04 | Home At Last

533 65 26
                                    

"We are entering the portal." Narinig ko ang tinig ni David mula sa unahan.

Dahil sa sinabi niya, napalingon ako sa labas ng bintana. My eyebrows furrowed as I realized we were in the middle of nowhere. Walang katao-tao at konting halaman lang ang nandito. It looked deserted.

"Gods, it's that annoying portal again." Hindi ko na alam kung pang-ilang reklamo na ito ni Callie simula nang umalis kami.

Talia glared at her. Nakapikit siya mula kanina pero mukhang nainis na siya sa panay na pagreklamo ng katabi niya. "Love, we have been through countless missions and you're complaining about a portal," sarkastikong sambit nito.

"It makes me feel sick, okay? Sa bawat paggamit natin ng portal na yon, feeling ko kukuhanin na ako ni Thanatos," wala sa sariling sagot ni Callie. Hindi maipinta ang ekspresyon niya.

"You're a daughter of Demeter for Apollo's sake! What makes you think you're gonna die that easily?"

Napatigil si Callie bago magsalita muli. "Hindi mo maintin- oh my demigods!" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil may lumabas na portal sa harapan namin. Para lang siyang malaking black hole na pinapalibutan ng mist.

I thought Callie was exaggerating about the things she said awhile ago but who would've thought I was totally wrong?

Napakagat ako sa labi ko nang masimula akong mahilo pagpasok namin. Idagdag mo pa ang mabilis na pagmamaneho ng driver.

Kung ako ay halos mahilo na, si Callie naman ay mukhang nasusuka. Kanina pang umiilaw-ilaw ang mata niya at muntikan pa nga siyang magsummon ng dagger dahil sa kaba pero buti nalang napigilan siya nina Amari.

The latter looked chill. Mukhang mas interesado pa siya sa libro na binabasa niya kesa sa nangyayari sa paligid. Si Talia naman ay nakapikit ulit at pinapalibutan siya ng panangga na gawa sa ilaw para makapag meditate daw siya. Si Tazyn naman ay nakasandal sa balikat ng kambal niya.

Napatingin ulit ako sa labas at nanlaki ang mata. Wait a second, is that a lion with a rat's head? I thought I was hallucinating when I saw a giraffe with a dog's head awhile ago.

Oh my demigods nga.

Sa huli, napagdesiyunan kong ipikit nalang ang mata ko at magdasal sa kahit sino mang diyos o diyosa na nakikinig na sana makalabas na kami sa portal.

Narinig ko ang mahihinang tawa ni Ali sa tabi ko. "Hey, you can open your eyes now," bulong niya sa'kin.

What if he's trying to trick me?

"Deia, dali! Ang ganda ng greek realm, oh!" I could hear the excitement in his voice. For once, I decided to trust him and open my eyes.

Hindi ang greek realm ang sinalubong ng mata ko. Apat na pares ng mata ang nakita ko. Mukhang kumalma na si Callie dahil nakangiti siya sa'kin ngayon.

Her eyes looked dangerously enchanting. "Look outside," she encouraged. "This is your home after all."

Home.

If this is really where I belong... I hope I can find the purpose I'm destined to fulfill...

Just as Mira said.

Matagal ko nang gustong malaman kung ano ba talaga ako. Kung ano ang totoong pagkatao ko, kung sino ba talaga ang mga magulang ko at kung ano ano pa.

Wala kasi akong alam tungkol doon eh. Sa tuwing tatanungin ko naman si Mira ay hindi siya sumasagot sa'kin.

Kahit sarili kong kaarawan ay hindi ko alam.

'Di bale, kaya nga ako nandito. Gusto ko kasing maranasan na maclaim at magkaroon ng kaibigan.

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now