Chapter 16

46.2K 2.1K 2K
                                    

"Buti na lang hindi ako nakalimutang imbitahan ni Ate Ysa sa anniversary celebration ng The Fortress kundi magtatampo talaga ako." Hannah said after buckling her seatbelt.

Sinundo ko siya sa kanila gamit ang Ferrari ko dahil sabay kaming pupunta sa Enchantress.

"Hindi ka naman talaga ininvite. Sinabi ko lang kanina kay Brie na isasama kita at i-heads up na lang si Ate Ysa." I lied. Pinilit kong i-deliver 'yon nang seryoso kahit gusto ko ng tumawa sa reaction niya.

"Seryoso ba?! Edi ayaw ko na sumama. Ibalik mo na 'ko sa bahay. Hindi na rin ako pupunta ng The Fortress kahit kailan."

"You're so OA, Hannah Devon." Natatawang sabi ko habang umiiling.

Ang dami niya pang pag-eemote habang nasa byahe kami pero hindi ko na lang pinansin hanggang sa nakatulog na lang siya kakadaldal.

"Hey, we're here." I tapped Hannah's shoulder to wake her up.

Nagising naman si Hannah at medyo nagulat pa ng tumingin siya sa window.

"Hala! Nandito na tayo?"

"Yes kaya bumaba ka na." Sagot ko at lumabas na ng sasakyan.

Lumapit sa akin si Boyd na kabababa lang sa black sedan na katabi ng kotse ko. He's one of my body guards at pinasabay ko sa sasakyan niya ang mga gamit namin ni Hannah.

"Kami na lang ang bahala sa mga gamit niyo. Kanina pa rin daw nakarating sina Tamara." He said.

They call us Ma'am Venice and Ma'am Tamara before but parehas naming gusto ni Tam na tawagin na lang nila kami sa mga pangalan namin and huwag na rin kaming i-po. They're not that old din naman and I think nasa late 20s si Boyd.

Me and Tam have at least three bodyguards on normal days at nadadagdagan lang sila kapag uma-attend kami ng mga events. Palagi ko ngang nakakalimutan na may kasama akong bodyguards. Hindi ko kasi gusto 'yong feeling na parang binabantayan ang bawat galaw ko and they were trained din naman sa gano'ng aspect so we're good.

"Thanks, Boyd. Feel free to rest and enjoy here too hindi 'yong puro trabaho. Tell that to others too. Akong bahala sa expenses niyo."

"Hi, Kuya Boyd!" Si Hannah na biglang sumingit.

Boyd politely nod and smiled at her and bago pa siya daldalin ni Hannah ay hinila ko na ito papasok ng hotel.

"Ang KJ mo talaga kahit kailan. Kakausapin ko lang naman saglit 'yong crush ko." Maktol nang magaling kong kaibigan pero inirapan ko lang ito.

Nang makarating kami sa reception ay lumapit agad sa amin ang isang staff. Binigyan niya ako ng key card as well as Hannah at sinabi nito ang floor at room numbers namin.

"Uy si Miss Andrade 'yon, 'di ba?"

Napatingin ako sa babaeng tinuturo ni Hannah na mabilis na naglalakad. She looks mad at dire-diretso pumasok ng elevator.

"Ang ganda niya talaga, 'no? Bet ko 'yong blue polkadot two piece niya, bagay sa kanya." She added. Sa lahat na lang talaga may nasasabi ang babaeng 'to.

"I'm going to my room now. Bahala ka na sa buhay mo."

Iniwan ko na si Hannah dahil sumasakit na ang ulo ko sa kaingayan niya. Gutom na rin ako kaya gusto ko ng makapagpalit ng damit bago ko puntahan sina Tamara.

Nagpalit lang ako ng red string bikini and white cover up. I let my hair down at kinuha ko lang ang phone ko bago ako lumabas.

"Ang sexy mo, bestie. Grabe ka." And here comes Hannah again na sana hindi ko na lang pala hinintay sa lobby.

Love Me Like You Hate MeWhere stories live. Discover now