlene at
Raquel , tuwing nagtatawanan o nagbibiruan , " Ate Saree , sobra ka naman mag – emote sa pagkawala
ni Sir Bob , halatang –halata ka . " ang natatawangn si Raquel na naman ang pumukaw sa kanyang
pag mumuni – muni , Tumingin lang sa kanya si Saree at nagpatuloy sa kanyang ginagawa , wari'y may
malalim na iniisip.
Lunch break ----- nauna nang umakyat si Saree sa opisina after a quick lunch , Sinilip nya muna ang
opisina ni Sir Albert , sakto nandoon ito , usually ay dito na kumakain ng lunch si Mr. Rivera sa office .
Pagkuwa'y marahan syang lumapit , " Sir , excuse me po ... naabala ko po ba yung lunch nyo ?
Waring nagulat pa si Sir Albert , at napalingon bigla sa kanya habang umiinom ng tubig , " O, Hija anong
problema ? " nakangiti ito sa kanya , " Ah , Sir itatanong ko lang sana kung alam nyo yung landline
number ni Sir Bobbby ? " tumingin muna ito ng matagal sa kanya ... , nagpatuloy ng pagsasalita si Saree
" Kasi po Sir , meron lang akong concern , importante lang, kasi yung Master list ng Meter numbers ng
Angono at Binangonan Rizal area , hindi ko Sir makita sa desk nya ... Ayoko Sir tanungin si Cristy , ang
sungit Sir . " " Alam mo Hija , bawal yon eh , yung ibigay ko sa iyo yung landline nila Bobby , masyadong
personal , kung gusto mo ako nalang ang kukuha ng mga DATA kay Cristy, " waring nag aalalang sabi ni
Mr. Albert Rivera , "Okay po Sir, naiintindihan ko, sige po , punta na ako sa desk ko . " ------- teka Hija.
may itatanong lang ako" pahabol na sabi ni Sir Albert , " wala ka bang number ng cell phone ni Bobby ?
WAla po akong cell phone Sir , can't afford , maliit lang naman ang sweldo ko , may tatlo pa akong anak na
nag –aaral . " waring nangingiting sabi ni Saree, " Bakit , ang asawa mo nasaan ? " Single Mom po ako
nakangiting sabi nya , " Nakalagay sa Resume' mo , married ka ? " nakatawang sabi ni Sir Albert ,
matagal na nawalan ng kibo si Saree , " I'm Sorry Hija , masyado na yata akong personal mag tanong ,
muling nakatawang sabi nito. Pagkuwa'y may inabot sa kanyang kulay puting papel, nakasulat doon ang
landline number ni Bobby , " O Ayan, Hija, hindi kita matanggihan . " nakangiting sabi sa kanya . Nanlaki
ang mga mata ni Saree sa tuwa , sabay sabing " Sir Albert Thank you po talaga , " sabay talikod
papuntang mesa nya . Ang totoo nyan , naka off ang cell phone ni Bobby kaya hindi nya makontak
At alam ni Sir Albert kung ano ang totoong pakay nya kay Bobby , mabait lang talaga ito sa kanya .
Nang gabing yon , matapos nyang asikasuhin ang mga anak sa hapunan ay nagpunta na sya sa kumare
nya , " Mareng Liza , good evening maki- gamit sana ako ng telepono , may importante lang akong
tatawagan ... " " Sige mars halika, pasok ka .. andito ako sa kusina . Pagka upo ni Saree sa salas ay
dinampot na nya ang telepono , habang nag da – dial sya ay nagtanong ang kumare nya , " Mare andyan
si Pareng Jun ah , himala naman , dalawang araw nang hindi umaalis ng bahay mo " habang abala ito sa
kusina , Hindi sumagot si Saree , waring gusto nyang ibahin ang usapan . ... " Mareng Liza , ano ba yang
pinagkaka - abalahan mo , sobrang busy ang kusina mo ah, " lumingon sa kanya si Liza , " Ay naku ,
marami akong pa order na Longganisa at Embutido mare. " Maya – maya ay nag " ring " ang telepono
sa kabilang linya , sumenyas sya kay Liza na may kakausapin na sya sa telepono ,
" HELLO " pamilyar ang boses na yon kay Saree, it's a good thing , si Bobby na ang nakasagot ng phone.
" Hello Bob, I miss you . waring nagulat si Bobby sa kabilang linya , naklala rin ang boses nya ,
" Paano mo nalaman ang number ko ? " sa mahinang boses nito na kinakabahan .... " Hindi na
Importante yon , may sasabihin pa sana si Saree , pero pinutol ni Bobby " katabi ko sya , katabi ko sya "
mahinang boses ni Bobby , " sige na , sa Monday papasok na ako sa opisina , magkikita na tayo. " then
he clicked- off the phone , Sa malungkot na mukha ni Saree ay mababanaag ang selos na nararamdaman
nya . Matagal syang nakatulala , waring nakadama sya ng awa sa sarili , " mas mahal nya si Lolly, mas
priority. ... Pinipigilan nyang maiyak , baka makahalata ang kumare nya . (May pagka - chismosa pa naman to' 😪🤭 ) Pagkuwa'y , " Mare uuwi na ako ,
Thank you ha " dumukwang mula sa kusina si Liza , " sige Mars ,. Hindi ko maiwanan itong niluluto ko eh .
********************
Yung lungkot at disappointment nya kagabi , dala nya hanggang opisina , wala
sya sa mood makipag usap kahit kanino , Maya- maya ay lumapit sa mesa nya si Raquel . " Ate Saree, huwag kang
masyadong magpapadala sa emosyon mo , " nakangiti ito habang hinahaplos ang kanyang buhok
ngumiti lang sya ... These three girls , ito nalang ang nagpapasaya sa kanya ngayon , Hindi sya iniiwan .
![](https://img.wattpad.com/cover/208662156-288-k707508.jpg)
YOU ARE READING
Last Days Together
RomanceShort-lived love story of Saree and Bobby - Their love story start and ends at the company where they worked together and find fulfillment with each other... Saree betrayed by her husband , and Bobby longing for his Fiance" .