CHAPTER 2

131 3 0
                                    

xx

Inilalayan ako ni Mr.Tan na tumayo, yumuko ako at pinunasan ang mga luha.

"Pasinsya kana sa inasal ni Master Ace madam, ako na ang humihingi ng tawad." Paumanhin nito ngunit umiling lamang ako.

Napakabait ni Mr. Tan, may katandaan na siya at tatlong pung taon na itong Butler ng pamilya Madrigal. Para narin siyang Ama nila Ace, buti nalang at may mabait akong kasama dito sa bahay.

"Hindi mo kasalanan iyon Mr.Tan at wag po kayong mag alala a-ayos lang po ako. Sanay na po akong ginaganun ni Ace." I smiled bitterly.

"B-babalik napo ako sa kwarto ko." Paalam ko dito.

"Kapag may kailangan po kayo, tawagin niyo lang po ako sa baba."

"You need to rest too Mr. Tan and thank you for your concern. Goodnight."

Para akong patay na nag lalakad sa kung saan, napadpad ako sa terrace nitong mansion. Maliwanag ang buong harden dahil napapalibutan ito ng mga ilaw at mga magagandang bulaklak.

"Galing ako sa kwarto ng ibang babae, happy?"

Bumalik nanaman sa isip ko ang sinabi ni Ace, totoo ba ang sinabi niya? O baka naman sinabi niya lang iyon para masaktan ako?

Huminga ako ng malalim at ninamnam ang malamig na simo'y ng hangin.

"It's already late, why are you still up?"

Napapitlag ako dahil sa baritonong boses na narinig ko. Rinig ko ang yapak ng sapatos nito papalapit sa kinaroroonan ko. Sumandal ito sa railings at maimtim na nakatanaw sa madilim na kalangitan. Dos was handsome like Ace, but for me mas gwapo parin ang asawa ko, para silang goddess na inihulog dito sa lupa. They have pointed and perfect nose, kissable lips, perfect shape of face, long lashes, shiny hair, at ang balbas nila ay mas nakakapang akit tingnan, their eyes... para kang nahuhulog sa bitag kapag tinititigan mo ito ng matagal. Ang ugali lamang nila ang hindi tugma, Ace was cold, ruthless and bossy while si Dos naman ay kabaliktaran nito. I didn't know everything about Dos, maybe pareho din sila ng kapatid niya or sadyang magkaiba lamang sila ng pakikitungo sa akin.

"B-bakit ka pala nandito?" Nauutal na tanong ko. It's been a month nang huli ko siyang nakita.

"Bawal nabang umuwi sa totoo kong bahay?" He chuckled.

"Hindi naman sa g-ganun... I mean.. ngayon kalang ulit umuwi."

"My dad called me, kailangan daw ako para sa meeting na gaganapin two days from now. Besides, I am the second heir of Madrigal's, their probably need my presence there right?" Dagdag pa nito. Tanging tango nalamang ang naisagot ko.

"Why? Hindi mo bako na miss?" He tease.

Tumawa ako at umiling.
"Nope." Agad na sagot ko. He's acting weird evertime na nag uusap kami, minsan nahuhuli ko siyang naka titig sa akin, o baka naman namamalikmata lang ako?

"Ouch... it's hurts." Hinawakan nito ang dibdib at nag kunwaring nasasaktan. Ibang-iba siya sa kapatid niya, how I wish na sana ganito din si Ace.

"Hey, you okay?" Pagpukaw nito sa akin.
"You look sad, what happened?" He asked.

Ngumiti ako at umiling.
"N-nothing... may iniisip lang ako."

Marrying The Ruthless Mafia Son [Madrigal Series]Where stories live. Discover now