XIII

5 2 0
                                    

"OH? Ano na naman ginagawa mo--"

"Shut up. Just let me rest." Putol ni Yanki sa'kin sabay tanggal ng sapatos niya at saka nag-feel at home sa sofa ko. Nakapameywang akong humarap sakanya.

"Alam mo, may isang bagay akong napapansin. Bakit parang nagpalit tayo ng ugali? Ng posisyon? Bakit parang naging ikaw na yung matino at ako na yung parang... You know, madaldal?" Sinabi ko sakanya ngunit hindi manlang siya nagdilat ng mata o ano.

"Sabihin mo sa'kin, what's the problem, my dear?" Saktong sakto nagtimpla ako ng kape kaya umupo ako sa pang-isang taong upuan saka pinagkrus ko ang paa ko at sumipsip ako sa kape ko. Hindi pa din siya nagsalita kaya nawala ang ngiti ko sa mukha.

"Mukha naman akong stupida dito na kinakausap ang hangin oh. Magsalita ka naman kahit isang word lang oh. O kaya dalawahin mo na. Pwede ding tatlo o apat. O kaya lima."

Dedmabels pa din, oh. Hangin ba ko?

"Bahala ka nga diyan. 'Eto. Tatanungin nalang kita. Sinong nag away sayo? Para masuntok ko. Nangangati na din kamay ko manuntok 'e, lalo na yung nasa harap ko. Gusto kong suntukin." Pangungumbinsi ko at sa wakas, dumilat siya ng mata at... Pinikit ulit!? Magsasalita sana ako nang magsalita siya.

"Shaun." dumilat siya at umupo. "Inaway ako ni Shaun." Nakanguso niyang pagsusumbong na parang bata. "Gusto kong suntukin mo siya. Yung tipong mauuntog siya sa pader tapos kinabukasan nasa hospital na yan."

Pumalakpak ako at ngumiti na parang proud na proud. "Gan'yan ang bonding. Kaya tara na, gawin natin ang gusto mong gawin!" Aya ko at tumango siya. "Magpapalit muna ako. Dapat cool yung itsura ko pag sumuntok ako."

"'Ge, gusto mo picturan kita?" Tanong pa niya at tumango ako ng todo. Nag-thumbs up pa ako sakanya.

"Sige. Gudz yan para may magawa ka." Nag apiran kami at dumiretso ako sa cabinet.

Gan'yan dapat ang bonding.

Lumabas ako ng kwarto ko ng naka-cool pose. Nag pogi pose pa ko at ang nag cross arm pose habang pinipicturan ako ni Yanki gamit ang phone ko. Masayang binigay niya ito sa'kin habang nilalagyan ko ng caption para sa Instagram.

Pose before you punch. #posemunabagomanuntok

And save.

"Apir!" Sabay naming sigaw.

So, dapat kailangan cool kami, di'ba? Mabuti nalang at na kay Yanki pa ang motor ng gunggong na 'yon kaya ayon ang ginamit namin papunta sa lugar kung saan si Shaun.

Nakarating kami sa isang bar at syempre, dahil ako ang susuntok, nag alcohol muna ako dahil para sumakit eyes niya dahil sa alcohol. Dinamihan ko ang pag-spray sa kamay 'coz why not?

Nag-spray na din si Yanki at tinabi niya ang alcohol sa bag at tinanong ko siya na bakit para daw may panglinis kami ng kamay incase na manampal kami ng bruha. So true at agree naman ako.

Pumasok kami ng bar at hinanap agad ng mata ko ang hinayupak na gunggong na 'yon. Agad nahanap ng beautiful eyes ko pero agad sumingkit ang mata ko dahil katabi nito si Harris. Or should I say manliligaw ko.

Tumaas ang kilay namin ni Yanki nang makitang may babaeng katabi ang dalawang gunggong! Hindi ko iyon hahayaan mangyari so, kumontrabida kaming dalawa ni Yanki at nagulat ang dalawa.

"Who are you?" Maarteng tanong ng babaeng katabi ni Harris sa 'kin habang nakataas ang isang kilay. Malaki ang mata ni Harris habang nakatingin sa'kin na may halong pag aalala.

Oh don't worry. Mananampal lang ako, babe.

"I'm his future wife so, GTFO." Zarkastikang wika ko at tumaas lalo ang isa niyang kilay.

"What the heck? Are you crazy? Actually, I'm his future wife." Maarteng protesta niya.

"Ha? Ul*l! In your effing dreams." Sinampal niya ako dahil sa sinabi ko kaya napatayo si Harris.

"Stop it." Malamig nitong sinabi sa babae habang nakatagilid ang ulo ko at natatabunan ng buhok ang mukha ko.

"She deserves it! You're mine!" Malanding giit nito kay Harris. Nanggigigil kong kinuha ang wine niya at binuhos sa ulo niya. Binasag ko ang wine glass at napatalon siya sa gulat. Nakuha namin ang atensyon at tumigil ang music.

"No one owns him, bjtch!" Binigyan ko siya ng malakas na sampal. Sa sobrang lakas ay napaupo siya sa couch na inuupuan nila.

"Whoo! Go, 'te!" Cheer ni Yanki. Hinarap ko ang hinayufak na Shaun at ang babaeng hinihimas ang braso niya. Agad akong nanggigil at hinila ang buhok ng babae na ikinadaing niya. Lalapitan sana ito ni Shaun nang hilahin siya pabalik ni Yanki na hindi maipinta ang mukha.

"Ano? Papalag ka, bhe? Papalag ka!?" Sigaw ko sa babae habang hila hila ang buhok.

"No! Please! Let go of me!" Naiiyak nitong sambit at binitawan ko na siya. Pero patulak 'yon. Nagflip hair ako at hinila si Yanki palabas. Hinabol naman kami ng dalawang lalaki.

Bahala kayo diyan.

Naglakad lang ako ng naglakad. Hindi ko na nga namalayang nahabol na pala ni Shaun si Yanki. Nadamay pa ko sa LQ ng dalawa. Myghad.

"Babe!" Sigaw ni Harris at umirap ako at tinago ang kilig.

Stap it, self. Galit at tampo ka, remember?

"Zelenia!" Ignore.

"Leuni!" Dedma.

"Herrera!" Snob.

"Hendrickson." Dedmabe--wait, ano?

"Wife."

Naramdaman ko nalang na nasa likod ko na siya at napalingon ako. Nakangiti siya sa'kin habang nanlalaki ang mata kong nakatingin sakanya.

"Future wife." Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at hinalikan iyon. Nakatulala ako habang ginagawa niya iyon.

"P-pinagsasabi mo diyan!" Nauutal at kinakabahan kong sambit.

Controlin mo sarili mo, self. Stap. 'Wag kang magpapauto dahil lang sa sinasabi niya. No, stap.

"I love you."

At tuluyan nang sumabog ang puso ko. Kaasar 'to. Pinapakilig ako. Hindi ko na natago ang ngiti ko at niyakap ko siya. Parang baliw lang. Magtatampo tapos siya din yayakap.

"I love you too."

———

Yie, wala pang label may iloveyouhan na. Char inggit lang..

Credits: yanahlprieto

Love, leuni.

Embracing The Cold Winds (ETR SERIES #1)Where stories live. Discover now