Chapter 14

418 14 0
                                    

Sunny POV

Nagising nalang ako ng may naglagay saakin ng kumot. Ang alam ko ay nakatalukbong ako, siguro nahulog ko siya nung nakatulog ako

Pasimple kong binuksan ang mata ko. Si Sunshine lang pala. Hindi ko na siya pinansin at bumalik sa pagtulog

Kinabukasan nagising ako dahil kay Corie. Niyugyog pa naman ako ng malakas, hayup na babaeng to. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Problema mo?" inis na sambit ko. Sumeryoso nalang siya, "Gusto mong sumama saakin? Bibisitahin ko si Celia"

Tumango ako, ang aga naman

Gusto ko din naman siyang bisitahin pero parang natatakot ako. Hindi ko alam ang dahilan. Simula nong sinabi ni Corie ang pangalan ni Celia ay kinutuban na ako don

Tumayo siya at sinabing maghanda ako. Sinunod ko naman, mahirap pagseryoso si Corie. Parang hindi ko kayang ayawan, ang ganda nya rin kahit saang anggulo ng mukha

May matangos at maliit na ilong, maliit ang mukha, mapupula at manipis na labi, brown din ang kulay ng mata. Basta mukha siyang goddess sa mukha nya

Nasa tamang curve din ang katawan. Naiinggit tuloy ako. Napadako ang tingin ko sa dibdib nyang may kalakihan. Hindi naman masyado, yung normal size lang pero may ibubuga rin

Napatingin rin tuloy ako sa dibdib ko, sakto lang naman pero mas gusto ko yung size ni Corielyn. Bakit ba siya lang ang binayayaan?

***

Ng matapos akong maghanda ay nakita kong nag-iintay si Corielyn saakin sa labas. Ready na pala yung van, si Manong Ronaldo parin ang mag-dridrive saamin papuntang ospital

Umakyat na naman ang kaba ko. Sobra talaga akong nag-alala kay Celia, saksi kasi ako sa mga paghihirap nya sa mansion.

Siya rin ang palaging tinatarget ni Erica. Hindi ko nahahayaang makapagpanakit na naman si Erica, kapal ng mukha. Sarap patayin!

Seryoso lang si Corielyn na ngayon ay nakaupo sa passenger seat. Ang ganda nya talaga, nakakainlove.

Bigla nalang kaming huminto, hudyat na nakarating na kami. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, takot at kaba. Sana okay ka na, Celia.

***

Corielyn POV

Nakarating na kami sa ospital. Halatang mamahalin. Napatingin ako kay Sunny na ngayon ay kinakabahan. Halata naman, nanginginig yung kamay nya tuwing kinakabahan siya.

Hinawakan ko ang mga ito. Pinagmasdan ko ang kanyang mga mata. Papakalmahin ko muna siya bago kami pumasok.

Ng mawala ang kaba ay napagpasyahan pumasok. Si Manong na ang nagtanong kung nasan ang room ni Celia.

Sa second floor, nasa private room si Celia. Sumukay kami sa elevator. Humudyat ito na nakarating na kami. Bumukas at lumabas na kami.

Maraming taong at mga nurse na nagkalat sa paligid. Pumasok kami sa isang room. Ng pumasok kami ay napagtanto kong malawak at malaki amg kwarto.

Nasa higaan si Celia. Walay malay at puno ng benda sa katawan. Napadako ang tingin ko sa sofa. Si Manang Gloria ang natutulog. Mahimbing silang parehong natutulog.

Aircon pa, sosyal talaga.

Kaagad kong dinaluyan si Sunny ng bigla itong umiyak ng makita ang kalagayan ni Celia. Tahimik siyang umiiyak habang nakamasid kay Celia.

Kung ako rin, ay iiyak rin ako. Pero kailangan kong maging matatag para kay Celia at Sunny. Close na close kasi sila Celia at Sunny.

Mahina si Sunny pag ang mahal nya ang nahihirapan. Minsan nalang tayo makakita ng ganitong babae kaya irereto ko na itong si Sunny sa inyo. Want nyo?

Pinaupo ko muna si Sunny sa bakanteng sofa. Mahimbing paring natutulog si Celia habang nagising na si Manang. Umalis ito para kumuha ng makakain.

Lumabas rin ako sa kwarto para magpahangin. Aksidente kong nakita si Charles na may kaunting benda at mga pasa. May black eye rin siya sa kaliwang mata.

Nakipagbakbakan para siya?

Lumapit ako sa kanya. Natigilan rin siya at halatang nagulat. Kunot-noo niya akong tinginan na parang tinatanong na bakit nandito ako.

Tumingin muna siya sa likod ko at mukhang nakuha ang dahilan kung bakit kami nandito. Pinto kasi ang nasa likod ko, at iyon ang pintua ng room ni Celia.

"Charles, alam mo ba kung nasan si Hades?"

Hindi siya sumagot, tumingin siya sa likod ko at may tinuro gamit ang labi. Kunot-noo akong tumingin sa likod ko.

Matangkad na lalaki ang bumungad saakin. Si Hades na may benda sa kamay at sa ulo.

"What are you doing here?" taas-kilay tanong. Kumurap muna ako para makasigurado kung si Hades ba talaga. Inaamin kong namiss ko yung kasungitan nya, oo kasungitan lang.

"Binibisita si Celia. Yun lang" sagot ko at tinuro ang nasa likod nya. Hindi ko siya napansin sa likod ko.

Tumingin muna siya dito bago tumango.

"Kumain ka na? Lunch? Do you want to eat with me?" sunod-sunod nyang tanong. Umiling ako. Umiling ako dahil hindi pa ako kumain ng lunch at kasama na don ang pangatlong tanong. Naiilang parin ako kapag kasama siyang kumain pero pagpinagmamasdan lang, medyo.

"Ahemm.... How about me? You won't ask me? Hindi pa ako kumain." sabat ni Charles. Sila nalang kaya? Tutal magkapatid naman sila

"No.... kumain ka nalang mag-isa" sagot naman ng isa. Gulat kong tinignan si Hades, harsh naman.

Mahina namang napamura si Charles at inis na nag-walk out

Kung ako din naman ay maiinis din ako. Pero grabe naman itong lalaking ito.

The Beast and His Babysitter (Oheo Series #1) (editing)Where stories live. Discover now