1

7 1 0
                                    

Brylle's P.O.V

"GAGO KA bro!, Bat di mo sinabi na ngayun na pala alis nyo ni tita edi sana naka pag bar pa tayo!" Di ko nalang pinansin si jerome at pinag patuloy ang pag lalagay ng mga damit ko sa maleta.

"Babeee di ako pinapanasin ni best friendddd!"

"Tigilan moko meroje ha!"

"Ehhhhhh babe namannnn"

"Dika titigil?"

"Ito na nga titigil na."

Naiiling nalang ako at umupo muna sa higaan ko.

"So kuya kumusta na si Mama Alice?" Tanong sakin ni Natalie. Tinignan ko si Jerome at ayun naka harap na ngayun sa pader,naka upo at may binubulong bulong. Baliw talaga ang luko.

Natalie Perfecto is my Cousin, mother side. Tapos yung baliw na naka harap ngayun sa pader ay si Jerome Aguirre,best friend ko na boyfriend naman nitong si Natalie. Ewan ko ba kung pano yan nag ka tuluyan eh ang sama ng dugo nila sa isa't isa nong bago palang silang mag ka kilala. Pag ibig nga naman.

"Ayus naman na daw sya,kailangan lang na di gaano mapagod ang katawan nya"Sagot ko na ikina tango nya naman.

Ilang oras din silang nag stay sa condo ko. Nag uusap lang kami ng kung ano ano habang nag aayus ng mga gamit nadadalhin ko.

Medjo tanghali na ako naka uwi sa bahay. Pumunta pa kasi ako sa companya kung saan ako nag tatrabaho at ibinigay ng resignation letter ko. Nadatnan ko pa si mama na naka upo sa sofa at umiinom ng tsaa nya.

"Ma" tawag ko sa pansin nito at kaaga akong lumapit sa kanya.Hinalikan ko ito sa noo at tumabi sakanya.

"Oh ayus ka lang ba?"Tanong nya saakin na ikinangiti ko naman.

"Ako dapat mag tatanong nyang saiyo"

"Sus ayus na ayus na ako no"Sabi nya at ginulo ang buhok ko.Niyakap ko sya at ipinatong ang ulo ko sa balikat nya.

"Nag papalambing nanaman ang baby ko"Ngumiti ako sa sinabi ni mama.Hmm nag papalambing nga ako HAHAHA.

•••

Ng hapon ding iyon ay nag byahe na kami papunta doon sa bago naming bahay. Mahigit dalawang oras din yung naging byahe namin. Kinukulit nga ako ni mama kung maganda ba iyong bago naming titirhan. Hindi ko kasi ipinapakita sakanya yung litrato noong lugar at yung bahay,ako lang kasi yung nag hanap ng pwede naming paglipatan tas sabi ko surprise nalang iyon sakanya. Kailangan kasi ni mama ng lugar na malayo sa syudad na maingay at polluted na lugar,May sakit kasi sa puso at may asthma si mama,kaka opera palang sakanya sa puso noong isang buwan at kailangan nyang mag pa lakas ng katawan ngayun. kaya sa isang probinsya kami lilipat ngayun. At pasalamat talaga ako sa kaibigan ng mama ko na nakaka alam sa lugar na iyon.

"Sir, saan ho dito?"Tawag saakin ni Manong darwin. Mukhang nandito na kami.

Tinignan ko ang daan itinuro ko iyong nasa gitna na gate. Tatlo kasi ang Villa dito pero mag kakalayo naman sila. Iyong pangalawang villa iyong napili ko kasi mga nasa 15 houses lang ata ang nandoon kaya hindi sya crowded,hindi gaya noon dalawang katabi nito.

"Ma gising na, nandito na tayo" ginising ko na si mama. Una na akong lumabas ng kotse at inilabas na iyong mga gamit namin. Kasunod naming dumating ay iyong van namin kong saakan nandoon ang ilang mga gamit namin.Sabi kasi ni mama baka hindi na sya bumalik sa syudad kaya isinama na namin yung mga gamit sa bahay. Sabi ko nga bibili nalng kami ng bago kaso ayaw nya kaya wala na akong nagawa.

"Ang ganda naman dito Nak" rinig kong sabi ni mama kaya nilapitan ko sya at inakbayan. Sabay na kaming pumasok sa bago naming bahay. Malaki din naman itong bago naming bahay pero maliit na kunti kumpara sa bahay namin sa syudad.

Inilibot ko lang si mama sa buong bahay ng matapos ay pinag pahinga ko na sya. Ako naman ay tumulong na sa ilan naming kasamahan sa pag pasok ng mga gamit at inayus narin ang mga ito.

"Pahinga na din po kayo Mang Darwin,Ate Sara at Nay Delia" tawag ko sa pansin nila. Sila lang yung sumama samin dito,yung ibang kasambahay namin ay pinauwi ko na sa kanilang pamilya,syempre binigyan ko din sila ng mga sweldo with bunos pa nga.

"Kayo din ho sir"

Tumango ako at umakyat na sa taas. Pinuntahan ko muna ang kwarto ni mama. Kumatok ako at binuksan ang pinto. Nadatnan kong natutulog na si mama at hawak nya nanaman ang Family picture namin.

Dahan dahan ko iyong kinuha at ipinatong sa mesa. Kinumutan ko din sya at hinalikan ang noo bago ako lumabas ng kwarto nya.Pumasok naman ako sa kwarto ko na katapat lang ng kwarto ni mama. Nahiga ako sa kama ko na maayus na ngayun. Dahil siguro sa pagod ay nakatulog ako kaagad.

•••


Kinaumagahan ay nakita ko ng nasa labas na si mama at nakikipag kwentuhan na sa ilang ale na kapitbahay namin.

Nong hapon din iyon ay inutusan nya ako.

"Nak,bigay mo nga itong pansit at spaghetti dyan sa kapitbahay natin" Rinig kong sabi ni mama mula sa kusina. Bumaba kaagad ako at kinuha iyong pagkain at lumabas na ng bahay.

"Brylle iho!, Paki sabi sa mama mo ang sarap ng pansit nya!"Sabi ni aleng Mara ng makita nya ako.

"Sige ho!" Tugon ko dito.

Ng maka rating ako sa bahay nong kapitbahay namin na hindi ko manlang nakita kahapon ng lumipat kami ay kaagad akong kumatok at nag door bell.Mga ilang minuto din siguro akong nag hinatay ng may bumukas ngpinto.

"Yes?" Bumungad sakin ang isang babae. Magulo ang kulot nyang buhok na hanggang beywang ata at naka itim na turtle neck blouse at makapal na jacket. 'Nilalamig ba sya? Ang init init kaya ngayun'. At sa tingin ko ay mag kasing edad lamang kami.

"Hey,uhm.. we're your new neighbors, im Brylle nga pala.Kakalipat lang namin kahapon at yun yung bahay namin" itinuro ko yung bahay namin na katapat lang ng bahay nila. "and here.." Pakilala ko at iniabot sakanya yung dala kong dalawang maliit na food containers na may lamang pansit at spaghetti na niluto ni mama kanina. Naparami kasi yung luto ni mama kaya pinamigay na namin sa kapitbahay namin.

Tinanggap nya naman kaagad iyon.Pero yung mukha nya puno ng pag tataka. "Thanks, i guess?" Sabi nya at isinarado na ang pinto.

Napakamot nalang ako ng ulo kasi mukhang ayaw nyang may kausap eh.Mukha ding na istorbo ko pa sya sa pag tulog nya.

Tatalikod na sana ako ng biglang bumuka ulit iyong pintuan pero maliit nalang ang siwang nito at naka silip nalang sya.

"Congrats sa pag lipat nyo" Sabi nya at muling isinara ang pinto. Napangiti nalang ako at tumalikod na.

Hey!, NeighborWhere stories live. Discover now