Kabanata 3: Pagkamuhi

125 5 2
                                    

Emilio San Diego

Sa awa ng Diyos ay naging masaya naman ang kanilang naging usapin patungkol sa kanilang plano sa nalalapit na kasalan nila Lucas at Martina. Wala akong ibang ginawa sa hapag kundi kumain ng mga ulam na niluto ko kanina. Sa totoo lang ay iba ang kabang nararamdaman ko sapagkat hindi ko batid kung mainam ba sa panlasa ng iba ang mga pagkain na aking iniluto.

Ngunit ayos lang siguro ang lasa nito dahil patuloy parin namang nilalantakan ang mga putahe na nakalatag sa hapag. Ang mga magulang lang ang nagkakasundo at nag-uusap. Habang tahimik lang kaming nakikinig ng mga kapatid ko maging si Lucas. Siya nga pala ay kanina ko pa ito nakikita na tanging isang putahe lang ang kanyang kinakain.

"Hijo, bakit iyang adobo lamang ang iyong kinakain? Heto at meron pang pastel na manok," alok ni ina na siguro ay napansin din ang pagkain na ginagawa ni Lucas.

"Sa totoo niyan ay paborito ko ang adobo at tanging luto lang ng aking ina ang masasabi kong masarap kainin. Ngunit nang matikman ko ang bersyon ng adobo na ito ay tila magiging paborito ko rin ito--- siya nga pala Ginang Julia. Sino ho ang nagluto nito?" Magalang na tanong ni Lucas sa aking ina.

"Ah iyan ba? Malamang si---" hindi naituloy ni ina ang kanyang pagsagot ng bigla na lamang sumabat si Martina.

"Hindi na dapat tinatanong iyan Lucas sapagkat ako ang nagluto ng mga putaheng iyan," ani ni Martina.

Gulat man ng sandaling iyon ay nanatili ako at inintindi si Martina. Alam kong kailangan niyang magpakitang gilas ngayon sa harap ng magulang ni Lucas kaya sasakyan ko nalang ang kanyang kasinungalingan.

"Kung gayon ay masasabi kong mapupunta ako sa pangangalaga ng isang babaeng mahusay sa kusina. Nagagalak akong malaman na napakasarap mong magluto," mas lalo lang nagdilim ang paningin ko ng mga sandaling iyon sapagkat nakita ko kung paano palihim na kiligin si Martina.

Wala naman akong pakialam sa papuri ng bastardo na ito. Ngunit sa pagkakatanda ko ay hindi manlang nagmalasakit ang mga kapatid ko na tulungan ako sa kusina upang magluto kanina. Kaya ano itong sinasabi niya na siya ang nagluto ng mga pagkain? Maari niya naman sabihin na niluto niya ang adobo at ang iba niyang kapatid ang nagluto ng ibang putahe. Talagang may ugali rin ang mga kapatid ko na hindi ko inaasahang taglay nila.

Inilapag ko ang kubyertos na gamit ko sa hapag at hindi ko sinasadya na mapalakas iyon. Dahilan iyon kung bakit tila naagaw ko ang atensyon nilang lahat. Matamlay akong ngumiti at hinipo ang aking ulo.

"P-Paumanhin, tapos na akong kumain at medyo nakakaramdam ako ng pagkahilo. Nais ko ho munang lumabas upang magpahangin," pagpapaalam ko.

"Hindi ba mas makabubuti kung pumaroon ka sa iyong silid at magpahinga? Gabi na kung kaya't baka mahamugan ka," umarko ang isang kilay ko ng pagsabihan ako ng Lucas na ito.

'Bakit naman kita susundin? Sa sinapupunan mo ba ako nanatili ng siyam na buwan bago mo iluwal? Hindi naman kita nanay.' saad ko sa aking isipan.

"Kaya ko ang aking sarili Ginoong Lucas, ngayon kung inyong mamarapatin ay tutungo ako sa labas upang magpahangin. Nawa'y magpatuloy ang salu-salo na ito kahit wala ang aking presensya bilang kapatid ni Ate Martina," pagpapaalam ko at yumukod bago nagtungo sa labas.

***

Hindi ko batid kung bakit tila kumukulo ang aking dugo sa labis na pagkamuhi. Ano bang pakialam ng Lucas na iyon sa akin? Hindi ako natutuwa sa ginagawa nitong pagpapakitang gilas sa aking mga kapatid at magulang. Ginala ko ang paningin sa buong asyenda at wala akong nakita ni isang magsasaka o manggagawa. Marahil ay nagsiuwian na ang mga ito upang manilbihan uli bukas.

Hanggang Sa Muli, Aking SintaWhere stories live. Discover now