Chapter 28

756 21 5
                                    

[ W A R N I N G ]
This story contains grammatical and typographical error!

|| T W E N T Y - E I G H T ||

Y A R A 's  P O I N T  O F  V I E W

"Totoo? Nililigawan ka ni Captain? Kyaaaaa!"

Napapikit ako at napatakip sa aking mga tenga nang sabay na tumili si Bea at Ley. Gosh, maawa naman sila sa eardrums ko. Ghad, ang dami pa namang estudyante dito sa field for fvck's sake, arg! Inis ko silang tiningnan nang mapunta sa amin ang atensyon ng mga estudyante. Ghad, nakakahiya lalo na nang magsimula na naman silang magbulungan. For sure ako na naman ang main topic dito sa university pag nalaman nilang nanliligaw sa akin si Davon.

"Pwede bang pahinaan niyo yung volume ng mga bunganga niyo? T@ngna ng mga 'to, akala mo nakalunok ng megaphone." Kusang umikot ang eyeballs ko at pinagkrus ang aking mga braso. Tinawanan lamang nila akong dalawa at halos maalog na ang buong sistema ko nang yugyugin nila ako.

"Pvtang1na ano ba ha!" saway ko sa kanilang dalawa pero ni hindi manlang sila natinag. Bagkus ay sinabayan pa nila iyon ng tili.

"Shet, nandiyan na yung manliligaw mo, gurl!"

Pilit akong kumawala sa kanilang dalawa at napatingin sa gawing tinitingnan nila. Mula sa di kalayuan ay natanaw ko nga si Davon, kasama niya si Yoshi. Mukhang papunta sila rito sa gawi namin kaya heto at hindi na naman magkamayaw ang mga paru-paro sa tiyan ko. Umayos ako ng upo at iniipit sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok ko, sinisiguradong maganda ako sa paningin niya.

Tsk, syempre isang famous na basketball Captain ang manliligaw ko kaya dapat na maganda talaga ako. Alangan namang hayaan kong isipin ng mga froglets diyan sa tabi-tabi na dugyot ang nililigawan ng isang Xavier Davon Conner.

Medyo malapit na sila sa pwesto namin kaya naman nabigyan ako ng pagkakataon na pagmasdan ang manliligaw ko kuno. He's wearing a white oversized shirt and a jersey shorts, parehas ng suot ni Yoshi. Ang kaibahan lamang ay naka jersey shirt pa rin itong si Yoshi. May dala siyang itim na tumbler at puting towel na nakasampay naman sa balikat niya. Nang tuluyan na silang makalapit sa amin ay saka ko lamang napansin na halos naligo na siya sa pawis. Basang-basa ang magulo niyang buhok. May ilan oa ngang butil ng pawis ang tumuto sa noo niya.

Galing sila sa practice dahil bukas ay may laro raw sila kalaban ang ibang school. Sad to say may exam kami bukas so hindi ako makakanood. Wrong timing naman kase si Ms. Layla, psh.

"Hey," tawag pansin niya sa akin bago naupo sa tabi ko. Ang dalawang bruha naman sa kabilang tabi ko ay hindi na magkamayaw sa kilig, dinaig pa nila ako na chill lang naman dito.

"Nag-lunch ka na?" Kusa na lamang iyong lumabas sa pe$teng bunganga ko. Napakagat ako sa ibabang labi at gusto mang bawiin ay hindi ko na ginawa. Narinig ko naman agad ang pagtikhim ng mga bruha sa tabi ko pati na rin ang pekeng ubo ni Yoshi na nakatayo sa gilid ni Davon. Ghad, what's with them? Pag-umpugin ko kaya silang tatlo?

"Yeah, sabay kami ni Yoshi." Napanguso ako sa naging sagot niya. Nag-lunch na siya? Naman, hinintay ko pa naman matapos yung practice nila at hindi muna ako nag-lunch kase nga dapat sabay nalang sana kami. Ang ending, mukhang ako lang pala mag-isa ang kakain, kainis!

Kumunot ang kaniyang noo nang mapansin ang naging reaksyon ko. "Why pouting?" ang kaniya pang tanong. Napairap ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Bakit nag-lunch ka na? Hinintay pa naman kita para sabay tayo. Tapos ang ending, ako lang pala kakain mag-isa, psh!" paghihimutok ko pa. Narinig ko ang hagikhikan nila Bea at Ley kaya't sinamaan ko sila ng tingin. Ngunit naalis ang tingin ko sa kanilang dalawa nang naramdaman ko ang kamay ni Davon na humawak sa kamay ko. Para akong kinuryente nang maglapat ang mga palad namin. He interwined our hands na lalong nagdala ng kilig sa sistema ko.

He sweetly smiled at me then said, "Come, let's eat. Hindi pa naman ako busog." Right after he said those words ay hinila na niya ako patayo at lumakad paalis doon. Narinig ko pa ang tilian nila Ley at Bea pati ang panunukso ni Yoshi bago kami tuluyang nakalayo sa kanila. Napayuko naman ako upang itago ang ngiti dahil sa nangyayari. Gosh, simpleng mga ganito lamang ay kinikilig na ako. Yeah, I won't lie, kinikilig na talaga ako sa kaniya. Naman, what did he do to me? Para niya na akong papatayin sa kilig, darn it!

Pagkarating sa cafeteria ay may pailan-ilan pang mga estudyante. Malapit na rin kaseng magsimula ang klase kaya malamang ay nasa kaniya-kaniya nang classrooms ang iba. Nang makapasok kami ni Davon ay sa amin agad natuon ang atensyon nilang lahat, kasama na doon ang mga crew sa cafeteria. Medyo nakaramdam ako ng ilang nang madako ang tingin nila sa kamay namin na magkahawak.

Pagkarating sa counter ay kumuha na siya ng pagkain. Napanguso ako nang makita lahat iyon. Anong palagay niya sakin, kambing? Puro ba naman dahon yung pinili niya. Gusto ko pa naman sanang kumain ngayon ng steak tapos bbq ribs.

"Anong drink ang gusto mo, babe?" Parang nabingi ako sa kaniyang sinabi at nanlalaki ang matang tiningnan siya.

"Anong babe? Hoy, tigilan mo ako ha, hindi pa nga kita sinasagot tapos may pa-babe-babe ka na diyan?" Napatawa siya sa akin nang ikutan ko siya ng mga mata. Tsk, masyado na ang isang 'to naku.

Pinisil niya ang pisngi ko using his free hand na ikinasama ng tingin ko sa kaniya. Ngunit ang loko ay tinawanan niya lamang ako saka sinabing, "I'm just practicing to call you using that endearment."

Napangiwi ako. "Bakit, sigurado ka na bang sasagutin kita, ha?" nanghahamong ani ko pa sa kaniya. Napataas ang kaniyang kilay dahil doon.

"I don't see any reason para busted-in mo ako, sweetheart." Aba at, kanina lamang ay 'babe' tapos ngayon ay 'sweetheart'? What the heck is wrong with this guy? Kung anu-ano ang itinatawag na endearment sa akin gayong hindi pa naman kami. Excited masyado magka-girlfriend na maganda?

Magsasalita na sana ako nang makarinig ako ng impit na tili. Nang hanapin ko iyon ay doon ko nakita ang isang crew sa cafeteria na kilig na kilig at may patakip-takip pa ito sa bibig niya. Pati ang nga estudyante sa paligid ay natahimik at tila kanina pa nakikinig o nanonood sa amin. Hindi na ako nagsalita at inirapan na lamang si Davon para matapos na ang mga kalokohan niya.

Pagkatapos naming pumila para kumuha ng pagkain ay naghanap na rin kami ng mapu-pwestuhan. Muli akong napanguso nang ihain niya sa harap ko ang mga pagkain.

"What's wrong?" he asked after seeing my reaction. Mas lalo akong napanguso at itinulak palayo sa akin ang plato.

"Wala bang steak?" tanong ko sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at iniusog ulit palapit sa akin ang plato na may kanin. Nilagyan niya pa iyon ng gulay kaya parang gusto ko nalang maglaho dahil ayoko nun. Gusto ko ng steak, STEAK!

"Wala, ito lang ang available na ulam ngayon."

Kulang nalang ay sakmalin ko siya sa inis dahil sa kaniyang sinabi. Anong iyon lamang ang available eh samantalang may nakita nga akong bbq ribs, steak, fried chicken, afritada, mayroon oa ngang meatballs eh. Ang daming choices doon kanina, hindi niya lang pinili. Nakakainis, ayokong kumain ng gulay, arg!

"Liar, may steak doon, nilampasan mo lang eh. Ayoko nito, hindi naman ako goat eh. Steak, Davon. Ste-ump!"

Nanlaki ang mga mata ko at hindi na natapos ang sasabihin nang bigla niua akong subuan nang isang kutsarang kanin na may gulay. Halos iluwa ko na iyon dahil sa dami. Pero ang ending, tanging panlilisik lamang ng mga mata ang nagawa ko sa kaniya. Pvtang1na talaga neto, oo. Lord, pwede niyo na po siyang kunin, dejoke lang po.

"Ang daming sinasabi, kumain ka nalang," he said, hindi pinansin ang masamang tingin ko. At ang g@go, nagawa pa akong tawanan. Bw1sit talaga, ipapalapa ko 'to kay babyshark, isa nalang talaga.


|| U N E D I T E D ||
©MajesticPrinces

Dared to Kiss Captain | COMPLETEDWhere stories live. Discover now