HILING

7 3 4
                                    

HILING

Ang tangi kong hiling sa mga bituin
na sana ako ay intindihin.

Ipag patawad mo ginoo kung madalas
Ikaw ay nasisigawan ko,
Ipag patawad mo kung madalas mataas ang boses ko na animo'y galit ako.

Napapagod lamang ako din ako
Napapagod sa mga bagay bagay na tumatakbo sa isipan ko,
Napapagod sa mga akusang ibinabato.

Minsan pakiramdam ko wala akong kwentang tao,
Walang ibang alam gawin kundi pasusuhin ang anak mo.


Maliban sa paglalaba, paglilinis ng bahay at pagluluto ng pagkain ay wala akong ibang maitulong sayo.

Minsan pa nga nanliliit ako sa sarili ko,
Pakiramdam ko wala akong silbing ilaw ng tahanan mo.

Ngunit huwag kang mag alala gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para lamang pag silbihan ka,
Pati pagmamahal ko sayo ay buong pusong ipapadama.

Hindi ako magsasawang iparamdam sayo at sa anak natin ang pagmamahal ko,
Hindi ako aalis sa tabi nyo hanggang maging kulay puti ang mga buhok ko.

Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sainyo habang humihinga ako,
Ngunit isa lang ang hiling ko,
Na sana minsan ay kamustahin mo din ako.

-ALY2022

TulaOnde histórias criam vida. Descubra agora