Chapter: 01

169 5 0
                                    

Mia POV

"Pinapatanong ni mama kong sasama ka raw?" Tanong sakin ng kapatid ko, si kuya mao. Tumingin ako sa kanya.

"Hindi nga ako sasama. Paulit-ulit." Sagot ko naman sa kanya.

"Edi maiiwan ka dito sa bahay kong hindi ka sasama." Sabi niya pa.

"Okay lang. Kesa sumama ako don eh wala naman ako kilala don maliban sa inyo ni mama at papa." Sabi ko naman sa kanya.

"Bahala ka nga! Wag kang gagala ah. Isusumbong talaga kita kay papa." Sabi niya pa saka ako tinalokuran. Paalis na sana siya ng lumingon ulit sakin.

"Sinasabi ko sayo. Wag kang gagala." Pag uulit niya. Kumunot noo lang ako sa kanya saka tumango. Tumalikod na siya sabay labas ng bahay. Nan don na kase si mama at papa sa labas nag hihintay.

Nan dito lang ako sa sala naka upo, naka bukas lang ang tv pero hindi naman ako nanunuod. Nag lalaro kase ako sa selpon ko. Mag isa lang dito sa bahay hayy hanggang gabi na ako ganito lang ang gagawin. Mag papakilala nalang nga ako sainyo para naman maging kaclose ko kayo.

Ako nga pala maike pero mia na ang tawag nila sakin dito sa bahay dahil nga sa isa ako'ng gay. Tanggap ako ng magulang ko lalo na ni kuya mao.

18years old ako, si kuya mao ay 21 years old na. Dalawa lang kami magkapatid, sabi ni mama gusto niya magkaanak na babae kaya ng sinabi ko sa kanila na gay ako ay natuwa pa si mama dahil raw magkakaron na siya ng anak na babae, i mean gay. yong bang makakashare niya sa mga pampaganda at makakasama niya mamili at mag ayos. Kaya minsan pag may pupuntahan si mama ay ako ang nag aayos sa kanya. Kahit papano marunong naman ako. Katulad ngayon pupunta sila sa bahay ng tita ko kapatid ni papa, dumating kase kagabi galing ibang bansa. Ayoko naman sumama dahil hindi ko naman mga kaclose yon at ayoko naman makipag plastikan sa kanila kaya ako nag painwan dito sa bahay.

5'6 ang taas ko si kuya mao ay 5'8 hindi naman nagkakalayo eh hehe. Maputi rin ako at katulad sa babae ang katawan ko. Makinis rin ang kutis ko. Si mama kase panay bili sakin ng mga pampaganda at pampaputi. Alam niyo na. Hanggang balikat rin ang buhok ko. Ayaw na kase ipagupit ni mama. Sunod rin kase ako sa gusto si papa rin kase . Basta yon. Tama na nga basta makikila niyo pa ako. Marami pang susunod na araw para makilala niyo ako ng lubosan.

Tumingin ako sa phone ko at nakita ko ang pangalan ni kuya mao. Pero bigla ito nawala. Hala. May 5 calls na pala siya. Malalagot nanaman ako nito kay kuya. Baka isipin nanaman non gumala ako. Kaya naisipan ko na ako na lang ang tumawag sa kanya.

"Bakit hindi mo sinasagot?!" Inis na tanong niya ng sagotin niya. Nailayo ko pa ang selpon ko dahil sa lakas ng sigaw niya.

"Naka silent eh. Saka abala ako kakanuod ng tv." Pag sisinungaling ko naman.

"Nasan ka?" Tanong niya pa.

"Nan dito sa bahay." Sagot ko naman sa kanya.

"Buksan mo raw ang tindahan sabi ni mama. Total ikaw lang naman ang naiwan dyan. Sayang din kase ang benta." Sabi niya pa.

"Okay." Maikling sagot ko.

"Wag kang kukupit ah. Baka ilang oras bukas yan tapos walang benta." Sabi niya pa.

"Kapal mo. Hindi naman ako nagkukupit." Sabi ko naman. Tumawa naman siya.

"Oh sige na. Ikaw na bahala dyan sa bahay." Paalam niya. Hindi na ako sumagot, pinatay ko na ang linya.

Tumayo ako saka ako nag tuloy sa likod ng pinto kong san naka lagay ang susi ng tindahan namin saka ako lumas ng bahay. Nag tuloy ako sa tindahan saka ko ito binuksan. Sakto naman na may mga tambay pala sa labas, isa na don mark ang makulit na kapit bahay namin.

MR.POSSESSIVE FALL IN LOVE WITH MEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora